Hindi ko na naibigay ang mga keychain na gawa ko.
Nang pabalik na kami, nakita ko ang ilang kaibigan. Wala na masyadong tao.
Sinalubong nila kami at tila nag alangan nang makita ang hitsura ko.
"Anong nangyari?" Pabulong na tanong ni Marion. Walang sumagot.
Hindi na sila nagtanong pa.
"Mamaya na ako aakyat, dito muna ako." Sabi ko at naupo sa isang putol na trunk mg kahoy.
"Pero..." Si Ada.
"Gusto niyo na umakyat? Ako na bahala kay Jez. Samahan ko muna." Si Karl.
"Okay." Ani Marion at tumango.
Ganoon din sila Ada at nag umpisa na maglakad patungo sa room namin.
"Jez, katok ka nalang mamaya, oki?" Si Wena.
I nodded at them.
Napabuntong hininga ako.
"Ayos ka na?" Tanong ni Karl.
Tumango naman ako. "Salamat sainyo ni Ada."
He heaved a sigh.
"Ano ba kasing nagustuhan mo doon bakot siya pa?" Tanong niya.
Umiling ako. "Ewan."
"Ang daming iba diyan na nagkakagusto sa'yo. Bakit doon ka pa sa lalaking walang ginawa kundi paluhain ka?"
Natawa ako. "Hindi ko alam."
Natigilan kami sa pag-uusap nang lumapit sa amin si kuya Kenji, ang half Japanese na third year student.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Uhm... here I just want to give you this." Sabi nito at inabot sa akin ang isang paper crane origami, isang tulip origami, at isang parang keychain.
"Uhm... that one is a happiness amulet." Sabi nito.
Tinanggap ko iyon. "Thank you po."
"Uhm... Jezreel, I like you." Diretso nuyang sinabi.
"Po?"
"I like you Jezreel. Ever since I transferred, noong una kitang nakita, nagka gusto na ako sa'yo."
Pagkatapos ng biglaang confession ni kuya Kenji, nagpaalam na siya na babalik na daw siya sa kwarto nila.
"See, that's what I'm telling you!" Si Karl. "A lot of other guys are into you, but you're stuck with Hansel Iain Guadalupe."
Bumalik na ako sa room namin.
"Oh, saan galing yan?" Tanong ni Wena nang makita ang mga hawak ko.
"Kay Kuya Kenji."
Agad nagsitayuan ang tatlo.
"OMG! He gave those?" Si Mandy.
I nodded. "Oo tapos umamin kanina, sabi niya he likes me daw."
Paimpit silang nag tititili!
Napailing nalang ako dahil mukha silang mga bulateng inasinan. Pagtingin ko sa gawing higaan ko, at nakita ang dalawang crocheted cinnamoroll. Sina Mocha at cinnamon!
Agad kong tinakbo ang stairs sa bunk beds at kinuha iyon.
"Hala ang cute!" Sabi ko. "Kanino galing ito?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.
Nagkibit balikat sila.
"Hindi namin alam, kasi nung papunta kami dito, nakita namin iyan sa door. Tapos may printed card, na sabi para sa'yo iyang dalawa." Si Mandy.
BINABASA MO ANG
Footprints In The Sand
Teen FictionJez is a girl who is willing to go to any length to get her crush, Hans, to notice her, but will she be able to keep chasing him and following his footprints now that she is gradually losing a big part of herself? Started: 7/27/2022 Completed: 8/9/2...