Tricia's POV
Agad kong kinuha si Rocco nang ibaba siya ni Paul. Ramdam ko ang tingin niya pero hindi ko 'yon pinansin.
"Ang laki laki na nga, ang lakas kumain niyan" rinig kong sabi ni Ate Aika. Mukang si Rocco ang pinag uusapan nila.
"Pug siya diba?" tanong ni Hannah na nasa tabi ko.
"Yes"
Inabot ko sa kanya at agad naman niyang kinuha. Mukhang malapit rin siya sa aso dahil naging comfortable agad si Rocco sa kanya.
"Trish, kain na kayo"
Napatingin ako kay Mama, nakatayo siya sa tabi ni Y/n. Nag tama ang paningin namin, pilit siyang ngumiti.
Tumayo ako para bigyan sila ng plate. Isa isa naman sila sumunod sa dining.
"Pasta?"
Natahimik kaming lahat nang sabay mag salita sina Paul at Y/n. Nasa kanan ko si Y/n habang nasa kaliwa ko naman si Paul.
Nagkatinginan sila pero agad rin nag iwas.
"Carbonara?"
"Spaghetti?"
Palipat lipat ang tingin ko sa hawak nilang sauce. Sa kanan ko nandoon ang carbonara, sa kaliwa naman 'yong spaghetti.
"Mas masarap 'tong tinapay, try mo"
Ngumiti ako kay Rj nang lagyan niya ng tinapay ang pinggan ko. Ramdam ko ang tingin nilang dalawa dahil sa ginawa ni Rj.
"Mag titinapay na muna ako, mauna na kayo"
Iyon lang ang naisip kong dahilan para makaalis sa gitna nilang dalawa. Tumabi ako sa gilid para makakuha ang ibang kasama namin.
"Sabihin mo lang kung masakit ha?"
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Miggy. Talagang sinadya niyang lumapit sakin para sabihin 'yon.
"Anong masakit?"
"Baka kasi natatapakan na namin buhok mo, sabihin mo lang kung masakit"
Tinawanan niya lang ako at iniwan akong mag isa sa gilid. Napapansin ko naman lahat, ayoko lang mag salita.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mag kakompetensya silang dalawa.
Napatigil ako nang tumabi sakin si Paul habang may hawak na tong.
"Chicken?"
"Huh?"
Hindi ako nakasagot nang lagyan niya ng manok ang pinggan ko. Ngumiti siya sakin at umalis rin agad.
Sinundan ko siya ng tingin, lahat sila ay nasa sala na at busy sa pagkain.
Nag tama ang tingin namin ni Y/n, dahan dahan niyang nilipat ang tingin niya sa pinggan ko habang hawak ang pinggan niya.
Shocks
"Eatwell"
Hindi ako nakapag salita at pinanood nalang siyang lumabas sa dining room. Matamlay man ang mata, pilit pa ring ngumiti sakin.
Napatingin ako sa gilid ko dahil narinig kong bumukas ang pinto ng cr, doon ko nakita si Hannah.
"Nakakuha ka na?" tanong ko sa kanya at nilapag ang pagkain ko.
"Uh, kukuha pa lang. Hindi ako makasingit kanina" nahihiya siyang tumawa kaya napangiti ako.
Binigyan ko siya ng pinggan at hinintay siyang makakuha ng pagkain niya. Rinig na rinig ang tawanan na galing sa sala at nangunguna ang boses ni Miggy, hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila.