Dalawampu't - dalawa
Pagkatapos ng eksena doon sa art exhibit ay hindi na nagpakita sa akin si Valen. Balik na din ako sa dati. Trabaho, gallery at bahay. May na hire na akong staff na maaring mag-manage muna ng art gallery habang nag-t-trabaho pa ako.
Di ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Dapat ay maging masaya ako diba dahil sa wakas ay nilubayan na niya ako? Pero bakit ganito? Bakit parang nasasaktan ako?
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa trabaho ko. Napalingon ako kay Lia na may kausap ding kliyente. Nang makitang nakatingin ako sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay. Umiling nalang ako.
Halos ganoon palagi ang eksena. Sa ilang araw na hindi nagpapakita si Valen ay para akong walang buhay na maglalakad. Paminsan-minsan ay nahuhuli ni Lia akong nakatulala.
"Ginusto mo ito, Mayen. At baka nakakalimutan mo? Naghihigante siya sa'yo. Ginawa niyang revenge ang first time." Halos idukdok ko na ang ulo ko sa mesa.
Aaminin ko medyo masakit ang mga binitawan kung salita pero tama lang iyon sa ginawa niya. Nagmaang-maangan pa siya na para bang wala siyang alam kung bakit ako nagkaganoon, eh dahil naman sa kanya.
"Mayen, ano ba." Mahinang tawag ko sa sarili ko. Nababaliw na ata ako. Kinakausap ko na iyong sarili ko. Buti nalang at hindi busy ang buong bangko kung hindi ay baka napagalitan na ako.
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang bell. Lunch time na. Tumayo kaagad ako. Tapos na ang trabaho ko ngayong araw kaya wala na akong gagawin. Nakita kung papalapit na din si Lia sa akin.
Isinukbit ko ang aking bag at naglakad palabas sa opisina. Nakasunod naman si Lia sa akin na busyng-busy sa cellphone niya. Napailing nalang ako ng makitang ngi-ngiti ito habang may ka text ata.
"Sa una lang 'yan masaya." Di mapigilang saad ko. Agad niya naman akong tinapunan ng tingin at ngumise sa pagkabitter ko.
"Teka? Ano bang nangyari doon sa exhibit? Di ko naabutan si Valen ah." Tanong kaagad nito pagkarating namin sa McDo.
Dito kami madalas kumakain lalo na pag trip naming maglakad-lakad. Atsaka, may nagtitinda naman ng pagkain malapit sa bangko pero mas trip namin rito.
Buti nalang at hindi punuan ang McDo ngayon. Iilang tao ang nasa loob ng pumasok kami. Dumiretso kami sa counter at agad na nag-order ng pagkain.
"May nangyari bang masama? Kinumpronta mo ba siya? Tinanong mo ba kung totoo iyon?" Ani nito ng di ako sumagot sa unang tanong niya.
Umiling ako at humilig sa upuan ko. Nakatingin pa din si Lia sa akin, naghihintay ng sagot. Di niya na naabutan si Valen sa gallery dahil agad itong umalis. Di ko alam kung bakit. Pero may kutob akong dahil iyon sa pag-uusap namin. Assuming ka te?
"Hoy, sabihin mo. Kanina pa kita napapansin na tulala at wala sa sarili." Untag ulit nito. Napailing nalang ulit ako at ipinikit ang mga mata.
"Nababaliw na ata ako, Lia." Mahina sabit ko. Napaigik ako ng ibato niya sa akin ang fries na kinakain niya.
"Ang baboy mo, Lia." Iritadong ani ko sa kanya. Ngumise lang ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Siguro may nasabi kang masama sa kanya kaya ka nagkakaganyan." Nakangising sabi pa din nito. Inirapan ko nalang siya at agad na ininom ang coke float ko.
Ngumise siya ng malaki ng di ako sumagot sa sinabi niya. Na para bang alam niyang tama siya.
"Talaga? Anong sinabi mo? At saka, bakit ka affected? Galit na galit ka diba? Marupok-pok din." Halakhak niya. Binato ko sa kanya ang fries na nahawakan ko.
YOU ARE READING
Gentle in Whispers (Isla de Amore Series 2)
RandomLife is unfair. That is Mayen Guiterez's motto in life. She's an orphan and currently working and living in the bar who adopt her. It's a rare opportunity to schooled by the bar she's working for, so she called herself lucky. She like winds because...