Hello! Nakakatuwa namen ~ sila Ceejay at Sandra muna ang shine ngayon.
----
¤ CEEJAY
"Talagang ganyan mga gusto mong pinapanood no?" Tanong ko kay Sandra habang nanonood kami ng Horror Movies.
Tumango lang siya. Habang subo yung noodles sa bibig niya.
Sa ngayon, di na ako natatakot sa mga mumu. Araw-araw mo ba naman kasama tong babaeng to. Tapos manood kayo sa bisperas ng pasko ng Horror Movies. Amazing diba?
At ngayon ko na din tatapusin ang kahibangan ko na ito.
"Di ka ba nagsasawa? Ako kasi nagsasawa na." Bigla niya akong tinignan.
Wag mo akong titignan ng ganyan. Sobrang inosente ng mga tingin niya. Nababagabag ako ng konsensya. Feeling ko, nay anghel at demonyo sa likod ko.
Di ko alam kung itutuloy ko ito.
'Flashback..
"Gusto mo makuha ang matamis kong oo diba?" sabi ni Marva.
"Oo naman. Sino bang hindi?" sabi ko sa kanya.
Si Marva, na since first year at di pa ako nalilipat sa M.H. ay mahal ko na. Si Marva na nagpatibok ng puso ko. Siya ang isa pang dahilan kung bakit gusto kong pumasok sa M.H.
Hinawakan niya yung necktie ko at nilapit niya sakin mukha niya. "Sa isang kundisyon.."
"A-ano? *gulp* k-kahit ano. Para sayo."
"Make Sandra Co, fall for you. Then break her after two months. Dont worry.. hmm.. I think December 24 yun." Sabi niya.
Nagdadalawang isip ako. Di naman ako ganito eh. Pero para sayo Marva...
"Sige." Sabagay.. sino nga ba naman magkakagusto kay Sandra? She's just a old fashioned scary girl sa school. Maglalaro lang ako.
Pero parang maling-mali ako sa mga sinabi ko.
"Ha? Ano ibig sabihin mo baby ko?"
"Syet naman Sandra! Wag mo na nga ako tawaging baby ko!" Lumabas ako ng bahay namin.
Ayoko siya makita...
Di ko alam...
Ayoko syang makitang umiiyak..."Ceejay!" Nahabol niya ako. Nasa gitnan kami ng kalsada ng subdivision ngayon.
"A-ano bang *piyok* nagawa ko?" Alam ko.. alam ko sa panahon ngayon, umiiyak na si Sandra. "May hindi ba maganda sakin? Sige, babaguhin ko!"
"WAG!" napasigaw ako. "Basta, nakakasawa na. Natatakot ako lagi. Ayoko na! Break na tayo."
Putek na luha to. Bat ba ako umiiyak?
"Ceejay...." nakatalikod padin ako sa kanya.
"Umuwi kana."
¤ SANDRA
Bakit ganun Ceejay? Bakit bigla kang nagbago?!
Iyak padin ako ng iyaak.
12:00am the time that Ceejay broke up with me.
Anong nagawa ko?
Tinatawagan ko si Ceejay. Ayaw niya sagutin. Nakaka-50 missed calls na ako.
Di ko alam kung bakit ako nagpapakatanga ng ganito sa lalaking yun..
Ano ba Sandra! Di ka na nga mahal ni Ceejay diba?
Eeh siya lang nagparamdam sakin na may kwenta pala ako sa mundong ibabaw na ito!
Putcha. Inaaway ko na sarili ko.
BINABASA MO ANG
Classroom 143
Romance[COMPLETED] Hindi lahat ng bagay dapat pakielaman. Baka minsan madamay ka pa sa ginawa mong yan. Pero siguro lahat ng bagay ay may nakalaan. At ito'y sayo'y tinadhana talaga.