C-05

64 2 0
                                    

                        

Tawang-tawa ako habang naka-tingin kay Kayen na nakasimangot sa gawi ni Xavies , nandito kami ngayon sa basketball court ng school dahil sa kasali kaming apat sa Women's Basketball league, yep you read it right. Nakapasok kaming apat sa try outs two weeks ago , kasama si Zerve dahil sa wala naman siyang nagawa nong hilahin siya ni Kayen para sumali sa try outs.

It was kayen's idea na sumali pero kitams mo siya pa tong parang lampa, ang girly niya kasi kong makahawak ng bola tas pag mag shoot di pa mapasok kahit open area naman. Kaya tinawanan namin siyang tatlo pero nakasimangot siya kay Xavies kasi may  bet silang dalawa 5k kong maka 3 points si Kayen at magiging alalay si Xavies kay Kayen if hindi maka 3 points si Xavies , bat naman kasi siya nakipag bet eh magaling mag basketball iyang si Xavies dahil minsan na itong basketball player nong junior high namin.

And ayon nga hindi naman na shoot ni Kayen Ang bola kaya masaya si Xavies kasi siya panalo, instant 5k na daw pambili nang gusto niya. May upcoming Women's Basketball league kami next month and two weeks ago nag recruits ng members ang team ng Pleiades Archangels, name ng Pleiades University women's basketball team.

Not to Brag pero magaling din naman ako sa sports na to same with Zerve. Iwan ko lang kay Kayen kong anong pumasok sa isip niya at sumali siya eh hindi naman siya ganon ka galing sa Basketball, Baseball player kaya siya and she said before that she hates basketball kasi hassle daw itong laruin at nakaka amoy ka daw ng putok sa ibang players. Hahaha sarap niyang bigwasan tas ngayon sasali-sali siya sa P.A. basketball team.

Tinanong namin siya kong bakit sabi niya gusto lang niya and mantry nalang daw Ang basketball since siya lang ang iba ng sports sa aming tatlo.

“Miss Gravador!! Are you really going to play like that?! Baka ikabagsak ng team iyang pinang gagawa mo!!”

Saad ni coach slash Professor Sandella. I could say na maganda siya , ang puti niya mga mare for sure naka lunok to ng sandamakmak na gluta , medyo short tempered siya katulad ng height niya pero mas maliit parin si Zerve. Maganda din yung mahaba niyang buhok and isa din siya sa Kampon ni Xavies, ang cold din katulad ni wifey Elizabeth ko enebeee.

Oh speaking of her , two weeks na din ang nag daan ng wala kaming interactions well papasa bang interactions ang ngitian siya tas iirapan niya ako. Ang laki yata ng galit sakin eh wala naman akong ginagawa sa kanya , after nong ihatid ko siya sa isang mamahaling restaurant nag paalam na siya sa akin at pina uwi niya na ako. Hindi naman ako nagduda dahil nong tanungin ko siya bakit sa doon siya sa restaurant ang sagot niya family dinner daw. Kaya hindi na ako nag pumilit na samahan siya baka kasi matadyakan na ako non.

Busy din naman ako sa basketball practice namin at medyo 6 or 7 pm na kami umuuwi kasi malapit na din ang laro. Pag sa time naman ng pagtuturo niya ay hindi niya na tinitignan ang gawi ko at pag makatitigan kami iirapan niya lang ako. Ang sama wala pa ngang ginagawa nang-iirap na siya.

“Be sure you take this seriously Miss Gravador dahil pangalan ng school ang dadalhin mo ninyo!!!”

“Yes lo-- coach”

Saad ni Kayen na ikina-irap naman ni coach Sandella sa gawi niya. Eyyy I smell something fishy between them. Ganyan din kami ni Prof. Ferolino, parihas din sila maka irap sobrang talim like any minute tumba kana sa kinatatayuan mo.

“You sense it?”

Bulong ng katabi kong si Xavies, yung ibang members namin ay tinuturuan na ngayon si Kayen habang ang iba katulad namin ay nagpapahinga dito sa bleachers.

“Yeah ,she's giving a lot of effort..?”

“I could also sense it Xav , the thing is.... Kayen's a Casanova, do both of you think Kayen is actually serious about Coach Sandella..?”

Seducing Professor FerolinoWhere stories live. Discover now