Brats Obsession 24
"Hey, Dixie!" naka ngiting bati ni, Zyair nginitian ko na lang ito saka nagtuloy tuloy sa pag lalakad palapit rito
"What a beautiful lady."puri nito saka magaang hinalikan ako nito sa labi bago nito pinag siklop ang kamay naming dalawa
Parehong may ngiti sa labing magkahawak kamay kaming lumabas ito na ang nag maneho sa sasakyan ko
"Saan tayo?" Tanong ko rito habang pinag mamasdan siyang nag mamaneho saglit ako nitong tinapunan ng tingin saka muling binalik ang tingin sa daan bago sinagot
"Sa Park."parehong makikita mo sa mga mata namin ang saya Hindi natuloy ang pakikipag kita ko kay, Aziel dahil bigla itong nag aya ng date sakto namang may lakad din siya kaya napag desisyunan naming bukas na lang kami mag kikita
"Na miss ko toh." usal nito sabay kaming naglalakad na mag kahawak kamay habang papunta sa may swing
"Me too." sang ayon ko rito
"Sobrang na miss ko tong gawin kasama ka kaya inaya ka sa biglaang date." natatawang wika nito
"Dito kayo nuon madalas nila,Calista diba?Dito kita laging sinusundo pero bago tayo umuwi lagi Kang nag aayang mag lakad lakad muna tayo."nakangiti pagbabalik tanaw nito mula sa nakaraan napa ngiti na lang ako tuwing naalala ko ang memories naming mag kasama
"Tru—" pareho kaming natigil ng may babaeng tila galit na galit na mabilis na nag lakad palapit sa amin at walang ano anong malakas na sinampal si, Zyair
Parehong nanlaki ang mga mata namin sa ginawa nito napa singhap ako sa gulat habang si Zyair naman ay sa sakit
"Kiyoko!!" nagising ang diwa ko mula sa pag kakagulat ng may sumigaw tila ba ang babaeng biglang sumulpot sa harapan namin ang tinatawag nito dahil lumingon ito rito
"What the hell!Why did you slap me?!" bakas ang pag kairita sa boses ni, Zyair agad na binalik ng babae ang tingin nito kay, Zyair na sobrang sama ang tingin
"What a btch!" I murmured bago puno ng pag aalalang tinignan ang namumula na ngayong pisngi ni, Zyair
"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ko rito saka masuyong hinaplos ang pisngi nito huminga ito ng malalim saka tumango
"Why did you even slapped him,btch?" iritang muli kong hinarap ang babae
"Kasi yang lalaki—"
"Kiyoko!"natigil ito sa pag sasalita ng dumating ang kasamahan nito siguro
"Sorry po, Misunderstanding lang." pag hingi ng tawad ng babaeng bagong dating
"Ano bang sinabi mo,Loraine? Diba siya yung lalaking nanloko sayo?" kunot noong tanong ng babaeng tinawag na Kiyoko
Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi nito
"Ano ka ba, Kiyoko hindi naman siya yun eh." dinig kong bulong ng babaeng tinawag nitong Loraine
"Seryoso ka ba?Diba ganyan yung damit niya?"
"Sino ba kayo? Hindi ko kayo Kilala."inis na singhal ni, Zyair rito
"Pasensya na po,Kuya Ate Akala kasi nitong kaibigan ko na Ikaw yung ex boyfriend ko na nanloko sa'kin pareho po kasi kayo ng kulay ng damit kaya." sinseryong pahingi nito ng tawad
"Sorry di ko sinasadya akala ko kasi Ikaw talaga yung malolokong ex niya eh."Kiyoko
"Sa susunod huwag kang biglang na nanapal."matalim ang tinging pinukol ko rito na ngayon ay namumula siguro dahil sa kahihiyan
"Dahil sa susunod palad ko ang dadapo sa pisngi mo."madiing wika ko rito bago hinawakan ang kamay ni, Zyair saka hinila na ito paalis
" Hey,calm down I'm fine."masuyong wika nito saka mahinang pinisil ang kamay na hawak hawak nito para pakalmahin ako
"Kasi namn eh Hindi ko maintindihan kung bakit kaya biglang sinampal Ako lang ang may karapatang gawin yun."nag pupuyos sa inis na wika ko rito dinig ko ang mahinang tawa nito bago Ako hinila payakap sakanya
"It's was just misunderstanding okay? Hindi na yun mauulit."malambing na wika nito
"Nakakainis dapat sinampal ko rin ang babaeng yun para iganti ka."
"Hahaha You don't need to do that, Dixie they already apologize."
"Eh sa naiinis pa din Ako eh. "kunot na kunot ang noong reklamo ko rito
"Ano bang gusto mo para mawala na yang inis mo?"
"Ice cream." agad na sagot ko rito ng matanaw ang naka bike na nagbebenta ng Ice cream
Nagtatakang napatingin ako rito ng hinila Ako nito patayo at mukhang isasama pa ako
"Bakit kailangan sumama pa Ako?" naka simangot na reklamo ko rito
"Hindi kita pwedeng iwan rito baka kung anong mangyari sayo." umiiling na wika nito bakas sa boses nito ang takot at pag aalala kitang kita din sa mga mata nito
Napa buntong hininga na ako saka humawak sa kamay nito
"Tara na kung ganun." Aya ko rito ayaw kong makita ang mga emosyong Yun sa mga mata niya na tila ba takot na takot sa pwedeng mangyari sa oras na iwan niya ako...
Ngumiti na rin ito kahit papano ngunit hindi nawala ang pag aalala sa mga mata nito
"Dalawa nga po."wika ni, Zyair hindi pa din nito binibitawan ang kamay ko hinayaan ko na lang dahil parang pati pag hawak nito ay ayaw akong mawala
"Mag kasintahan ba kayong dalawa?Aba napaka gwapo at hand niyo bagay na bagay kayo." naka ngiting wika ni, Manong
"Mag Asawa ho kami." pigil ko ang mapa ngiti ng marinig ang sinabi nito ito ang unang pag kakataon na may maka alam na mag Asawa kami na siya mismo ang mag sasabi
"Ganun ba? Aba ang ganda at gwapo ng magiging mga sumpling niyo pag nagkataon." tuwang tuwang wika nito Manong
Mahinang tumawa si, Zyair habang inaabot nito ang bayad niya
"Yan nga din Ang na iisip ko Manong eh excited na akong magkaroon ng maliit na version namin." napa kunot ang noo ko sa pinag uusapan nila
"Galingan mo ang performance mo Hijo."natatawang payo ni Manong natawa din si, Zyair rito bago nag paalam
"Bakit kayong dalawa lang ang nagkaintindihan?" kunot noong tanong ko rito
"Wala Yun huwag mo ng isipin." natatawang wika nito napa iling na lang ako at hindi na nag tanong
"Kung mag kaka-anak tayo Anong gusto mong ipangalan?"halos mabulunan Ako sa sarili kong laway sa biglaang tanong nito
"Anong anak anak." asar na turan ko rito saka mahinang pinalo siya braso
"Bakit?Ayaw mo bang mag kaanak sa'kin?Saka kasal na tayo diba?" tila nag papaawang wika nito saka bumaba ang tingin nito sa sinapupunan ko
"Saka anong Malay mo may laman na pala toh." naka ngising wika nito habang hinahaplos ito nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito
"Mag tigil ka Zyair!"
"Fine." napipilitang sambit nito saka muli akong tinitigan
"Pero kung sakaling Meron magugustuhan mo ba?Anong gusto mong ipangalan?Saan natin pag aaralin?Saan natin siya pabibinyagan? Dapat na ba?Set ng computers?"sunod sunod na tanong nito napa tanga na lang ako, kalaunan ay humagalpak Ako ng tawa dahil sa itsura
"Mahal na mahal talaga kita, Zyair!"I exclaimed habang pinag tatawanan siya
____
Kiyoko and Loraine is from the username of Kiyoko Wushuu and Loraine1227 panakaw ng name🤣
BINABASA MO ANG
The Brat's Obsession(🌜)
General FictionWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | COMPLETED He is the son of her personal maid He is the son of her personal driver He is the only person who can stand her being a spoiled brat and being bitchy He's 27 years old while she's 19 years old when she ca...