Us-Who-Must-Not-Be-Known

40 1 0
                                    

Us-Who-Must-Not-Be-Known

Bago ko lang po ko nadiskubre itong page na. Ang sarap pong masaksihan na maraming readers ditong open-minded, nakikita po sa  comment section ng bawat stories na naipo-post ang pagiging open-minded ng mga nag co-comment. Last April 16 as I kept scrolling down to find a shared-story in which I can relate to nakahanap na din ako ng istorya na katulad ng sa amin. Yes, you heard me right. We exist. Please zero your mind about things you’ve heard about us, hindi po ito katulad nang Harry Potter or Fantastic Beast and Where to Find Them na galing sa kathang isip lamang at ginawang pelikula. Pero naitanong nyo po ba sa inyong mga sarili kung saan nila kinuha ang ganoong mga ideya? Yung ibang storya dito na nakakita daw sila nang lumilipad sa hating gabi o madaling araw between 2am to 3:30am na akala nilay aswang o malaking ibon, pero buo ang katawan? Hindi ko naman po sinasabi na mali ang ibang storya na yun, pero yung iba akala nila’y aswang pero sa totoo’y mga tao yun na katulad namin. Sa ating panahon ngayon mas kilala nang tinatawag na Salamangkero o Wizard/Witch sa ingles.
Pag pasensyahan nyo na po ako kung medyo magiging mataas ito, gusto lang pong maintindihan nyo itong maigi. Tawagin nyo nalang po ako sa pangalang Joshua (di tunay na pangalan), 19 years old na po ako. Hindi ko na po idedetalye nang masyado ang katauhan ko sapagkat marami akong ilalantad dito na sadyang pinagbabawal sa amin at baka ano pang mangyari sa akin. Kung magiging mataas po itong storya ko baka hatiin ko ito sa dalawang parte o kaya’y tatlo, nkadepende sa mga mambabasa kong gugustuhin pa nilang mas malaman ang mga pangyayari. Dalawa po kami at ako yung panganay na anak, yung kapatid ko ay babae, 17years old na ngayon. Nalaman ko lang po itong buo nung ako’y pumatong na sa edad na 15. Marami po akong katanungan na nasagot. Naaalala nyo pa ba ang aksidenteng nangyari noong June 21, 2008 malapit sa San Fernando, Romblon, dahil sa bagyong Frank nalunod ang barkong MV Princess of the Stars? Isa po kami sa 862 passengers (including the ship’s crew) na  naka-survive nung nangyari ang aksidenting yun, nanggaling po talaga kami sa Mindanao ngunit pumunta kami sa Manila nun upang kasabay na namin pumunta sa Bohol sila Tito and Tita (mga kapatid ni Mama) dahil sa Fiestang silibrasyon, so Manila to Cebu kami nun, tas Cebu to Bohol ang destinasyon namin. 10 years old pa po ako nung mangyari ang aksidenteng iyon, madaling sabihin na dapat ganito at ganyan ang ginawa ninyo nung nangyari yung aksidente, pero I tell you pag kayo nasa posisyong iyon mixed emotion na, nagsisigawang mga tao, nag aagawan ng life jackets, there are even some na tumalon na lang kahit walang life jackets dahil sa sobrang taranta, sobrang lakas ng ulan sabayan pa nang malakas na hangin tas malalaking alon. Kami nila Mama, Papa, kapatid ko, sila Tito at Tita at 3 anak nila (cousins ko, ang isa ka-same age ko, tas 9yrs old yung isa) may suot nang life jackets. Pumunta kaagad kami sa starboard side ng barko upang doon tumalon. Iyak kami ng iyak (kami ng kapatid ko na 8years old that time, tas yung tatlo ko pang counsins) tuwing iniisip ko yung mga pangyayari na yun naalala ko yung nakikita ko sa mga mata nila Mama at Papa ang pangamba ngunit  parang may pagka-kalma. Dito ko na nasaksihan ang kung ano na hindi ko ma-explain, may hair-pin si Mama nun sa buhok nya na kinuha nya at inilublob sa dagat at biglang naging parang 7inches stick (trust me, sobrang puzzled yung utak ko nung time na yun as a 10years old, di ko talaga ma-explain) and I noticed Dad having a 7inches stick too (dunno where it came from) kase ang nakita ko lang is yung kay Mama kase dun ako nakaharap sa kanya. That time parang may sinasakyan kami na nasa ibaba namin, di ko rin masabi kung ano iyon kase sobrang dilim na nang dagat given the details na ang lakas na nang ulan, hangin, at malalaking alon. Di ko rin masasabing isang life-saving device yung nasa ilalim na nakalublob na sinasakyan namin sapagkat wala itong propeller o ano man na kayang patakbuhin ng ganuon katulin sa dagat. Di ko rin masasabi na yung 7inches stick yun sapagkat sinong mag-aakala na aandar yun? eh wala yung propeller? ni hindi nga yun de-makina? tas 7inches lang yun, maliban nalang kong ito’y biglang naging mataas na kasya kami ni Mama in which applies to Dad’s stick too. Is it even a ordinary 7inches stick or the so-called wand o ano? Nakikita ko pa rin yung mga life rafts na merong sakay na ibang survivors. Basta sa pagkaka-alam ko nalang ay nandun na kami sa Burias Island, Masbate with Tito, Tita, and my cousins (na alam ko rin kauri nila Mama, Papa, this will give you the idea that being “us” are by blood) at yung iba pang survivors ay nasa Isla na rin. Mom’s hair-pin is back sa buhok nya and was not holding any stick, Dad is not holding a a 7inches stick too. Since then, ang dami kong tanong sa isip but was answered when I turned 15 na sinabihan na ako nila Mama at Papa sa mga dapat kong malaman. I hope I gave the idea to everyone, pasensya na po sa tagalog ko sapagkat isa akong bisaya, at pasensya din sa grammatical errors ko sapagkat hindi rin ako English major student.  You can do your research about the incident of the M/V Princess of the Stars if you still have doubts. Babasahin ko pong malugod ang inyong mga komento, dyan din ako mag de-desisyon kong ipagpapatuloy ko pa, yung 15 years old na ako tas san kami pumupunta every November to meet people who are like us. For the additional information, I’m 19 years old, 1 year to go nalang po para meron na akong sariling “wand”. Baduy man pakinggan o isipin, pero yan ang katotohanan. Only 20 years old and above are permitted to have their wands with them. Some may say that wizarding and withcrafting are evil, but that was long time ago. Also, if you had doubts about us really existing try to read the bible. Even the bible says we exist. Maraming salamat po!

-Joshua
Northern Mindanao"


📜Spookify
▪︎2017▪︎

[2] True Filipino Horror Experiences (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon