CHAPTER 26

112 10 0
                                    

"Magiingat kayong lahat. Mag message kayo sa'kin kapag nakauwi na kayo." kumakaway na wika pa ni Philocaly sa mga kaibigan.

"Thank you sa time, Sisi!" sigaw ni Serenity habang kumakaway rin sa kanya.

"Rest after we leave." nakangiting wika ni Ross sa kanya.

Tumango-tango si Philocaly at kaagad na niyakap ang kanyang kaibigan.

"Magiingat ka."

"I will." hinagod-hagod ng binata ang buhok nito bago maglakad patungo sa sariling kotse.

Pinagmasdan na lamang ng dalaga ang mga kaibigan hanggang sa makaalis ito ng resort. Gabi narin kaya kailangan niya nang pumasok sa loob.

Mabilis siyang bumalik sa kanyang villa at kaagad siyang natigilan sa sticky note na nakadikit sa kanyang pintuan. Kinuha niya iyon saka binasa.

Wala akong maisip na sweet message pero okay lang iyon, mahalaga ay importante.

-Engr.

Hindi napigilan ni Philocaly ang matawa sa nakasulat doon. Binuksan niya nang tuluyan ang pintuan at pumasok sa loob noon.

Napatingin ang dalaga nang marinig niya ang lagitik sa loob ng kanyang kwarto. Naglakad siya patungo doon at maingat na binuksan ang pintuan. Sumilip ito sa loob at sinimulang pag-aaralan ang lugar. Napatingin siya sa veranda na nakabukas kaya bahagyang nililipad ang kurtina.

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya lumapit siya doon at akmang sasaraduhan ang pintuan ngunit may kamay na humawak sa kanya.

Napasigaw ang dalaga sa sobrang gulat.

"Hey, kalma. Ako lang 'to." wika ni Javion at kaagad siyang napasigaw sa sakit nang biglang hilahin ni Philocaly ang kanyang buhok.

"Mamamatay ako sa ginawa mo!" asik pa nito.7

"Hindi ko na-man sinasadyang gula-tin ka ahhh a-ray!" tugon naman ng binata.

Binitawan ni Philocaly ang buhok nito at tiningnan ng masama si Javion.

"Aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat."

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." ani
Javion bago yakapin ng pagkahigpit-higpit ang dalaga.

"Tsk. Paano ka nakapasok rito, hindi ko nakita ang kotse mo sa labas."

"Lamang ang may alam." nagbibiro pang sagot nito habang tumatawa.

"Kumain ka na ba? Mukhang pagod na pagod ka sa trabaho. Dapat ay nagpahinga ka nalang kesa pumunta rito." nag-aalalang sambit ni Philocaly.

Kitang-kita niya ang pagod sa itsura ng binata kaya gano'n na lamang ang pag-aalala at awang nararamdaman niya.

"Pagdating sa'yo, walang pagod-pagod. Ikaw lang ang gusto kong makita pagkatapos ng trabaho ko. Makita lang kita, nawawala lahat ng pagod at problema ko." malambing pang sagot nito habang panay halik sa kanyang kamay.

Naramdaman ng dalaga ang init sa kanyang pisngi dahilan para maiiwas niya ang tingin kay Javion. Napansin naman iyon ng binata dahilan para tawanan siya nito.

"Kumain ka na ba? Pagluluto kita."

"Iba talaga mag-alaga ang misis ko. Solid, liquid, gas."

"Tsk, magluluto na ako."

Bago pa man makalabas si Philocaly sa kanyang kwarto. Muli siyang niyakap ng pagkahigpit-higpit ng binata.

Dear ParalumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon