Chapter 15

4 0 0
                                    

"Thank you, everyone! Go home safe, good night!" Paalam ko sa fans namin matapos ang huling performance namin.

Nagdikit-dikit pa kaming lahat kasama ang mga back-up dancer bago kami sabay-sabay na nag-bow at kumaway sa kanilang lahat bago umalis ng stage at tumungo sa backstage.

Dere-deretso kaming nagtungo sa kanya-kanya naming dressing room at nang makapasok ako sa akin ay nandoon na sila mommy na naghihintay sa'kin.

"That was so amazing, anak. You were so good up there!" Ani daddy.

Napangiti naman ako at nag-bow sa harap nila na ikinatawa ng kambal.

Mabilisan akong nagpalit ng damit at naghilamos para maalis ang makeup ko dahil it's almost 9 PM at magdidinner pa kami nila mommy bago kami bumiyahe patungo sa Corazon.

Nang makalabas kami sa dressing room ko ay sinalubong kami nila Ms. Margarette na walang sawa ang pagko-compliment sa naging performance namin.

Nagpaalam lang din kami sa kanila maging kina Natasha bago kami tuluyang umalis nila mommy.

Medyo nahirapan pa nga ako sa pagsakay sa sasakyan namin dahil sa dami ng fans na nag-aabang sa labas.

Siyempre, kahit pagod ay pinagbigyan ko pa rin sila na makapagpa-picture at makakuha ng autograph.

"Good evening, this way po. Naka-serve na po ang mga pagkain niyo." Pagga-guide sa amin ng isang waiter sa fancy restaurant na pinuntahan namin.

Nagpasalamat kami sa kanya bago kami naupo nila mommy at nagsimulang kumain dahil personally, gutom na gutom na talaga ako.

Hindi biro ang halos tatlong oras namin na pagpeperform ano! Nararamdaman ko na agad na mapapaos ako bukas dahil masyado akong give na give sa pagbirit kanina.

Ramdam na ramdam ko ang pagguhit ng malamig na iced tea sa lalamunan ko, isa na iyon sa mga signs na kinabukasan ay talagang mapapaos ako.

"Nakausap ko na sila Perla, bukas ay doon ka sa pinto ng kitchen papasok para nasa likod ka. Pagdating ay sasabihin namin na hindi ka na naman makakauwi." Ani mommy habang kumakain kami ng dessert.

"A surprise, mommy?" Tanong ni Mateo.

"Yes, anak. Tomorrow, you guys have to pretend that your ate's not with us, okay? We're going to surprise Lolo, Lola, your cousins, and your Titos and Titas." Sagot ni mommy.

Napangiti si Mateo at nag-thumbs up pa kay mommy habang si Macoy ay tumango lang dahil busy siya kumain ng Kitkat ice cream niya.

Pasado 10 PM na nang maka-alis kami ng restaurant at nagsimulang bumiyahe patungo sa Corazon.

Sinuot ko ang neck pillow ko at ang aking eye sleeping mask para hindi ako masilaw kapag nagka-araw na.

Usually, kapag nasa biyahe ay nakikinig ako ng music kaso pagod ang tenga ko dahil sa concert at natatakot naman ako na baka masira ang eardrums ko at kailanganin ko nang magsuot ng hearing aid.

Dala ng sobrang pagod ay nakatulog nalang ako. Mabuti na nga lang at natulog na rin ang kambal, walang maingay.

"Mariel, gising na. Bilisan mo at hinihintay ka na ni Perla sa likod. Nag-aalmusal na sila Mama." Panggigising sa'kin ni mommy.

Kaagad akong dumilat at bumaba ng van dala ang personal bag ko. Tahimik naman ako na pumasok sa gate ng mansyon at lumakad sa garden sa gilid patungo sa back door kung nasaan ang kitchen.

Naabutan ko naman si Ate Perla at ginuide niya ako papasok. Naka-squat ako kung maglakad at naeexcite ako dahil naririnig ko ang mga boses nila.

Nagtago ako sa likod ng kitchen island nila Lola habang hinihintay ko si mommy na magsalita.

          

"Sorry, Ma. Hindi ulit makaka-uwi si Mariel e, hectic daw ang schedule niya." Narinig kong sambit ni mommy.

"Nakakalungkot naman at miss na miss ko na ang apo ko na iyon. 'Di bale, pwede naman natin siyang i-video call mamaya." Ani Lola pero mababakas mo pa rin ang lungkot sa tono ng pananalita niya.

Narinig ko ang pagtunog ng upuan, umupo siguro sila daddy. Mabuti nalang at tahimik lang ang kambal, madaling kausap na surprise ito at dapat ay hindi sila maingay.

"Perla, ilabas mo na ang buko pandan! Sayang at wala si Mariel, mahilig pa naman iyon sa matatamis." Utos ni Lolo.

Inabot sa akin ni Ate Perla ang bowl ng buko pandan at dahan-dahan akong naglakad patungo sa dining table.

Nakatalikod sa'kin sila Lola at ang mga pinsan ko naman ay busy sa pagkain.

"Ito na po ang buko pandan." Saad ko nang ilapag ko ang bowl sa lamesa.

Agad silang napatingin sa direksiyon ko at naging sunod-sunod ang pagsinghap nila habang sila mommy ay natatawa lang na nagvivideo.

Halos mapahiga na ako sa sahig nang sabay-sabay na lumapit sila Lola at mga pinsan ko sa akin para yumakap.

Pinagalitan pa ako ng mga ito at 'wag daw kami magloloko ng ganoon dahil baka atakihin daw sila sa saya at gulat.

Sumabay ako sa pagkain nila at walang tigil kami sa pagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa akin sa Korea habang nagttraining kami.

Napakarami nilang tanong, akala mo ay hindi kami madalas nagkaka-usap. Ang mga pinsan ko nga ay halos araw-araw kung tumawag sa akin para lang mangamusta.

Nagtatampo pa sila dahil hindi ko madalas masagot ang mga tawag nila. Sobrang busy ko naman kasi talaga!

"Baka may boyfriend ka na Baby Mari, ha?" Tanong ni Kuya Devin habang nasa garden kaming magpipinsan.

"Busy ako sa career ko, Kuya Devin." Natatawang sagot ko.

"Good. Hintayin mo muna na magka-girlfriend kami bago ka mag-boyfriend." Sambit ni Kuya Patrick.

Wala pa silang nagiging girlfriend at ako ang naiistress sa kanila! Wala silang jowa na mapagbigyan ng oras kaya ako ang ginugulo nila palagi.

Ayon sa kanila, busy daw sila magpayaman at halos pare-parehas lang daw ang mga babae na nakikilala nila.

Ang tataas din naman kasi ng standards nila! Besides, ineenjoy pa daw nila ang binata life nila at ayaw pa nilang mag-commit.

"Huy, nandyan sila Stanley. Nagkaka-usap pa ba kayo?" Tanong ni Kuya Devin matapos naming mag-asaran tungkol sa girlfriend-boyfriend thing.

"Hindi na e, na-busy ako masyado and I guess na-busy din siya sa studies niya?" Sagot ko.

First 1 year ko sa Korea lang kami nagkaka-usap at hindi na iyon nasundan pa. Busy na kasi ako at alam kong busy na rin siya sa pag-aaral niya lalo na nang mag-med school siya.

Hindi naman kami nagrerely sa isa't isa kaya ayos lang kung hindi kami palaging magka-usap.

"Mamaya magba-bar kami with him. Do you want to come with us?" Tanong ni Kuya Zam.

Agad akong pumayag dahil namiss ko rin si Stanley. I wonder if doctor na siya ngayon. Hindi na rin kasi ako nakakuha ng updates tungkol sa kanya e.

Also, I'm hoping din na magkita ulit kami nila Ge during my stay here in Corazon. We're going to stay here for 2 months naman dahil binigyan kami ng break nila Ms. Margarette after years of non-stop work.

Every SummertimeWhere stories live. Discover now