CHAPTER 13- Module

141 40 27
                                    

Third Person's Pov

Matapos niyang tanggapin ang inaabot nitong itim na rosas sa kanya ay binasa niya naman ang nakasulat sa bondpaper na hawak ng batang lalaki.

"Do you have a band aid? 'Coz I just scraped my knee falling for you." Ang nakatapat sa kanya na bondpaper ang nagsisilbing gabay para mas maintindihan niya yung sinasabi ng binata na gumagamit ng megaphone sa pagsasalita.

Gusto ata ng binatang iyon na marinig ng buong mundo ang sasabihin niya para sa dalaga.

Dahil marami ding mga estudyante ang nagkukumpulan sa gilid para mapanuod ang nangyayari.

Humihiyaw pa ang mga ito at yung iba ay nagkokomento sa nagaganap.

Nginitian siya ng batang lalaki pagkatapos ay binigay sa kanya ang bondpaper.

Iniisip niya kung bakit sa dinami rami ng kulay ng rosas, itim pa talaga. 'Mukha ba kong patay?'

Alam niyang cold siya mangtrato ng tao pero hindi pa naman siya patay para bigyan ng itim na rosas.

'Pero ayos na din pala. Ang baduy kase pagpula.' Komento niya sa isip at naglakad na.

Iiwasan niya na sana ang susunod na batang lalaki na papalapit sa kanya pero hinawakan nito ang kanyang kamay dahilan upang mapahinto siya at mabasa ang nakasulat sa hawak din nitong bondpaper. "Do you have a map? 'Coz honey, I just keep getting lost in your eyes."

Tumingin siya sa bata at nakita niya ang pagkindat nito sa kanya.

Kung titignan, mukhang playboy ang batang iyon at lahat ng babae ay mukhang nakukuha niya sa ganoong galawan.

Pero iba siya, gusto niya mang kiligin pero wala.

Wala na talagang epekto sa kanya ang mga ganyang banat o porma.

'Baduy! Corny! Mais!' Sigaw niya sa isip

Katulad ng nauna, binigay din ng batang lalaki ang rosas sa kanya.

Ang pinagkaiba nga lang lumuhod muna ito bago nito ibigay sa kanya ang plastik na bulaklak.

"Ghaaaad! Ang sweet naman nila! Grabee! Sana ako nalang si ateeee! Kyaaaah! OMG! OMG! Hindi ako makahinga. Oxygen please!!" Malanding komento ng batang babae na nasa gilid niya.

Mas mukhang kinikilig pa ito kaysa sa kanya.

Agad naman siyang binatukan ng babae na mukhang kaibigan nito. "G*ga! Ang boba mo talaga! Hindi ka ba nakikinig kanina? Pinagawa lang sa kanila yan kaya hindi sila ang sweet kundi yung pinakamaster mind nito! Kyaaaah! Ang gwapo nun bebe tas astig pa syet!"

Narinig niya ang mga babaeng nag-uusap sa gilid.

Nasa gawi din sila ng mga nagkukumpulan.

'Hindi ko akalain na ganito na pala kababaw ang mga babae ngayon! Sh*t! Sa ganito lang, kinikilig na agad?! Wow.' Inirapan niya ang mga ito dahil naiinis siya sa mga inaasal ng mga ito.

'Kababaeng tao puro landi ang alam. Aba! Matindi! Dapat sa mga 'to, kinukurot sa singit!"

May sumunod ulit na batang lalaki at ipinakita nito ang hawak nitong bondpaper. "Excuse me, can you empty your pockets? Because I believe you have stolen my heart."

Patuloy pa rin niyang naririnig ang sinasabi ng lalaking nakamegaphone at tumutugma ito sa mga nakasulat sa bondpaper.

Sabay abot nito ng rosas sa kanya at nagpogi sign pa.

Napairap na lang siya at ayaw niya sanang kunin ang rosas ngunit mukha namang pipilitin talaga  nito na kunin niya.

Nakapoker face lang siya sa mga ito at sumandal sa pader.

The Girl That You Failed To KeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon