𝐏𝐚𝐫𝐳𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 • 18

20 1 0
                                    

Ashrill's POV;

This morning is such a hassle, I don't know why maybe dahil kagabi?  I just want to be deep in the sea but I don't have enough time to do that, so next time na lang kapagbumalik kami dito para makita ang ginagawang hotel. Anyway, kakatapos ko lang ayusin ang kwartong tinulugan ko dito sa isla, para naman hindi nakakahiya o dina mahirapan ang nagbabantay dito.

8:00 am ang alis namin, pero ito 10:00 am na hindi pa rin nakaka-alis dahil sa makukupad na mga lalakeng kasama ko, agad akong pumasok sa van at sa dulo ng backseat ako umupo. Ayokong makatabi si Helenus noh!

How dare him, pagkatapos nya akong halikan makikipag— argh basta ang baboy nya!

Maya-maya pa ay nagsipasukan na rin sila, tumabi sa akin si Arthur at Arkie na takang nakatingin sa akin.

"Excited ka naman atang umuwi?" Tanong ni Arkie.

"Gusto nyo pa atang i-extend yung pagstay dito eh, sabi nyo eight aalis na, pero ten na hindi pa rin umaalis." Malamig kong sagot.

"Ito naman ayos lang yan," siniko ako nito ng pabiro.

"Bakit ka pala dito umupo?" Sabat naman ni Arthur.

"Bakit bawal ba?" Pagsusungit ko sabay irap sa kanya.

"Arkie, pigilan mo ako ilalaglag ko itong babaeng to dito sa SUV." Alma ni Arthur.

Natawa nalang si Arkie at hindi pinansin si Arthur.

Tumingin ako sa harap, at kitang kita ko sa salamin na katapat ni Dhapreo (si dhap kase ang driver) na nakatingin si Helenus sa akin gamit ang salamin.

Agad kong pinihit pa kaliwa ang ulo ko, dito nalang ako sa bintana ng kotse titingin, siguro namukhaan nya talaga ako kagabi >.<

6:15 pm nang makauwi kami, inaya pa nila akong kumain pero tumanggi ako, gusto ko na rin magpahinga at makatulog ng maaga, wala akong maayos na tulog eh.....

"I'm home!!!" Sigaw ko.

"Lady Irah! Naku na miss kitang bata ka!"  Agad na bungad sa akin ni aleng Fé at niyakap nya ako, binesohan ko naman ito.

"Ako rin po manang, nga po pala nasaan po sila mommy? Wala pa ho ba?" Tanong ko.

"Ay, mamaya pa sila uuwi, mga 12-midnight ata kase may party silang dinalohan." Paliwanag nito.

"Ay ganon po ba? Sige aakyat muna po ako, kapag dito na sila paki sabihan ako manang huh!?" yumakap ulit ako sa kanya at binuhat ko ang mga bagahe ko.

"Sige iha, si Esgard na lang bubuhat nyan Lady Irah." Pahabol ni manang.

"Wag na po, kaya ko naman–ay! Oo nga pala may mga pasalubong ako sainyo!" Agad kong kinuha ang isang malaking bag at binigay ito kay manang.

"Laman nyan ang mga pinamili ko, pumili nalang po kayo dyan at yung iba po sa iba rin po nating kasambahay." Ani ko.

"Ay naku, nag-abala ka pang bata ka pero salamat, oh siya sige na magpahinga kana." Masayang sabi nito.

"Sige po!" Tumaas na ako papuntang silid ko.

Agad kong ibinaba ang mga bagahe ko sa sahig at sumemplang-este humiga sa kama.

"Arghhh! Kapagod! Bakit kaya kahit wala naman ginagawa sa byahe eh napapagod tayo?" Hayst....



Phone ranging....

The Hunk | Parza Series O1 [Helenus Hailan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon