04

3.5K 179 481
                                    

note: good morning??? HAHAHAHA super late na ng update ko kasi crinam ko 'to today since nadelete 'yong dapat iuupdate ko yesterday. sana okay kayong lahat! 'yong iba i saw may pasok na and 'yong iba naman magkakaron pa lang, good luck sa inyong lahat! all of you will surely do well, rooting for y'all!! have a good night and enjoy, readers!

ps: decided bigyan ng surname si Arki para may mailalagay tayo sa Mrs. ni lovie hehe r moments, eme.

Miles' POV

"Saan tayo?"

Tanong ni Jill sa akin nang mahimasmasan siya mula sa pagkakaiyak kanina.

"Morning walk," sagot ko.

"You really love walking, no?"

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko 'yong kahapon.

Naniwala talaga siya sa dahilan ko na gusto kong naglalakad kaya hinatid ko siya kahapon. Kahit ang totoo, pagod ako nung araw na 'yon kaya gusto ko na sanang umuwi, pero nagaalala ako na baka kung sino sino ang lumapit sa kaniya habang naglalakad pabalik sa condo nila kaya sinamahan ko siya kahit magkaiba ang daan namin pauwi.

I just really have this feeling that I need to protect this precious girl walking beside me at all cost.

Lalo na nung nakita ko kung gaano siya umiyak kanina.

I know she's hurting inside but she's hiding it dahil ayaw niyang makagulo sa ate niya at sa pinsan ko.

"You're so brave," I said out of nowhere dahil sa mga iniisip ko.

"Nope," sagot niya. "Duwag ako na mamuhay sa realidad,"

"Pero kailangan,"

"I know," tumango tango siya habang sinisipa 'yong maliliit na bato na naaapakan niya. "Hindi lang talaga madali na alisin 'yong pagmamahal natin sa isang tao. Lalo na kung.. ang tagal niyo na magkasama,"

"Mahal na mahal mo talaga ang pinsan ko, no?"

She looked at me with her sad eyes. "Mahal na mahal,"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya, hindi ko kayang makita na nasasaktan siya.

"Huwag mong madaliin ang sarili mo," payo ko. "Hindi masamang mag mahal, normal 'yan at hindi kasalanan. 'Yon nga lang, kailangan nating tanggapin na may mga bagay o tao na mahal natin, pero imposibleng maging atin,"

"Ang hirap mag mahal,"

"Naiintindihan kita,"

Tumingin siya sa akin. "You do?"

"Oo," sagot ko. "Bakit naman hindi?"

"Wala lang, karamihan kasi sa mga tao iisipin na mali 'to.. na maling mahal ko pa rin siya," malungkot na sabi niya.

"Okay lang, pero ang hindi okay ay 'yong aasa ka na iiwan niya 'yong taong mahal na mahal niya para sa'yo at sarili mong kapatid ay lolokohin mo," I said.

"Arki's happy with Ate, okay na ako ron. Hindi ko naman hihilingin na mag loko siya para sa akin,"

I nodded. "Good to know that you know your limits. Mahalin mo lang hanggang sa mapagod ka. Huwag mong hayaan na mastuck ka sa kaniya, dahil sinasaktan mo lang ang sarili mo,"

"Ikaw? For sure may ex ka na kaya grabe ang mga advice mo!" biro niya at sinuntok pabiro ang braso ko.

"Wala,"

"HUH!?" napatigil siya sa paglalakad.

"Gulat na gulat?"

"Wala kang ex?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Chasing DaylightWhere stories live. Discover now