56

9.4K 253 32
                                    

CHAPTER 56

TAHIMIK KONG BINABAYBAY ang hallway papunta sa building namin. Naka-suot ako ng hoody at nakasalamin ako sa mata para hindi ako makilala ng mga estudyante rito.

Lowkey lang ako ngayon.

Tnginang, Chance ‘to, bakit hindi pa malaos!
Usap-usapan ako sa social media at maging dito sa University. Hindi naman nag-aaral ang isang iyon dito pero ang lakas ng impluwensya ng siraulong iyon.

Kausapin ko nga si Asher mamaya at bigyan ng yellow card ang mga nakikipag-tsismis tungkol sa akin.

Naghihintay nga ako kahapon sa email ng isang iyon pero hindi nagreply, alam niya sigurong hindi ko sila at siya tatantanan kapag nagreply siya sa email ko.

“Alice, my friend!” Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Renma. Bakit pumasok ang isang ito ngayon? At, bakit naging kaibigan ko siya?

Nakaiwas nga ako sa mga tsismoso at tsismosa sa hallway ng University na ito pero kay Renma lang pala ako hindi makakaligtas.

“Hindi mo naman sinabi sa akin na sobrang sikat mo ngayon. Famous ka na, Alice!” Masayang sabi pa niya sa akin at tinapik-tapik pa ang aking balikat.

Sinamaan ko siya ng tingin. At, agad din naman siyang lumayo sa akin. Ayan, tama ‘yan, makuha ka sa isang tingin, Renma.

“Siraulong, Chance na ‘yon! Walanghiya talaga siya to the infinity and beyond!” Madiin kong sabi habang nilalabas ko ang libro para sa first subject namin.

“Anong binabalak mo ngayon, Alice? Care to share?” Nakangising untag sa akin ni Renma at hinarap pa niya ang kanyang silya sa akin.

Isa rin siyang tsismoso! Certified tsismoso!

Napahawak ako sa aking baba at malaking ngisi ang binigay ko sa kanya. “Who knows, Renma! Pero, isa lang sisiguraduhin ko sa siraulong iyon. Lintik lang ang walang ganti talaga. Sira ang pagiging artista niya sa akin.” ani ko sa kanya at matalim siyang tinitigan.

“Ooohh, nakakatakot naman niyang binabalak mo, Alice! Kaya ayoko kitang awayin kaya support ako sa'yo, my friend!”

Napangiwi na lang ako sa kanya at tinulak ang upuan. “Umayos ka na nga ng pagkakaupo. Nabwi-bwisit ako sa mukha mo! Mag-aaral pa ako!” inis kong sabi sa kanya at nag-umpisa ng mag-aral.

Ilang araw rin akong absent kaya need kong magbasa ng previous lessons.

NATAPOS ang kalahating araw ko sa campus, lunch break na namin at heto na naman ako suot ang aking hoody and shades.

Mabuti na lamang at hindi nagtaka ang mga kaklase ko na magtanong sa akin lalo na iyong mahadera at bida-bida namin kaklase, siguro alam nilang mainit ang ulo ko kaya nanahimik din sila.

Hindi ko nga alam ba't ako pa ang nahihiya sa ginawa ng siraulong Chance na iyon, e! Ako nga iyong biktima rito! Pero, dahil hindi naman makapal ang mukha natin at hindi naman tayo ang natanggalan ng turnilyo sa utak katulad ni Chance kaya marunong ako mahiya lalo na kung kasing panget niya ang nagsabi ng pangalan ko sa buong Pilipinas, ayos lang sana kung siya si Jungkook, e, magiging proud pa ako!

“Di ba iyan iyong Alice?”
“Siya ba iyong tinutukoy ni Chance na nililigawan niya ngayon?
“Ang swerte naman niya. Paano kaya maging isang Alice Lazaro.”
“Bagay silang dalawa, ano? Parehas maganda at gwapo.”
“Siguro kinikilig siya nang banggitin ang pangalan niya, buong Pilipinas alam na nililigawan siya ni Chance.”

Shutangina! Paano nila ako nakilala? Naka-hoody na ako, naka-shades na ako, dapat din bang mag-facemask ako?

Saka, anong swerte ang pinagsasabi ng mga ito? Shutangina! Hindi ba nila alam na kinikilabutan ako ng sabihin niya ang pangalan ko?!

Kinikilig? You're fcking ass! Walang nakakakilig doon, nakakadiri p'wede pa!

Bagay kami? Siraulo ba ang mga ito? Malabo ba ang mga mata niyo? Tao kaya kami, hindi naman kami bagay. Sa sobrang ganda ko at may ambag ako sa Pilipinas, hindi kami bagay ni Chance na iyon. Walang kaambag-ambag ang isang iyon sa lipunan, p'wera na lang siguro sa tax.

Pagkarating ko sa Haven namin ay nadatnan ko agad doon si Asher. Tamang-tama hindi ko na siya kailangan hagilapin sa office nila, magrereklamo ako about sa mga tsismoso at tsismosa sa campus!

“Asher!” Malakas na sigaw ko sa pangalan niya.

Tinignan lamang niya ako at bumalik sa kanyang binabasang libro. Aish! Kahit kailan talaga ang isang ito.

“I need your help, Asher!” saad ko sa kanya ng minata siya. “Bigyan mo ng yellow card ang lahat ng tsumitsismis sa akin!” galit na sabi ko sa kanya. “Mata lang nila ang walang ganti!”

Tinignan niya ako saglit at binaba ang hawak niyang libro. “Hindi p'wede niyang gusto mo, Alice. Wala sa rules and regulations ng campus na ito ang bawal tsumismis.” ani niya sa akin.

“Eh? Sabihin na nating wala roon sa rules and regulations ang about sa tsismis pero mayro'n sa rules and regulations natin ang bawal na pagkakalat ng mga misinformation o fake news, Asher! Kaya p'wede nating isama iyon doon!” Paliwanag ko sa kanya.

Alam ko ang tungkol doon dahil binasa ang rules and regulations book ng campus!

Napangiti akong tumingin sa kanya pero naglaho rin ng magsalita si Asher sa akin.

“I‘m sorry, Alice! Pinsan kita, yes, pero isa akong President sa campus at wala akong kikilingan kahit sino, kahit pinsan ko pa. Hindi fake news o misinformation ang sinasabi nila. Totoo naman ang mga iyon, right, galing sa bibig ni Chance ang kumakalat na usapin ngayon sa campus.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi niya ako matutulungan. Napabuga na lang ako nang malakas na hangin at bagsak ang aking balikat.

“I have some advice for you, Alice, para matapos na ang kumakalat na usapin tungkol sa'yo.” Kuminang ang aking mga mata sa sinabi niya. Sabi na nga bang hindi niya ako matitiis.

“Ano iyon, Asher?” atat na sabi ko sa kanya.

Sinenyasan niya akong lumapit, “Bakit hindi mo na lang sila tapatin kung may pag-asa ba sila sayo, o, wala. Para manahimik na rin ang mga Hanlon kakahabol sa'yo. Sa ganoong paraan matatapos ang usaping kumakalat tungkol sa'yo.” payong sabi niya sa akin at kinuha ulit ang librong binabasa niya at dineadma na ulit niya ako.

Kailangan ko na ba silang sagutin? Kailangan ko na bang mamili? Paano kung wala akong mapili? Anong gagawin ko?

Ayokong makasakit nang damdamin.

•••

A/N:

Hi, baka po p'wede maka-request? Pa-birthday niyo na po sa akin🤧
Pa-like naman po ng fanpage ko sa facebook: KenTin_12 Dreame
Maraming salamat po.💛

Living With My Six Step-brothers [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon