Ngitngit

6 1 0
                                    

Lani’s POV

Taong mabunyi pa ang lahat.

Namumuhay akong normal. Dumaan sa iba’t ibang entablado ng buhay; nagging maliit at lumalaki, tumutubo at minsan ay nauudlot ang pagtangkad. Normla ang gano’n, kahit na akong may kaibahan sa lahat, dumaan sa isang bagay na dapat mong lagpasan. Nag-aral at nang makatapos, nagkaroon ng maayos na trabaho. Nasa puso ko na ang pagtuturo kaya iyon ang nag-udyok sa akin upang maging isang tagapangalaga ng mga pag-asa ng bayan. Kolehiyo ang mga tinuturuan ko. Umibig din ako, at sa huli, isa’t isa na ang pinakasalan namin. Parehas kaming young adult pero masaya ang gano’ng buhay sa akin. Kahit na medyo nahirapan sa pagbuo ng magiging bunga ng pagmamahalan namin, may problema kasi ako sa obaryo at kailangan patawan ng mas mabibigat na pagsisikap para magka-anak. Buti na lamang at mahaba ang pasensya naming dalawa ng asawa ko, natupad din—dulot na rin siguro ng tulak timyas at pait ng sining ng desperasyon, nangyari ang himala. Nang nanipa na ang bata sa loob ng tiyan ko’t sa oras na alam kong gusto niya nang lumabas sa akin upang makitang lalo ang ganda ng buong mundo, napalitan ng tuwa ang sakit na dulot ng pag-iri. Isang iri, isang patak ng pawis. Isa pang iri, siyang tingin ng mga pag-aalalang mata sa akin. Sa mga iilan pang iri, binasag ng sanggol ang nakaharang sa tainga ko gamit ang mga iyak niya. Lumabas siyang malusog, sabi ng lahat. Piloto ang asawa ko, kaya iba ang bagsak sa akin ng tuwa na naroon siya sa piling ko nang mga oras na iyon. Kapag ginalaw m o pa ang kamay ng oras, limag taong gulang na ang anak kong lalaki.
Pasok sa eskwelahan, wala lang ang asawa ko. Madalas sa eroplano, naiintindihan naman namin ang gano’ng madalas na senaryo sa pamilya namin. Para din naman sa amin iyon, para sa kapakanan naming tatlo, at para sa magiging kasalukuyan at sa hinaharap. Iyon ang sinasabi ko sa anak ko tuwing tinatanong niyang, “ma, saan po si papa?” Hindi maiwasan ang mangulila sa kaniya, malamang ay hindi kami buo kung wala siya. Kahit naman na gano’n, umuuwi naman siya tuwing pasko, o kaya kaarawan at bagong taon. Walang panloloko sa relasyon naming, kaya siguro sa oras na lang umapekto ang depekto. Pero masaya ang lahat, normal pagkatapos ng sampung taon.

Kinse na ang edad ng anak ko at dahil sa hindi na rin nakikisama ang katawan ko, napagdesisyunan naming lumuwas palabas ng bansa para sa pagpapagamot ko. Na-admit ako sa kadahilanang nangyari ang pagtubo ng kanser sa dibdib ko, kahit stage 1 pa lang, mas mainam na maagapan kaagad. Sa lalong madaling panahon, lumabas ako kasama ang kapatid ko. Hindi kasama ang mag-ama ko, iilang buwan din bago sila sumunod sa akin. Tumawag ang asawa ko, sabi niya, lalapag na sila sa darating na ilang araw. Natuwa ang puso ko, sasama sila sa akin sa paglaban sa sakit ko. Naririnig ko pa ang mga tawa ng anak ko sa kabilang linya, sabi niya excited daw siya. Ako rin. Sabi ko, lalaban ako para sa amin. Para sa sarili at sa pamilya na rin. Sila ang lakas ko, sila ang gaan na nagiging dahilan ng paghakbang ng mga paa ko. Sisikapin kong mabuhay para sa kanila.

Hanggang sa biglang nilunod ako sa lunos ng buhay. Taman ga sila, hindi perpekto ang tadhana at epal ito, nakaiinis, nakagagalit, nakapanlulumo. Isang araw bago tumuloy sa byahe ang mag-ama ko, sa pangalawang araw—bumagsak ang sinasakyan nila kasabay na rin ang paggunaw ng mundo ko. Binasag sa akin ng kapatid ko ang balita, sabi niya, may pag-asa pa raw. Kumapit lang. Kumapit lang nang mahigpit at baka nasa ilang sulok pa rin sila ng mundo at sinisikap nilang huminga para sa akin. Nanatili akong may bigat ng pag-asa sa puso ko, gano’n pa rin hanggang sa lumaban akong hungkag at nagging maayos ako sa pisikal kong anyo. Nawalan akong ng sakit dahil sa opera at chemotherapy. Iilang taon na ang lumipas… walang balita na lumabas. Walang Henry at Francis ang kumatok sa pinto ng bahay naming sa Pilipinas. Walang sumalubong sa akin ng isang libong halik at mahihigpit na paghagkan. Walang pamilya ang bumungad. Tanging boxes na naglalaman ng mga gamit ng asawa at anak ko, na naglalaman ng memorya at amoy ng nakalipas. Nang mapagtanto ko iyon, mas nagunaw lalo ng baga sa loob ko ang mundo ko.

Binalot ako ng lungkot at pighati. Sobrang sakit. Para akong pinupunit sa tuwing naiisip kong wala akong maaaring makatabi sa gabi. Na wala akong hinahatid sa eskwelahan at wala akong asawang hinihintay sap ag-uwi. Walang-wala ako nang mga oras na iyon. Sobrang lungkot at nawalan din ako ng trabaho. Mabigat din ang reponsibilidad ng isang professor, kaya nang maisipan kong bumitaw, ginawa ko agad. Hindi ko kaya ang isang bagsakan ng lahat. Naisipan ko ring tapusin na lang ang lahat, nang may makasalubong akong batang kasing liit lang ng anak ko, tila anim na taong gulang habang bumibili ako ng lubid sa may hardware store.

“Ano po iyan, ate?” inosente niyang tanong, may dala siyang ice cream na tumutulo sa mga kamay niya. Tinitigan ko lang siya at ngmiti, hindi ko siya sinagot.

Naglakad ako pauwi at pakiramdam ko, may sumusunod sa akin. Hindi ko na sana siya papansinin pero sinabi niya ang mga salitang tumunaw sa akin: “Bumili din po si mama niyan. Tapos po pinalabas ako, sabi bili ako ice cream. Miss ko na po siya kaya nagbili ako ulit ice cream.”

Nang marinig ko ‘yon nagulantang ang lahat sa akin. Bumuhos ang luha ko’t saka ko siya niyakap, mahigpit, at sobrang nginig ang kamay kong tinignan siya sa mga mata. Ngumiti lang siya sa akin at hindi nagsinungaling ang mga mata niya. Niyakap niya ako ulit. “’Wag ka na po umiyak, iiyak din po ang langit.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, umulan nga. Buti na lamang at naisakay ko siya sa isang tricycle at nauna siyang umuwi sa akin. Doon ko lang naramdaman na ayos lang pal ana umiyak. Na ako lang ang sumisisi sa sarili ko at hindi tumatawa sa akin ang bukang-liwayway. Na kahit pakiramdam ko na tinatawanan ako ng lahat at walang pumapansin sa bigat kong dala, may taong makikiramay sa pagluha ko. Nagpasalamat pa sa akin ‘yong bata, hindi niya alam na ako dapat ang magpasalamat sa kaniya. Noon ko lang napagtantong may mga batang katulad niya na nangangailangan ng ina. At doon ko mahahanap muli ang sarili ko. Sa lugar at lugar na iyon, doon ko mapupulot ang mga basag kong piraso ng aking pagkatao.

Kaya bumalik ako sa pagtututo. Pero noong mga panahong iyon, gusto kong mapalibutan ng mga bata. Naalala ko ang anak ko at ang batang nakasalamuha ko, naghahalo ang lungkot at tuwang pakiramdam sa isip kong laman ay iyon. Isang taon bago ko makita ulit ang nakasalamuha kong bata. Iba pa rin ang ngiti niya, may tuwa na parang hinehele ng langit. Naging studyante ko siya bago mag-hayskul dahil sa kurikulum ng school. Juniper Delos Santos ang pangalan ng batang iyon, napalapit ako sa kaniya pati na sa mga kaklase niya. Doon ako unti-unting naghilom, pero buhay pa rin ang bakas ng sakit at ng lumbay. Natapos ang taon nila sa ilalim ng pagtuturo ko pero gusto ko pa ring tulungan ang mga studyante ko. Gusto ko silang tanawin kung paano nila lagpasan ang mga pagdadaanan pa nila. Bilang isang pangalawang ina. Alam kong madadapa sila at kailangan kong tulungan sila. Doon ko mahahanap ang kasiyahan ko. Sa pag-aalaga sa mga itinuring kong anak.

Mabunyi na rin naman ulit ngayon, pagkatapos ng taong pagtuturo, napag-isipan kong ituloy ang titulo sa diploma ko. Naging therapist ako dahil ayaw kong may matulad muli sa akin na muntik manatili sa dilim at hindi na bumangon pa. Maayos na ang lahat ngayon siguro, umaayos paunti-unti, kahit hindi buong katauhan; pero hinihiling ko na lang na sana noon pa man, marunong na akong kumuha ng litrato. Hindi ko alam kung paano ibsan ang pangungulila.

Tulak Sining ng Timyas at PaitWhere stories live. Discover now