Chapter 11: Stressed
S H U N
"Alam niyo naman na hindi mabuti ang mang-backstab eh. Pero bakit mo naman ginawa yun, Chin?"
"Totoo naman kasi na slow siya eh," ani Chin.
"Aba! Edi ikaw na fast learner. Ikaw na! Nakakainggit ka naman!" Pasigaw na tugon niya kay Chin kaya napatingin sa amin ang ibang teachers dito sa faculty office.
"Prim, calm down. We're on the faculty office. Please, minimize your voice." Sabi ko kaya umayos ng upo si Prim. "So, ang puno't-dulo nito ay; binackstab mo, Chin si Prim kasama ang mga kaibigan niya. Tapos, sinabi sa iyo, Prim ng kaibigan mo na nakasabayan ni Chin ang tungkol sa'yo. Kaya sinabunutan mo itong si Chin, dahil sa galit," tumango-tango lang si Prim.
Napahilot na lang ako ng sintido ko. Nakaka stress ang mga kabataan ngayon. Please lang!
Bakit pa ba sinabi ng kaibigan ni Prim yung pang backstab ni Chin. Kung alam ng kaibigan ni Prim na away ang patutunguhan nito. At bakit sa kaibigan pa ni Prim sinabi ni Chin yung pagka slow kuno ni Prim. Jusko, mang backstab na nga sa kaibigan pa talaga ng bina-backstab.
"Girls, listen. Backstabbing is a childish action. Pwede rin naman na kausapin mo nalang siya eh na ganiyan-ganito, hindi mabuting paraan ang pang backstab. Prim, nung nalaman mo na binackstab ka, hindi ka sana nagalit agad. Bagkus ay kinausap mo muna si Chin ng masinsinan. At ikaw, Chin. Kinausap mo rin sana si Prim. Hindi sana aabot sakin itong issue na'to eh kung marunong lang kayong mag-usap ng mahinahon at hindi init ng ulo ang pinairal niyo."
Napayuko ang dalawang dalaga, "Sorry Sir Shun." Sabay nilang sabi.
"Hindi kayo dapat mag sorry sa akin, humingi kayo ng tawad sa isa't-isa." Mahinahon kung tugon sa dalawang dalaga.
"Sorry, Chin."
"Sorry rin, Prim."
"Kung may tao kayong hindi niyo gusto, wag kang mag-atubiling kausapin siya. Mag heart-to-heart talk kayo. Hindi iyong idadaan niyo sa pang backstab. Always remember, communication is the key."
"Kung communication is the key, Sir Shun. Edi nasaan ang lock?" Seryosong tanong ni Chin.
That caught me off-guard.
"Hoy Chin. Pinagsasabi mo diyan. Sira ka talaga." ani Prim.
"Nagtatanong lang naman ako, Prim ah. Masama ba magtanong?"
"Kung ako sa iyo, Chin. Umalis na kayo bago pa magdilim ang paningin ko. Ok?"
"O-Okay, Sir Shun." They both said in unison.
"Ok, you can go now. 'Pag may nabalitaan na naman akong hindi maganda sa classroom. Ewan ko nalang sa inyo."
Tumayo sa pagkakaupo ang dalawa. "Sige, Sir Shun. Mauna na kami," ani Chin.
"Bye, Sir." Ani Prim at sabay na silang lumabas ng faculty office.
Pinaikot ko ang swivel chair ko paharap sa table ko. At hinilot-hilot ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo sa mga nangyari ngayong araw, jusko.
"Sir Shun! Wow! Ngayon lang kita nakitang seryoso ah."
"Ano ka ba, Sir Fred. Nakakagulat ka naman." Bigla kasi siyang sumulpot sa gilid ng table ko.
"Ay sorry naman. Pero seryoso, nakakatakot ka pala 'pag nag seryoso, noh?"
"Lagi mo kasi akong nakikitang masaya eh."
"Sabagay, tama ka naman. Oh! Siya nga pala. May naghahanap sa'yo sa labas I mean, may gwapong lalaki ang naghihintay sa'yo sa labas ng office."
"G-Gwapo...?" Sino naman ang maghahanap sakin? Tsaka, gwapo raw?
BINABASA MO ANG
Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxB
RomanceArcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxB He had been a lot of same-sex relationship, but ended up leaving him. But when he saw this handsome security guard oozing with sex appeal, he felt this warm nervous feeling within him. In an instant, he...