Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 2

44.6K 2.7K 986
                                    

SO, THIS WAS DADDY'S PLACE?

Daddy was too quiet and I couldn't find the courage to approach him first. It was strange that despite his calm and gentle demeanor, his aura was very intimidating. Ni hindi ko siya masabihan na pakitulungan sana ako sa apat na maletang dala ko. Ako lang tuloy ang nagbuhat kanina mula sa aking condo pababa sa parking kung saan naroon ang kanyang midnight black Audi. Lawit ang dila ko sa pagod.

Gabi na kami nakarating sa place niya. Bumaba si Daddy sa kotse para buksan ang isang itim na malaking bakal na gate. Bumalik siya sa kotse pagkatapos. Pumasok kami sa isang napakatahimik at madilim na lupain. Nang bumaba kami sa kotse, ay may pinindot siya sa hawak na key at nagliwanag ang mga nagkalat na poste ng ilaw sa kung saan-saan. Napanganga ako sa gilas.

Ang laki ng lupain. Hindi ko na matanaw ang dulo ng matataas na batong pader dahil sa lawak ng lugar. Ilang ektarya kaya ito? At sa laki ng lugar na ito ay wala man lang ni isa na sumalubong sa amin. Walang katao-tao!

Oo nga pala, sabi nina B1 at B2 ay si Daddy lang daw ang mag-isang nakatira dito. There were no guards and helpers. Kaya napakatahimik ng paligid.

Si Daddy lang ang nag-drive ng kotse niya papunta rito. He had no personal driver as he didn't want to have one. Ayaw ni Daddy ng tao? Pero tao naman ako, ah? Ah, exception ako dahil anak niya ako?

Tahimik na nauna na si Daddy sa paglalakad. Nakasunod naman ako sa kanya. Mula sa likod ay pinag-aaralan ko ang kanyang itsura at tindig. Grabe, kahit nakatalikod ay nakakalunod ang presensiya niya. Hindi naman siya nakaporma, black long sleeve at black baston pants lang ang suot niya, pero ang lakas-lakas talaga ng dating niya.

Sa sobrang pagkailang ko nga sa kanya ay kandarapa ako kanina sa pag-iimpake ng mga damit at gamit ko. Ayaw ko siyang paghintayin, kahit pa mukhang chill lang naman siya habang nakaupo sa sofa ng condo ko kanina.

Sa kotse naman ay para akong hihimatayin sa pagkailang na makatabi siya. Siya ay kalmado sa driver's seat habang ako ay nasa passenger's seat at kulang na lang ay iumpog ko na ang aking ulo sa windshield.

Mabuti na lang talaga at nakarating na kami rito. At ngayong nandito na nga ako, ano na bang next step? Would he tour me around this place? Asa pa ako! Ito nga at iniwan na niya ako sa paglalakad. Ni hindi niya naisip na hirap na hirap ako sa paghila sa aking dala na apat na maleta. Ang tangkad kasi niya pa at ang hahaba ng biyas, kaya ang bilis at ang lalaki ng hakbang. Nahiya ang cute size legs ko.

Natanaw namin ang isang maliit na bahay. Kung gaano kalawak ang lupain dito sa labas, kalalaki ang mga nagtataasang batong pader at bakal na gate ay siya namang liit ng pinakabahay na nakatirik sa pinakagitna.

Daddy's little house was a modern black glass house. From the room, glass wall tints, everything was painted matte black. It looked sophisticated, manly... and kind of lonely.

Sa tapat ng bahay kung saan malawak ang lupain ay puno ng iba't ibang mamahaling sports car. Nasa sixteen siguro ang bilang. Parang mga laruang koleksyon lang na nakakalat. Parang kung ibebenta ko ang lahat ng iyon ay mabubuhay na nang marangya at hindi makakaranas ng gutom ang hanggang ika-tatlong generation ko.

We entered his living room. Itim na itim din ang paligid at ang interior ay minimalist. Simpleng-simple lang ang malambot na kulay itim na sofa, but I doubt kung simple lang din ang presyo. Cozy ang paligid dahil malinis, maayos ang bahay. Mabango rin at napakalamig dahil ang paligid ay centralized aircon.

Dahil hindi naman nagsasalita si Daddy ay ako na lang ang gumala sa bahay niya para tingnan ang paligid. Wala pa rin siyang kibo kahit kung saan-saang parte na ako ng bahay nakarating. Meron din palang maliit na swimming pool sa likuran ng bakuran. Malinis at malinaw ang tubig kaya alam kong malalim ito. Maliit lang talaga ang bahay. Magkasunod lang ang dining at kitchen. Ang mesa ay dalawang piraso lang ang upuan. Pangdalawang tao lang.

He Sucks At Love (Lion Foresteir's story)Where stories live. Discover now