Today is Sunday. Kahapon kami umuwi ni Rage sa vacation at nandito ngayon si Yanna nakahiga s'ya sa kama ko habang tanong nang tanong kung may nangyari daw ba sa'min ni Rage.
"Ayaw nga n'ya, Yanna!" Paulit ulit kong sabi sakanya.
"Ha? Bakit ayaw? Nakita ko naman ang mga picture mo na inupload n'ya at inupload mo. Maganda ka naman do'n bakit ayaw n'ya?" Usisa ni Yanna.
"Hindi ko rin alam" sagot ko habang nag laptop ako gumagawa ng report.
"Hindi naman siguro bakla yun hano?" Napatingin ako sakanya ng sabihin nya yun
"Feeling ko Yanna hindi, muntik nang may mangyari samin sa kotse nya e kaso di lang natuloy at may tumatawag" I said.
"What!" Napatalon ako sa gulat sa sigaw nya. Napabangon naman sya at nanlalaki ang matang nakatingin.
"Oo Yanna sa parking dun sa starb-"
"Paano? Anong ginawa n'ya sa'yo? Nakita mo na ba yung ano n'ya?" Nilapitan ako ni Yanna at marahang inalog aalog ang braso ko
"Hindi nga. We're about to do something kaso tumawag si Kyle kaya 'di natuloy" sagot ko at binalik ang atensyon sa laptop.
"Oh thank God" sabi nya saka bumalik sa dati nyang pwesto
"Kayo ba ni Xander, Yanna? Kung hindi kayo mag jowa mag ano kayo?" Tanong ko
"Fuck buddies, friends with benefits, sex and leave 'yon lang kami" sagot niya.
"Sure ka ba na hindi mo s'ya gusto?" Tanong ko.
Yanna laughed. "I don't, Celine, do'n lang kami at hanggang doon lang 'yon"
"Ikaw kailan mo balak sagutin si Rage?" Tanong n'ya sa'kin
"'Di ko alam pero parang kami naman na pero ewan ko ba naguguluhan din ako, Yanna" sabi ko sakanya. In-off ko na ang laptop at nahiga nalang din
"Baka ayaw ka n'yang hawakan muna kasi iniintay n'ya pa yung perfect moment n'yo" sabi ni Yanna. Napatango naman ako. Ay oo nga 'no? Maybe he thinks na hindi pa'ko ready.
"Kailan ba ang perfect moment na 'yan?" Tanong ko
"Well, ako kasi walang perfect-perfect moment sa'kin basta gusto ko go ako pero para sa mga romantic people 'yung right moment at right time e 'yung nasa right place sila at alam nilang 'yung partner nila e ready na talaga" sagot nya sakin.
"Eh, ready naman na'ko no'n tsaka ang ganda kaya nang place na pinag stayan namin" sabi ko na kinatawa naman nya.
"Hindi mo pa ma gegets ngayon pero sooner or later, ma rerealize mo ako at si Rage" niyakap ako ni Yanna pagkasabi n'ya no'n "Andito lang ako palagi para sa'yo, kung may problema ka nandito ako, Celine, ang baby namin" narinig ko ang mahihinang singhot ni Yanna kaya napatingin ako sakanya.
"Bakit ka umiiyak, Yanna?" Tanong ko sakanya maging ako nag start na rin maluha.
"Dati-rati kami lang ang kailangan mo para sumaya ka, ngayon meron nang nag papasaya sa'yo" sabi n'ya saka pinunasan ang luha "Plano ko talaga 'yung kiss sa bar na 'yon para naman mag karoon ng buhay 'yung boring mong buhay kahit papaano pero hindi ko naman alam na mag start na pala 'yon na mag karoon ka nang ibang buhay na hindi na kami kasama" Naiyak na rin ako sa sinabi ni Yanna.
"Yanna naman e, hindi kayo mawawala sakin at hindi din ako mawawala sainyo. Kayo ang pamilya ko ang tumulong sa'kin at nag alaga sakin no'ng panahong walang-wala akong makapitan, sobrang mahal na mahal ko kayong mga bestfriend ko" inakap namin ang isa't isa
"Ang drama natin. Buntis ba tayo" natatawa n'yang sabi habang umiiyak. Natawa naman din ako. I'm so lucky to have her talaga. Swerte ko sa lahat ng mga kaibigan ko
BINABASA MO ANG
A Minute of Forever
Romance(Completed) Nathalia Celine Martinez is a Biology student at the University of the Philippines Manila. She was on the dean's list from her first year until her senior year. Despite the storms she faced, she remained a happy-go-lucky girl who was lov...