"Nagpa-cater na si Donya Cora kaya Naman ay hindi na Tayo kailangan dito sa mansiyon mamayang Gabi. Ibig Sabihin ay half day lamang tayo.
Pag-igiin lamang ang paglilinis sa buong mansiyon, maliwanag?" tanong ni Inay Habang kaharap Ang lahat ng mga katulong dito sa bahay.
"Opo" chorus na sambit ng mga kasambahay bago nagsialisan para magtungo sa kanya-kanyang pwesto.
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan ng bagong taon. Sa susunod na linggo ay magtatapos na kami ni Karen.
Finally ay matutupad na rin Namin ni Karen Ang pangarap naming maging event organizer.
Pagkaraan din ng dalawang buwan ay birthday na ni Sean kaya Naman abala Nanaman Ang mga katulong dito sa mansiyon para sa malaking event mamayang Gabi.
As in malaking-malaki na event dahil magsidatingan Ang lahat ng mga kasosyo ng mag-asawang Cardinal at mga kamag-anak na rin nila. Meaning that the party tonight will be at full blast.
"Huy bespren... ano naman regalo mo sa boyfriend mo?" tanong ni Karen na siyang Ang aking Kasama dito sa may hugasan para linisan at punasan Ang mga pinggan at kubyertos na magagamit mamaya.
"Ako..." pabiro Kong sagot ngunit mukhang sineryoso ata ni Karen dahil bigla na lang siyang napabaling sa akin at nabitawan Ang hawak na sponge at madramang sinapo Ang kanyang dibdib.
"Taena bespren... Seryoso ka? Yung ano mo Yung ano mo... Basta Yun.. Ang regalo mo..." gulat niyang tanong.
"Gaga... Binibiro lang kita, masyado mo namang sineryoso. Bibilhan ko siya ng puting Rosas na gawa sa crystal. Alam mo Naman na iyon Ang paborito Kong kulay kaya kapag kasama niya iyon ay parang Kasama na rin niya ako kahit saan pa siya magpunta" I sincerely took my time on choosing what to give to Sean and I have thought about that crystal I saw at a shop near the church.
"Wow... Ang thoughtful mo Naman.. kilig Nanaman ako..." Ani Karen.
"Buang" Ani ko.
"Excuse me... Ikaw kaya Ang buang... Buang na buang na Kay Sean your labidabs..." Minsan talaga ay gusto Kong busalan itong bibig ng kaibigan ko eh, Wala kaseng preno.
Mabilis na sumapit Ang tanghali at Isa-isa nang umaalis Ang mga katulong na may Bahay sa loob ng hacienda. Lumabas Naman Ang Ilan sa mga nakatira dito sa mansiyon at Ang Ilan ay piniling mamahinga.
Pauwi na rin kami ni Karen at hinihintay na lamang Namin si Inay.
Hindi ko pa nakakaharap si Sean buhat kanina dahil sa daming inasikaso at nagsidatingang mga bisita tapos palagi nilang tinatawag si Inay.
"Mga anak... Pasensiya na ha... Eh kase... Kailangan pa ng talong maninilbihan ngayong Gabi. Ako na iyong Isa at itatanong ko sana kung maaari bang kayo na lamang Ang sumama sa akin?" agap na tanong ni Inay ng sapitin niya kami dito sa kusina.
Dagli Naman Kaming tumugon ni Karen at muling nagpalit para tumulong.
Gusto ko rin Naman talaga na Makita at makasama kahit Malayo si Sean sa akin ngayong Gabi. Magkakaroon din Naman kami ng sariling selebrasyon ng birthday niya pagkatapos ng graduation ko. Pangako niya iyon sa akin.
"Karen, sumama ka sa akin at asikasuhin mo Ang mga pinsan ni Señorito Sean na dumating galing ng ibang bansa. Kailangan nila ng maninilbihan Doon. Isay anak, umakyat ka na at pagsilbihan Ang Señorito, kanina ka pa hinahanap sa akin noon." Saad ni Inay.
Nakita ko Ang pagkindat sa akin ni Karen at simpleng pagngisi nito na agad ding nawala ng tawagin siya ni Inay at humakbang paalis.
Nasa aking bulsa Ang crystal na Rosas na aking Ibibigay sa kanya. Mabuti na lamang at ipinapatawag niya ako.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kanyang kwarto bago sumalubong sa akin Ang napakagwapo nitong Mukha.
His hair is fixed on the side. A little lipgloss put on his lips that makes it obvious and attractive at the same time. His daring golden tuxedo and dark brown Italian shoes paired with a watch on his wrist and bow on his chest making him a god of beauty himself.
"Baby" he murmured before closing the door and entering me in.
Agad niya akong niyakap mula sa likuran. Mula dito sa kanyang kwarto ay Malaya mong mapagmamasdan Ang maliwanag na buwan na siyang bilog na bilog ngayong Gabi.
"Sean..." tawag ko.
"Hmmmm" he replied.
"Ikaw Ang unang lalaking minahal ko. Ikaw Ang unang lalaking nakapagpatibok ng aking puso. Ikaw Ang unang lalaking hinalikan at niyakap ko bukod sa tatay ko. You are my first Sean and that's makes you special. Kagaya ng buwan ngayon. Napakaganda at napakaliwanag nito ngayon at napakasarap na pakatitigan at pagmasdan Lalo na at Ikaw Ang Kasama ko. I love you Sean
Happy Birthday mi amore.Agad niya akong iniharap sa kanya at sinapo Ang aking mukha gamit Ang kanyang mga malalaking palad.
"Thank you baby... For making me your first and it was my pleasure to be your first... Walang kasiguraduhan Ang mangyayari kinabukasan o sa makalawa sa relasyon natin. I know we are going to face a lot of struggles ahead but I swear and promise that you will always be my first and my last, baby. I love you..
Napakagandang pakinggan sa Tenga Ang tawagin niya akong baby and hearing those three magical words came really a music to my ears.
"Sean?" tawag ko.
"Yes?"
Dinampot ko Ang aking regalo mula sa aking bulsa at ipinakaita sa kanya.
"Happy birthday. Isa siyang rose na gawa sa crystal. Since magulo pa Ang sitwasyon natin sa ngayon. You can bring that anywhere. Para kapag hawak mo iyan o Dala mo ay maalala mo ako at parang Kasama mo na rin ako. You know rose is my favorite color..." Sabi ko.
Agad niyang pinakawalan Ang aking bewang at pinagtuunan ng pansin Ang crystal na nasa aking kamay.
"I-Is this for me?" Si Sean.
Tumango Naman ako sa kanya.
"Thank you baby... I can't believe this...this is the best birthday gift ever" aniya.
"Alam ko Naman na mas magaganda at mas mamahalin pa Ang mga regalo ng mga bisita mo sa iyo eh..." Saad ko
"Baby, don't compare your gift to them cause yours is the most special one... Thank you so much for this.." at muli niya akong niyakap.
We stared at each other for sometime until he slowly leaned and claimed my lips.
Just like before his kisses were slowly and steady. Parang ayaw niya akong masaktan sa bawat pagdampi ng kanyang malalambot na labi sa akin.
We are kissing when a knock from the door separated our lips and made us both look at the door.
Madali Kong inayos Ang aking sarili at nagtungo sa gilid para walang makahalata.
"Mom..." rinig Kong bati ni Sean. Sino Donya Cora siguro Ang nasa pinto.
"I have already told you Mom that I don't need a personal maid Lalo na Ang isang kagaya niya na parang pipi. Ako pa tuloy Ang parang napakasama. Anyways, how's the party mom?" Plastik ng taong to. Akala mo Naman kung Hindi adik sa mga labi ko ano. Wala Kang kiss sa akin mamaya. Che...