Chapter 1
Nakabusangot ako habang nakatingin sa labas ng family car namin. Kahit kailan talaga ay hindi ko magets ang mga plano ni Ate Cesz. Ngayon pinapabakasyon niya ako sa farm namin sa probinsya para magreflect daw. Like what the heck? Bakit ko gagawin 'yon? Sinabi ko sa kanya na kahit kailan ay wala pa akong nabubuntis. Ni wala pa nga akong napuputukan, puta!
Calling Baby Rina
"Hi baby." Malambing bati ko sa kanya.
"Baby, nasaan ka na? I've been waiting here for an hour. Di ba sabi mo kakain tayo?" Maarteng aniya.
Shoot! Nakalimutan ko. Si Ate naman kasi! Kapag nagdesisyon gusto agad agad masusunod. Nakalimutan ko tuloy ang lakad namin ni Rina.
"I'm sorry, baby. Ate asked me to go to our farm that's why I can't go with you. I'm sorry."
Binaba ko agad ang tawag at halos masuka ako sa mga sinabi ko kanina. I'm not used to sugarcoated words, nakakadiri. Puno ng kaplastikan. Pero anong magagawa ko? I have to. Maganda si Rina at hindi pa ako nagsasawa sa kanya. Siguro bukas ib-break ko na siya. May tatlo pa naman akong reserba e.
Calling Baby Queenie
"Hi baby! I miss you!" Masayang bati niya. Napangiwi ako sa tinis ng boses niya at bahagyang nilayo ang phone sa tainga ko.
"Baby? Still there? I fucking miss you and I miss you fucking me! Hihihi."
Queenie is my fucking buddy. Magaling siya, bihasa. Minsan nga'y iniisip kong siya ang girl version ni Christian Grey.
"I'm sorry, Queen. I have to go. Bye."
Binaba ko muli ang tawag at napabuntung hininga. Naiinis ako dahil nasira ang schedule ko dahil sa Rhian na iyon. Hindi talaga ako makapaniwala na nabuntis ko siya. Imposible. Kaya pinapunta ako dito ni Ate para daw magreflect at magisip kung anong gagawin ko sa buhay ko. Naiinis ako sa kanya ng kaunti dahil naniwala siya agad sa babaeng 'yon.
Ginagalang ko si Ate Cesz dahil siya ang naging ina ko noong iniwan kami ng magaling na babaeng 'yon. Mahirap lang kasi kami at noong nakakita siya ng mayaman na makakapagangat sa kanya sa kahirapan, iniwan kami. Nagdamdam si Ate noon pero hindi siya nagbulakbol. Inalagaan niya ako at nagaral siyang mabuti. Noong nakatapos siya ay tinanggap siya ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas at binigyan siya ng mataas na puwesto hanggang sa napromote siya ng napromote at yumaman kami.
Inaasahan ko noon na babalikan kami nung babaeng iyon pero hindi. Wala talaga siyang kwenta. Simula noon kinalimutan na namin siya. Pinatay na namin siya sa mga puso at isipan namin.
"Manong, malayo pa ba?" Tanong ko sa driver namin na hindi ko alam ang pangalan. Lumingon siya at ngumiti.
"Malapit na po, Sir."
Tumango ako at isinalpak ang isang earbud sa tainga ko.
Ano namang gagawin ko sa farm namin? Ni hindi ako marunong magtanim or magsaka. 19 years old lang ako kaya paano ko malalaman iyon? At saka pangalawang beses pa lang ako makakapunta dito kaya hindi ako pamilyar. Ano ba kasing naisip ni Ate? Sinabi ko kasing hindi ako yung nakabuntis kay Rhian e!
Speaking of, natawag ang babaeng 'yon sa akin ngayon.
"Why did you call? I told you, we're over." I said, pissed.
I can hear her sobs but I ignore it. Women are amazing actresses. Lahat ng arte alam nila para lang mapasunod ang mga kalalakihan.
Humikbi siya bago magsalita. "I'm sorry, Cyrus. I'm so sorry."
Umayos ako ng upo at pinipigilan ang galit ko sa kanya. "Sorry for what? As far as I remember wala ka namang ginagawang masama." Sarcasm is evident in my voice.
"Cyrus, wag ka naman ganyan. I'm just desperate. You left me, okay? I have no choice. Come back to me baby, please. I promise, kakausapin ko ang ate mo at pababalikin ka na niya dito right away." She said full of hope.
Nagigting ang panga ko at hinigpitan ko ang hawak sa Iphone 6 ko. Tangina, hindi pala siya buntis e! Sinabi ko na nga ba na kahit kailan e hindi mabubutas ang mga condoms ko dahil ako mismo ang nagapapagawa non!
"Sorry? Hindi ako tumatanggap ng sorry ngayon e. At paano mo naman nasabi na papabalikin ako agad? Close ba kayo ni Ate ha? Gago ka pala e. Delete my number. Don't call me again, ever."
Ibinaba ko ulit ang tawag at napapikit. Yes, chivalry is dead. Bakit nga ba nawawala ang respeto naming mga lalaki sa mga babae? Simple lang, sila kasi mismo wala din respeto sa sarili nila. At mahilig silang mang-gago. And then, they'll fvcking blame us. Lagi nalang kami ang masama kahit sila din mismo ang may kasalanan.
"Andito na tayo, Sir."
Iminulat ko ang mga mata ko at ibinaba ang bintana. Nalanghap ko kaagad ang sariwang hangin. Malamig at ang sarap sa pakiramdam. Nakangiti ang mga trabahador sa akin habang nadaanan sila ng kotse namin.
Unang punta ko dito ay noong twelve years old ako at ngayong nineteen na ako ay namumukhaan pa rin nila ako. Iba talaga kapag baby face.
May nakita akong isang maliit na burol at sa ibabaw nito ay may napakalaking puno. Napakaganda nito. Parang ito yung nga ginagamit sa movies ah. Habang papalayo ang kotse sa burol na iyon ay inilabas ko ang ulo ko at tinignan ito ulit.
Namamalikmata lang ba ako o totoong may babaeng nakaupo doon?
I shrugged the creepy thought and sit properly.
I open my phone and scroll the messages. No texts from Ate huh?
Pagkadating namin ay bumungad sa akin ang mga maid. Bumaba ako at umihip ang hangin dahilan ng paggalaw din ng buhok ko. Hinagod ko ito gamit ang mga daliri ko.
I heard their gasps and 'awws'. Ngumiti ako sa kanila at dire-diretsong pumasok sa mansion na ipinamana kay Ate.
Napaatras ako at napatulala sa babaeng nakade cuatro at prenteng nakaupo sa isang sofa. Nakangisi siya.
"Hi brother."
"Ate?! Bakit nauna ka pa kaysa sa akin?" Gulat na tanong ko sa kanya.
She smiled. "I used the chop." Ang tinutukoy ni Ate ay ang company chopper nila. Malakas kasi siya sa kumpanya at siya rin ang boss doon kaya kahit hindi business purposes ay pwede niya iyong magamit.
Tumango ako at umupo sa harapan niya. Nakatitig lamang siya sa akin at habang gano'n ang ginagawa niya ay lunok ako ng lunok para mawala ang bara sa lalamunan ko.
Iyan kasi ang katangian ni Ate. Sa mga ngiti at titig niya palang ay maiintimidate ka na. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit madali niyang nakukuha ang loob ng mga kliyente niya. It's either they're intimidated or just amazed how Ate can do that.
"Give me your phone." She said with authority. I gave it to her. She opened it and scroll something. Nakangiti siya at parang pinipigilan ang tawa.
I arched an eyebrow. What's so funny with my phone? Wala namang funny videos doon or images. Kahit mga censored videos ay wala din.
"Baby Rina, Baby Rhian, Baby Queenie, Baby Sheena, Baby Liz. Anak mo ba itong mga 'to? Kailan ka pa nagkamatres at naipanganganak mo ang lahat ng mga 'to? Inunahan mo pa ako!" Humalakhak siya at halos maluha na sa kakatawa
Naginit ang mga tainga ko at gusto kong hablutin ang phone ko kay Ate. Ang lakas kasi mangasar!
"Ate they are my girls. I appreciate your joke though. So please give me back my phone."