Sihes Mundo

0 0 0
                                    

Siya'y mahusay na makata
Siya'y Hari ng mga tula
Siyang pinakadalubhasa
Napakagaling Lumikha
Hinahangaa't tinitingala

Ngunit siya'y naghangad
Na maging napakatanyag
Kanyang puso't Isipa'y nag-alab
Upang kanyang pangala'y matatak
Na isang buhay na Alamat

Isang araw siya'y natukso
Isang tula ang kanyang binuo
Kanyang paulitulit na binago
Paulitulit hangga't 'di pa kuntento
Sapagka't ayaw niyang matalo

Nguni't nauwi lahat sa Wala
Napagtantong pumangit ang Tula
Pumait ang tamis ng mga Salita
Lahat ay nawalan ng Halaga
Simula noo'y 'di na siya nagpakita

Simula noo'y mga makata'y tinuruan
Na ang sining ay hindi paligsahan
Isang bagay na hindi dapat pag-awayan
Isang bagay na dapat pahalagahan
Sapagka't ang sining ay isang kayamanan

Mahalin mo ang iyong Likha
Sapagka't lahat ng sining ay maganda

FadelessWhere stories live. Discover now