PART 23

1.3K 62 6
                                    

A/n

Sorry sa mga typos ^^

Enjoy .

----

Kasabay ng mabilis kong pagtakbo ang tuloy tuloy na pagdaloy ng luha.. Luhang siya nanaman ang dahilan.

hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid, daig ko pa ang lasing na hindi alam ang ginagawa.

Peeeep!! Peep!!

Hoy!! tabe!!!

------

Tumigil ang mundo.. Unti unting nanlalabo ang paningin ko. Maraming nakapalibot sakin, pero wala akong marinig..

Bumibigat na ang mga talukap ng aking mga mata.. At wala na akong nagawa..

-----
"Kamusta na siya Ma?"

"Halos isang linggo na siyang walang malay."

"Sina tita dumalaw naba?"

"Sumaglit lang sila,Gusto pa sana mag stay ng Tita mo, kaso alam mo naman si Tito mo."

"Bakit naman sila ganyan?!"

------

Pinilit kong imulat ang mga mata ko.

"Marti?"

"Asan ako?"

"Nasa Ospital ka.."

Pilit kong Inikot ang mga mata ko.. "Bakit ako nandito? "

"Magpahinga kana muna Marti.."

"Auntie."

---

"Dahan dahan sa pagupo ah."

Inaalalayan ako ng Pinsan ko.Sobrang sakit ng katawan ko para akong nabugbog na ewan. Hirap parin ako sa pagsasalita.. Nabundol daw ako ng kotse nung gabi ng pageant, hindi ko alam kung paano. Nananakbo daw ako ng gabing yun. andito parin ako sa ospital halos 2 linggo na ako dito inoobserbahan pa kasi ako at may konting galos din kasi ako sa katawan.

Sa dalawang linggo na yun wala akong Parents na nakita ,Walang Angela, walang kaibigan.

Si Yaya, Auntie at yung amazonang pinsan ko yung andito.

Ngumiti lang si Amazona..

"Alam ba sa school..?"

"Uhm yup. Nakaexcuse ka.."

"Hmm."

"Apples?"

"Ha?"

"Gusto mo ng apple? Pag slice kita."

"Hmm ayoko.."

"Ok. "

Ngumiti ulit siya this time hindi pangasar. Maganda pala talaga tong pinsan ko.

---

Nakalabas din ako ng ospital pagkatapos ng isang buwan.may konting injury lang, pinayagan narin akong bumalik sa school.

Maaga akong pumasok para makausap ko naman si Angela at matanong narin siya kung bakit hindi niya ako dinalaw sa ospital. 6:30 na. Dati rati naman 6:00 andito na siya para makapag kwentuhan pa kami.

Marti ok kanaba?
Tanung ng isa sa mga kaklase namin.

Oo ok nako salamat.
Marami din ang nangamusta sakin, iba't ibang year iba't ibang mukha.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon