IKA-APAT NA KAMALDITAHAN
Kakatapos lang ng pirmahan ng kontrata na ginanap sa isang mamahaling hotel and restaurant. At sa wakas, bawas alalahanin na ito ni Dale.
Ilang sandali pa ay nauna na ang mga kausap na umalis habang siya naman ay nagpaiwan muna at napagpasyahang umorder ng maiinom.
"Cancel all my appointments for this afternoon." Utos niya sa sekretarya. Patapik-tapik pa ang mga daliri nito. Pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam niya.
"Yes, sir."
Huminga siyang malalim na para bang narefresh siya.
Ah, oo nga pala.
Tinignan niya ang sekretarya na nakaupo sa kabilang couch. "Thank you, Dianne. You can start your leave now." Aniya.
Ngumiti ito sa kaniya at nagpasalamat. Dapat ay noong isang linggo pa ito nagleave dahil sa kalakihan na ng tiyan nito na dapat ay nagpapahinga na sa bahay at inaalagaan ang sarili pero pinakiusapan niya muna ito na kung maaari ay maisara muna ang deal bago ito magleave.
Oh, dalawa ang secretary niya. Dianne is his first secretary. Siya iyong nasa labas at nag-i-entertain ng mga kakausap sa kaniya while Sasha is his second secretary. Siya iyong gumagawa ng mas marami at mahihirap ng gawain plus the special service kapag nasa mood ang binata. Dianne has been a good secretary. Magaling, matalino, masipag, at matino. Okay, he admits that he once seduced her and that was when he had his first rejection. Imbes na mainis ay natuwa pa siya. He is lucky he has Dianne. She's aware of his libido though. Sasha, on the other hand, is the daring. She knows where to place herself.
Ilang sandali pa ay tumayo na ito at napagdesisyunang umuwi sa unit. Gusto niyang magpahinga. O hindi naman kaya maglileave muna siya ng isang linggo. Tama, iyon nga ang gagawin niya.
May isang problema pa dahil hanggang ngayon, hindi pa umuuwi ang dalawa! Aba, dalawang linggo na ang nakakalipas.
Nang makasakay ng sariling kotse ay agad niyang dinial ang numero ng kapatid gayun din ang sa kababata pero tulad ng mga naunang subok niya ay walang nagriring. Malamang ay pinatay ng mga ito ang kanilang mga telepono.
Pilit niyang pinakalma ang sarili. Paano nga kung hindi biro ang sinabi ng kababata na... bubuntisin nito ang kapatid niya--taragis talaga ang lalaking iyon!
Naghanap ng target, of all people, kapatid pa niya.
Nailing si Dale. Walang silbi kung magmamaktol uli siya sa loob ng sasakyan niya. Tinangay ng taragis niyang kaibigan ang kapatid niya at ngayon ay hindi niya mahanap ang mga ito kahit anong gasta niya ng pera. Malamang ay may kinuntsaba na ang kaibigan para hindi sila matrace.
Binuhay na lamang niya ang makina ng sasakyan at umalis na para umuwi.
Pagkarating sa buildig na tinutuluyan ay nagtungo muna ito sa reception area para icheck kung may naghanap sa kaniya ngunit kinumpirma naman ng receptionist na wala.
Ayos, sa ganun ay wala na muna talaga siyang aasikasuhin.
Agad niyang tinungo ang elevator. Pagkarating sa tinutuluyang floor ay narinig niya ang kaniyang pangalan na tinawag ng isang babae pagkalabas niya ng elevator.
Kilala niya ang nagmamay-ari ng boses. Jusko naman, hindi ba talaga siya titigilan nito?
Hindi siya huminto at sa halip ay mas binilisan ang lakad hanggang sa marating ang pinto ng unit. Mabilisan niyang tinype ang security code niya at tumuloy.
Kung maaari lang ay iiwasan at iiwasan niya ang dalagita.
Hindi siya pumapatol sa bata!
- -- - -- -
BINABASA MO ANG
MALDITA series #5: Airi Dela Vega (#wattys2016)
RomanceMALDITA series #5: His Clandestinian Neighbor Kilalang sikat sa kanilang barangay si Dale Fortez. Kinatatakutan din siyang kalabanin ng mga nagsisiga-sigaang mga tambay dahil wala itong sinasanto kung pagdating sa usapang labanan until a gir...