"Arabella, wake up!"
Muli na naman akong hinampas ni ate ng unan. I raised my middle fingger on her dahil antok na antok pa rin ako pero ang kulit niya. Kita niyang may hangover kapatid niya, bakit hindi niya 'man lang hayaan na matulog ako?
"Wake up! I saw the CCTV footage at the pool area. Nag hahalikan kayo ni Miggy. Delete it now hangga't hindi pa iyon chinecheck nila mommy and daddy!" Ate Alessa said.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong napatayo sa kama ko at dare-daretyong pumunta sa office ni daddy dito sa bahay. Naramdaman ko naman na sumunod si ate saakin. Agad kong tiningnan ang cctv footage sa pool area kaning madaling araw.
Napasinghap naman ako nang makita kong nag halikan kami ni Miggy. Nag halikan na naman kami. Ka-agad kong dinelete iyon at tumingin kay ate na nakangisi ngayon saakin. I know what she's thinking right now. Akala niya ay tinatago ko ang totoo namin relasyon ni Miggy.
"Patay kang bata ka. Kung umaamin kana lang siguro saamin na kayo na, eh 'di wala kang iniisip ngayon. Aamin ka lang naman. Besides, gusto rin naman namin si Miggy for you!" Ate shookt her head.
"Ate, hindi nga kami!" Napamasahe naman ako sa noo ko. "Dalawang beses na kami nag halikan pero hindi kami at parehas kami laging lasing nun!"
"Ano?!" Napahawak naman siya sa bibig niya. "Bakit ka naman nakikipag halikan sa hindi mo boyfriend? Ang wild mo, Lady Arabella Go."
"Ah basta!" Lumabas ako ng office ni daddy dahil baka mahuli pa kami ni ate ro'n. Bumalik ulit ako ng kwarto ko at nahiga. Sinusundan pa rin ako ni ate. "Basta huwag mo na lang sasabihin kahit kanino 'to! Promise?"
"Promise pero pwede bang gisingin mo muna si Miggy doon sa guestroom? Mom is calling us already para kumain ng breakfast and your Miggy is still sleeping there!" Ate Alessa said.
Parang mas lalong nabingi ako dahil sa sinabi ni ate Alessa. Si Miggy nasa guestroom? Dito siya natulog? Bakit hindi ko alam? Mas lalo lang tuloy sumakit ang ulo. Hindi na siguro 'to dahil sa alak dahil na 'to sa kung paano ko haharapin si Miggy matapos namin mag laplapan kagabi. Ang stupid mo, Ara!
"Bakit siya andoon?" I asked her confused.
"I don't know! Nagulat na lang ako nang makita ko siya ro'n kasama si Angelo. I tried to wake them up both pero si Angelo lang ang nagising at si Miggy bagsak pa rin ang katawan!" Pag kwento niya.
"Let him be. Baka may hang over pa," I yawned. I wanted to sleep but my sister is protesting dahil gusto raw nila mommt at daddy ay sabay sabay kami kumain.
Wala akong choice kung hindi bumangon. Pa ulit ulit muna akong huminga ng malalim at kumuha ng lakas ng loob bago ako pumasok sa loob ng guestroom. There's three beds here at our guestroom at natutulog si Miggy doon sa pinaka dulo. Nakadapa siya doon habang walang comforter sa katawan at nakasubsob lang ang ulo sa ilalim ng unan.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Parang ayaw ko na siyang gisingin pero kailangan dahil knowing my parents they won't start to eat hangga' hindi kami kumpleto. I gulped before walking towards him.
BINABASA MO ANG
Since We Were Young
General FictionSINCE octology #3 Lady Arabella Go o mas kilala bilang Ara ay isang estyudyante mula sa SISC. She's playful, funny, cheerful and naughty but sometimes she gets irritated, grumpy and annoyed whenever her schoolmate is there which is Miggy Illeydane...