Chapter 1

1 1 0
                                    

Harf POV

Nandito na kami ngayon nang prinsipe sa planetang tinatawag nila na Earth o mundo. Mabuti naman na dito kami tiniliport ng ship dahil sabi daw nila sa mundong ito maalaga at mapagmahal ang mga nakatira dito na tinatawag na tao. Pero hindi ko alam kung totoo iyon.

Haysss bahala na nga dito ko nalang iiwan ang prinsipe total malayo naman ito sa planeta namin at sigurado ako na mahihirapan ang mga Babarian sa paghahanap  sa prinsipe . Dahil magkamuka rin naman ang itsura namin sa mga tao pag hindi kami naka anyong pusa.

Mabuti nalang naligtas ko ang prinsipe. Kung hindi katapusan na sana ng buong kalawakan dahil sa gahaman na mga Babarian. Lalo na yung hari nilang muka talagang baba sa pangalan palang.

Mabuti nalng pinapunta ako ni Haring Kato doon sa paliparan kung saan nakalagay ang natirang ship na hindi pa nasira ng mga Babarian at kung saan din pupunta ang mag ina. Pero sayang ang prinsipe lang ang naligtas ko at hindi kona natulungan si Reyna Cathai na makipaglaban sa sang batalion na mga Babarian.

Sinignalan rin kasi ako ni Reyna Cathai na sya ang bahala makipaglaban sa mga Babarian. Unahin ko nalang daw iligtas ang prinsipe at paandarin na ang ship para makatakas kami. "Sorry po mahal na reyna na hindi ko na po kayo natulungan huhuhuhu.... At aaminin ko rin naduwag ako na mamatay pasensya na talaga." Pangungusenya ko sa isip ko habang nag mamaneho ng ship.

Pangako po mahal na reyna at hari paaalagaan ko sya sa mabuting pamilya. At sana po patawarin nyo po ako sa kaduwagan ko.

Habang palapit kami sa mundo naalala ko naman ang nangyari kanina.

Flashback.........

Third person POV

Habang papasugod ang mga Persian sa Babarian kinausap muna ni haring Kato ang katiwala nyang si Harf.

"Harf sundan mo ang mahal na reyna at prinsipi, tulungan mo silang makatakas at iligtas mo sila". Sabi ng mahal na hari sa katiwala nya.

"Pero mahal na hari paano naman kayo dito?" Sagot na tanong ni Harf.

"Kami na ang bahala dito. Alam naming wala kaming kapangyarihan tulad nyo nang mag ina ko pero kakayanin namin makipaglaban sa mga Babarian." Sagot naman ng hari.

Sa Persy na planeta kasi kung pinanganak ka na bilog ang buwan may makukuha kang kakaibang kapangyarihan. Tulad ni Cathia kapangyarihan nya maging malakas at mabilis o pisikal na kapangyarihan ang nakuha nya. Kay Harf naman kaya nyang kontrolin ang isang bagay gamit ang mga strings na lumalabas sa kamay nya at kaya nya din makapagbasa ng isipan.

Pero mawawala rin ito ng bisa kapag hindi mo na kayanan kontrolin at mahasa kapag 20 kana. Mga 15 hanggang 18 na edad minsan lumalabas ang ganitong potensyal nila.

"Sige po mahal na hari sundan ko sila." Sabi ni Harf.

Habang lumalakbay si Harf papunta sa kinaruroonan nina Cathia nakita sya ng mga kalaban.

"Oh! mga kasama may Persian doon."

Inihanda na ni Harf ang sarili upang makipaglaban sa kawal ng Babarian.

Kinuha nya ang dalawang punyal na nakalagay sa likod ng paa nya at nag concentrate sa magaganap na mangyayari.

Sumugod ang isang kawal at tangkang espadahin si Harf ngunit nakaiwas agad ito. Tinapun ni Harf ang isang punyal na hawak nya sa kalaban pero hindi ito natamaan.

"HAHAHA! Duling ka pala."kutya ng kalaban ni Harf sa kanya.

Napangisi nalang si Harf at biglang "Auhhhhh!" Inda ng kawal  na natamaan na pala ito sa batok ng puyal ni Harf.

"Pa-papano nangyari iyon." Gulat naman na sabi ng kasamahan ng kawal ng Babarian.

"Duling pala huh! Makiramdam ka kasi." Balik naman na kutya ni Harf at bumagsak na ang walang buhay na kawal.

"Sugoddd!!"

Sabay sabay na sumalakay ang anim na natitira pang kasamahan nang napaslang na kawal.

Nabunot sa batok ng kawal ang punyal at bumalik ito sa kamay ni Harf. Gayoy si Harf ang isa sa biniyayaan ng tinatanatawag na moonlight blessing na kapangyarihan. Kaya nya kontrolin ang isang bagay na nahawakan na nya gamit ang mga strings na lumalabas sa mga kamay nya.

Papasugod na ang mga kawal kay Harf at aatakihin na ng mga ito. Ngunit mabilis na umiiwas si Harf sa tuwing may tatama sa kanya. Mabilis din na tinapon ni Harf ang punyal nya sa dalawang kawal at  natamaan ang mga ito sa ulo at bagsak agad.

Nang may papasugod naman sa kanya mabilis nya ding  binunot sa mga ulo ng kawal ang punyal at bumalik ito sa kamay nya.

Tapos sinugod ni Harf yung isang papasugod sa kanya at sinaksak ito.

May tatlo pang natitira sa kalaban ni Harf sumugod na naman ang dalawa sa kanya pero di manlang sila nakalapit ng may naramdaman silang sakit sa isang parte ng katawan at yun nabulagta nalng sila.

Mukang natakot yung isa pang natitira at balak tumukas " Kailangan to malaman ng hari na may kapangyarihan din sya" Sabi ng kawal sa isip nya. Di nya alam nababasa ni Harf ang kaisipan nya kaya alam nya kung ano binabalak nito.

Wala pang isang hakbang ang kawal ng bumulagta sya sa lupa gayoy natamaan na pala ito ng punyal ni Harf ang kanyang likod. "Tatakas kapa ha!!!" Sabi nya sa nakabulagtang kalaban.

Pag katapos nagpatuloy na si Harf sa palakad patungod sa paliparan. " Kailangan ko nang magmadali para tulungan ang mahal na Reyna" Sabi nya sa isip nya.

Nang nasa paliparan na sya may narinig syang mga ingay kaya nagtago muna sya sa isang bato ay sinilip kung ano ang mga nangyari.

"Oh! Shit! Nandito na pala si Baba at ang mga kawal nya." Sabi nya sa kanyang isipan. Nakita nya na magisang lumalaban ang Reyna sa sang batalyon na mga kawal at unti unti na itong nanghihina. Doon nagulat pa sya ng nakita na kagaya rin ang mahal na Reyna nabiyayaan ng moonlight blessing. Hindi nya ito alam sapagkat di rin pinapakita ng Reyna ang kanyang kapangyarihan sa marami tao.

Lalapit sana sya ng makita na bumagsak na ang mahal na Reyna pero nakita sya nito at sinabihan na " Wag kana lumapit Harf kaya kona to! Puntahan mo nalang ang mahal na prinsipe, iligtas mo sya at umalis na kayo dito" basa ni Harf sa isip ng mahal na Reyna at pinagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Babarian.

Ingat na lumapit si Harf sa ship at ginawa agad ang mga dapat nya gawin para makaalis sila agad. Inactivate nya ang ship sa teleportation para makaalis sila agad. Nakita nya pa sa salamin na sinasaktan na ni Baba si Cathia kaya napaiyak nalang sya sa mga nangyayari.

The ship is ready to take off in...

5

4

3

2

1

At bigla nalang sila napunta sa ibang kalawakan. At ito ay malapit sa planetang Earth.

Present.....

Madilim na nong araw na nagland ang ship nila. Naghanap si Harf ng isang bahay na pagiiwanan nya ng prinsipe.

Binigay ni Harf ang kwentas na binigay na kanya ng hari, ito ang kwentas na pinapasa ng mga maharlikang pamilya sa kanilang mundo. Ito ay parang isang mata ng pusa ang disenyo. "Ingatan moto mahal na prinsipe hah! Ito lang ang palatandaan ko sayo. Kailangan mona kitang iwan sa mundong ito para sa kaligtasan mo at babalik lang ako sa mundo natin." Sabi nya kahit di naman sya naiintindihan ng bata.

Sakto naman may nakita syang isang bahay kaya kumatok sya dito ng kumatok hanggang umilaw na ang bahay at may sumigaw ng "Sino yan!" Dali daling umalis si Harf papuntang ship at bumalik na sya sa kanilang planeta.

A/n: hehehe sorry guys sa mga typo, wrong spelling at grammar.

Don't forget to vote and follow me guys😻

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cat Eye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon