[ COMPLETED ]
FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES
Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"At aanhin niyo naman ang death lily?" tanong sa'min ni Megaera.
"Isinumpa ang mga kaibigan namin ng isang dark fairy. At sabi ng mga antidote maker, isa 'yan sa mga sangkap sa antidote para sa sumpa," sagot ni Klein.
Pinasadahan kami ni Megaera ng tingin isa-isa.
"Sige. Ngunit may iaalay ba kayo para sa'kin?"
Napakunot ang noo namin ni Klein.
"Alay?" tanong namin.
"Oo. Kaming mga forest nymph ang bantay ng kagubatan. Kaya kung nais mong ibigay namin ang inyong nais, kailangan may kapalit," sagot ni Megaera.
Napaisip kami ni Klein dahil sa sinabing 'yon ng forest nymph. Hindi naman namin alam na kailangan pala naming mag-alay sa kanila ng kahit ano para pagbigyan nila ang kahilingan namin.
"Kung wala kayong maibibigay sa'kin, ibigay niyo na lang sa'kin ang isa sa mga hayop na kasama niyo."
Nandilat ang mga mata namin ni Klein.
"P-Pero hindi maaari. Sila ang mga kaibigan namin," katwiran ni Klein.
"Kung gano'n," pagkatapos ay lumakas ang simoy ng hangin, "kailangan niyo muna akong talunin sa isang laban kung kaya niyo," hamon sa'min ni Megaera.
"Hades Sword," pagtawag ko sa aking divine artillery at siya namang litaw nito sa aking kamay.
"Klein, ikaw muna ang bahala sa mga kasama natin," pakiusap ko sa kanya.
Pagkumpas ni Megaera ng kanyang mga kamay ay biglang may mga malalaking ugat ng puno ang naglitawan sa lupa at gumapang ang mga ito pataas upang salubungin ako ng atake.
Winasiwas ko ang aking espada at sa bawat hampas ko nang may buong puwersa ay napuputol ang mga ugat ng puno bago pa ito tuluyang makalapit sa'kin.
Tumatakbo ako nang mabilis habang paulit-ulit na winawasiwas ang aking espada para putulin ang bawat ugat ng puno na umaatake sa'kin.
Ginagawa ko ito hanggang sa makarating ako kay Megaera.
"Orb of Divine Light," sambit ko nang nasa harap na 'ko ni Megaera sabay tinutok ko ang espada ko sa kanya.
Naglabas ng bola ng liwanag ang dulo ng aking espada at nasakop ng liwanag nito ang paligid. Umalingangaw naman sa kagubatan ang pagdaing ni Megaera dahil sa second skill ng aking artillery.
Nang maglaho ang liwanag ay ibinaba ko na ang aking espada at nakita ko na lang si Megaera na nakaupo sa lupa habang tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay.
"Ngayon, bibigyan mo na ba kami ng isang death lily?" tanong ko.
Dahan-dahang tinanggal ni Megaera ang kanyang mga kamay nakatakip sa kanyang mukha. Tiningala muna niya ako bago siya tumayo.
Promoted na mga Kuwento
Magugustuhan mo rin ang
Napakunot naman ang noo ko nang mapansin kong titig na titig sa'kin si Megaera. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Isa ka bang Orphic nymph?" tanong niya.
"Orphic nymph?" pagtataka ko.
Tumango si Megaera, "Oo. Iyon ang tawag namin sa mga diyosa. Orphic nymph kapag taga-Underworld, at Celestial nymph kapag taga-Olympus."
Mayamaya ay lumapit sa'min si Klein kasama ang mga kaklase namin.
"Nararamdaman ko ang kapangyarihan ng isang divine mula sa'yo," dagdag pa niya.
"Isa siyang Olympian demigoddess," sabad ni Klein.
Mukhang nagulat naman si Megaera. Pagkatapos ay nandilat ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Hindi ko alam na ikaw ay isang Celestial nymph. Paumanhin," aniya.
Yumuko naman ako agad at inalalayan si Megaera na tumayo.
"Ayos lang. Kailangan lang talaga namin ng isang death lily," sambit ko.
"Sige. Sumunod kayo sa'kin," ani Megaera at pinangunahan niya ang paglalakad sa mas masukal na bahagi ng kagubatan.
"Sino ang iyong ama?" usisa ni Megaera.
"Si Zeus ang kanyang ama," sabad ni Klein.
Pinandilatan ko ng mata si Klein. Hindi pa nga kami sigurado kung siya nga talaga ang ama ko.
"Ang Panginoong Zeus?" ani Megaera na tila hindi makapaniwala sabay nilingon niya kami habang nandidilat ang kanyang mga mata.
Natawa ako nang pagak. "Hindi pa talaga kami sigurado ngunit iyon ang hinala nila."
Pagkatapos ay pasimple kong pinandilatan si Klein at siniko.
"Bakit? Mukhang mas okay 'to," bulong ni Klein.
"Kahit na!" bulong ko naman.
Natahimik kami nang lingunin kami ni Megaera.
"Ganoon ba? Kung gano'n, bukod sa death lily, may kailangan ka pa ba? Nais mo ba ng mga ginto?" alok ni Megaera.
"Ginto?" sabay-sabay na komento ng mga kasama ko na tila hindi makapaniwala.
"Naku, Megaera. Hindi ko kailangan ng ginto. Iyong death lily lang talaga. Salamat," pagtanggi ko.
Ilang sandali pa sa aming paglalakad ay nakita naming mas madalim ang lugar na 'to kaysa kanina dahil mas malalaki ang mga puno rito at mas makakapal ang mga dahon nito. Sobrang kakapurat na liwanag lang talaga ang nakakapasok at ang tanging nagbibigay liwanag lang talaga sa paligid ay ang grupo ng mga alitaptap. Dahil mas madilim dito, mas marami ang mga alitaptap.
"Narito ang mga death lily," ani Megaera sabay turo sa amin ng isang maliit na tubigan kung saan may nakalutang na mga death lily. At sa paligid din nito ay nakatanim din ang mga bulaklak na ito.
"Nakatago rito ang mga death lily dahil mapanganib na halaman ang mga 'yan. Puwede siyang panggamot, ngunit puwede rin siyang gamitin panglason," paliwanag ni Megaera.
Lumapit na ako sa katubigan at pumitas ng isa. Tinitigan ko munang mabuti ang bulaklak. Maninipis nga ang mga petal nito na kulay pula na may bahid ng puti sa bandang loob. Tapos ang pistil nito at kulay dilaw.
"Oh, heto," sambit ni Klein sabay abot sa'kin ng maliit na supot na gawa sa sako na galing sa kanyang bulsa.
"Dito mo ilagay 'yang bulaklak," aniya pa sabay inabot ko naman ito at inilagay ko sa loob ng supot ang bulaklak.