AMALIA
Nandito ako sa labas ng bahay ni auntie
Amy, tatlong buwan na simula ng mamatay ang mga magulang ko.Simula non hindi ko na Alam kung pano ko ulit simulang mamuhay ng masaya ulit. Nagtrabaho muna ako bago ako napadpad dito kila auntie.
Kinukuha nya na kasi ang lupa na pinagtatayuan ng bahay namin. Una ding namatay ang papa ko. Namatay sya sa sakit, diko akalaing mapupunta parin Pala ako dito sa bahay ng tyahin ko.
Kumatok ako, at ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at lumabas Doon si auntie.
Ang pinaka-mabait kung auntie
Pero kahit Gano pa kasama ang ugali nya ni hindi ko magawang. Sumbatan o lapastanganin sya. Auntie ko padin sya
Kahit papano."Magandang hapon po tyang" tinignan nya ko mula ulo hanggang paa bago tinaasan ng kilay.
"Susunod Karin Pala eh sinagayang mulang ang pagod ko, pasok na sa dulong kwarto ang sayo!" Napakasungit naman Kala mo may ginawa na sa kanya. Wala syang anak Kaya mag-isa lang sya. At dahil ibenenta nya na din yung lupa nila nanay ay kayay' kung bakit nandito ako ngayon.
"Pagkatapos mong ilagay ang damit mo, hugasan mo ang Plato linisin mo ang C.R
kailangan matapos mo yan ngayong gabi. May tatrabahonin kapa bukas!"At magsisimula na nga ang kalbaryo ko dito. Sana lang ay gabayan ako ng diyos
Dito."Aakyat na ho ako tyang" naka pukos sya sa T.V. nilingon nya ako ng nakataas ang kilay, napaka sungit talaga nito di naman inaano.
"Tapos ka naba sa mga gawain mo?" Tumango ako "siguraduin mo lang, o sige-sige umakyat kana. Maaga kapang gigising bukas, ikaw ang magsasaing, maglilinis ng bakuran, lahat-lahat na at wag na wag Kang tatanggi dahil pinatira na kita dito Libre, pati pagkain tubig.
Kaya wag na wag Kang magrereklamo""Opo tyang" tanging naging sagot ko.
Nagising ako bandang alas kuwatro-trenta. Nagsipilyo nako't nagsaing, pagtapos ko nag walis nako sa loob ng bahay at sinunod naman ang sa labas. Maghahanap ako ng trabaho ngayon napag-usapan nadin namin ni tita to.
"Tyang? Kakain na ho tayo" walang naging tugon ang nasa loob.
"Oh aalis ka na? Tandaan mo Kalahati ng magiging sweldo mo akin ha!"
"Opo tyang, at wala na naman akong pag pipilian" naging mahina ang tugon nya sa huling sinabi buti nalang at hindi narinig ng tyang nya, tiyak ay sisigawan na naman sya.
Napadpad ako sa isang restaurants na di naman kalayuan sa bahay ng tiya nya.
Tsaka hindi naman sa bukid titira ang tiya nya, ugali pa non eh hindi nga yun humahawak ng walis eh.Napaka-dumi ng bahay.
"Ahh,excuse me po May available po bang trabaho dito kahit ano po" tanong ko sa kahera.
"Pasensya kana pero wala na eh, puno na kami, kahit taga hugas eh wala nadin may umo-ukopa na doon"
"Sige po salamat" bigo akong lumabas.
May pag-asa pa wag Kang mawalan ng pag-asa amalia kayang-Kaya mo Yan. Ikaw pa ba.
Ilang gusali na ang napuntahan ko pero wala parin talagang akong trabahong natatanggap, kung pwedi lang akong bumalik sa pag-aaral eh. Kaso wala akong pantos-tos kung sana lang eh hindi binenta ni tiya ang lupa. Mapapakinabangan ko pa yun.
Semento din yun bahay namin kahit papano, pwedi ko ba tuluyan yun pero dapat babae lang, at syempre hindi masungit at kokontratahin no, mahirap na.
Umuwi nalang ako at naglinis uli ng katawan. Pagtapos nag-saing nako hapon narin naman.
Nagtataka ako ba't hindi pa umuuwi si tiyang. Hindi naman yun magtatagal sa trabaho lalona't napaka tamad non.
Sa pagkaka-alam ko sales lady sya sa isang mall, malayo-layo dito.
Maya-maya pay may narinig syang yapak at binuksan ang pinto.
Nandito na si dragonita.
Nasahapag kainan sila ng magsalita ang auntie nya.
"Nakahanap ka naba ng trabaho?"
"Wala pa ho tyang eh, wala nadaw available ang iba naman eh kailangan daw college graduate eh second year lang naman po ang natapos ko."
Tumaas ang kilay nya at mapang-asar na ngumiti.
"Abay hindi ko kasalanan kung hindi ka nakapag-tapos" opo Alam ko po .
"Bukas sasama ka sa'kin sa bar ipapasok kitang waitress don, at saka galingan mo
sa interview don dapat mahinahon ka""Opo" waitress lang naman daw eh.
Sana nga.
Natulog sya at gumising hangang sa nag linis at ibang gawaing bahay. Pinagtutukan ng pansin ang paglilinis wala din naman syang problema dun dahil sanay na sya.
"Oh isuot mo yan ha, dapat ayos na ayos
Ka, para dala pang pa swerte na yun pag maka-pasok ka"Hapit na hapit ang green silk backless dress na may slit pa sa gilid, In short Lantad na Lantad ang katawan ko.
Binigyan nya din ako ng make up at ako nalang ang naglagay ng kolorete sa mukha. Kahit papano Alam ko naman kung pano i-apply yun. Tsaka nung junior high ako tinuro din yun samin.
Pumasok na kami at nahilo agad ako sa mga nag-halo-halong amoy ng alak, amoy ng yosi nagsama-sama na ata lahat di ko na ma intindihan kung ano yung baho na yun.
Dumeretso kami sa sentrong table at may kinausap si auntie, Maya-Maya pay
Umiba ang musika, kanina ay pang disco talaga ngayon ay parang pang isang runway fashion show ang tug-tugan.May lumabas na Mc ata kasi may dalang Mic pero bakit may dalang mic mag-aanounce ba sya?.
"Hello and goodevening everyone we are here now in the center of the bar, and also the main highlight of this night is our bar show or runway in a bar. I am
Leoncio and preferred to be called Lia
HAHAHA! Just kidding. So here comes the models! Whoooo-hooo!!!"Na-focus ang attention sya runway na nasa gitna halos lahat ng nasa bar ay nakatanaw sa gitna ang iba naman ay
Sumasay padin sa mga ka hook-up siguro nila.Inilibot ko ang aking paningin ng may isang babaeng palinga-linga sa gilid na parang may hinahanap ng matanaw nya si auntie sumigla ang mukha nito at Dali Dali syang ni lapitan.
"Oh auntie buti dumating ka. Saan na Pala Yung sinasabi mong gusto mo Ipasok? Tsaka dapat na-andito sya ngayon kasi saktong kulang ng isang model. Rarampa lang naman sya eh"
Sabi ng babae kanina.
"Ay abay syempre dala ko sya at eto sya"
Hinila sya palapit ng tiya nya at pinakilala sa babae."Hi ako si Irah hindi nako magpatumpik-tumpik pa kung gusto mong magsimula ngayon pwede na dahil kulang kami ng isa at nandito kana ikaw nalang, maawa ka oh panghuli ka naman may time kapang may prepare" huminto sya saglit at nagpatuloy ng Salita.
"So ano ready kana?"
Nag-aalinlangan man ay nagpahila nako.
Binulungan din ako ng auntie ko na Pera nato Kaya wala ng pili-pili.
Kaya bumigay nadin ako at sumunod sa babae, pumunta kami sa backstage.
"Dito ka muna kukunin ko lang mga damit mo ha?" Tumango ako. Mga damit
Marami siguro, pero okay lang naman kahit naman probinsyana ako ay may ibubuga din itong katawan ko no may hubog naman ako at makinis din ang balat ko Kaya okay na'yon.Bumalik sya ng may dalang limang gowns. Napaka talino naman ng nag-dedesign. Hands down ako. Ang hirap Kaya mag-design na mag-mukhang hindi kamukha ng sa iba.
"Eto ang mga iso-sout mo Bali lima, So
Limang beses ka magpapalit-palit at limanh beses kadin rarampa, marunong ka naman siguro diba?" Tanong nya."Opo"
"Okay good sige na magbihis kana"
Pumasok nako sa Dressing room. Unang pasok palang may trabaho na agad. At
Bagong experience din.—————————————————
THANK YOU!!!