July 24, 2022 - Triple Stella Updates
Okay, medyo nakalimot akong magsulat dito, pero okay lang dahil hustling era naman ako noon. I'll tell you my progress.
So, for the second week of July, dumudugo ang utak ko dahil inaral namin (ni Loid) ang Science, at walang matutulog ng hindi ko siya gets. Although medyo nakakaantok na, Loid managed to encourage me to stay awake and understand the lessons with his *charming smile and sweet voice* WAIT TEKA ASAN CORRECTION TAPE KO?! KAKABILI KO LANG NO'N?!
Oh my gosh, okay, kalma. Baka mapunit pa 'to. Okay, let me rephrase it, Loid managed to encourage me to stay awake and understand the lessons with his study tips and words of wisdom. Hindi ko alam anong magical doon but everytime he speaks of my goals and reasons, bumabalik ang gana ko. Iba talaga kapag may *gusto* I MEAN MATALINO ka na tutor!!!! ANO BANG NANGYAYARI SA AKIN?!
So ito nga, sabi ni Housemaster Henderson, sa end of July magreretake ng exam lahat ng mga nadamay ng error. Sabi pa niya, pwede pa rin daw ako maka-aim ng stella since “sila naman daw ang may pagkakamali”.
Ay beh, pinagdiinan niya talaga sabay tingin na nanghuhusga. Iniisip niya siguro na tamad ako pero hindi naman siya mali do'n.
Third week—itong nagdaang linggo, hindi rin ako nagpahinga, inaral ko yong Math. Parang ang dali niya aralin to be honest. Hindi ko alam paano ko 'to naibagsak. Siguro magaling lang talaga magturo si Loid? Top-notch ang mga teachers sa Eden, pero sobrang complicated ng way of teaching ng iba, para silang nagsasalita ng lenggwaheng sila lang ang nakaka-gets.
But Loid made it a lot easy to comprehend, and much enjoyable. Hindi rin siya nakakaumay kasama, he always make me comfortable whenever were together.
Tapos ang dami niya baon na techniques for studying, tapos para siyang bodyguard. Lagi niya akong binabantayan, anywhere, sa LRT nga, habang nakaupo ako nakabantay siya.
Pwede rin siyang tour guide, alam niya mga places na pwede puntahan kapag nasense niyang nasusuffocate ako sa current environment. Myths and other stuffs about the places we go.
Dalawang subjects lang ang uulitin, 'yong mga nakapasa na, optional nalang kung uulit sila, pero kung anong score nila sa retake, 'yon ang irerecord. That's a risk, knowing na iba ang Eden. Siguradong iba na ang mga questions at sinigurado na hindi mauulit ang so-called "pagkakamali".
Sa Home Economics naman, may test din pero after the two hour exams ng Science at Math. Pero paglulutuin kami. May mga teacher na nandoon para mag-obserce, one teacher will observe and grade two students. Hindi ka talaga makakalusot kapag hindi ka marunong magluto.
So this week, 'yon ang aming aaralin ni Loid. Sana talaga hindi ko maluto ang bahay niya, huhu. Good luck nalang talaga sa akin.
There's also a new girl in school. I empathized with her and tried to be her friend but—ugh, bakit ko pa ba siya binanggit? I don't know why but everything seems to be despicable whenever I think of her.
Nakakainis kasi lagi nalang siyang sumisingit sa study session namin ni Loid? Whenever we move from place to place she always happens to be there. Nakakabanas, yes, maganda siya pero nauumay na 'ko sa mukha niya.
Tapos grabe pa makareact kapag nagkakamali ako ng sagot tapos kapag may tinanong si Loid about something siya agad 'yong lumalapit. I low-key expressed my frustration to Moonlight, sabi ko I need to study alone. But she just dismissed me like then study at your home, alone. I know Loid, heard that but somehow, he just allowed things to happen?!
Nakakabwisit silang makita, sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa, hindi malabong magkapalit na sila ng mukha. Feeling ko low-blood na ako pero bigla nalang naarok ng dugo ko ang 212° Fahrenheit.
That feeling of security and comfort that was once there, was gone. Hindi na nga ata napansin ni Loid na hindi na ako komportable sa "pag-aaral" ko, kasi masyado siyang busy na tumitig kay Moonlight. Hindi ko inexpect na hihiling ako na sana 'yong mga taong nakakabanas e carbon monoxide ang ma-inhale at hindi oxygen.
At para linawin ko, maiinis ako kasi hindi na ako nakakapagfocus sa pag-aaral. Like, ang nabasa ko sa libro, chain reaction, pero ang nasa isip ko e ikadena silang dalawa. Kailangan ko lang pigilan ang sarili ko, kasi wala naman silang ginagawang masama—pero ako baka makagawa na.
I can endure the disgust and hate—I mean, uh... whatever. But kanina no'ng nagkita kami ni Loid—she's already there. I tried to be friendly, but before I went home, she looked at me head to toe and told me that she'll give me some tips to dress more aesthetically.
That's where I lost it. Damn, Bianca Moonlight. You'll never see daylight again if you ever do it again.
Sa loob ng isang linggo, naubos mo ang pasensya ko, hindi na ako magtitimpi.
Remember, moonlight can't shine on new moon.
Sayonara!
BINABASA MO ANG
Paper Rings | TwiYor AU
Fanfictionwherein, yor: the scholar na bagsak, and loid: the siraulong nerd, and the last day where student tutors are accepting tutoring sessions. all other st were full slots already. isang estudyante nalang ang may bakanteng oras. "kukunin mo 'kong tutor m...