Chapter 67

59 3 1
                                    

Chapter 67

SCPU

Kung noon ay may lakas ng loob akong salubungin ang mga mata niya, ngayon ay hindi ko magawa. Dama ko ang tingin niya sa direksyon ko ngunit alam kong lampasan iyon sa likod ko.

"What the? Uwi na lang pala tayo! Damn, nakakatamad pala manood."

Tumayo si Maddie ngunit hindi ako sumunod. Nakatutok lang ang mga mata ko sa stage at hindi iyon inalis doon. "Sit down, Maddie. Hindi ako aalis."

"Pero..." nasapo niya ang noo ng makaupo. "Emotional damage 'to."

Hindi ako umimik at pinanatili ang kalmadong postura. But little did they know, my inside were already in havoc. Hindi na matigil ang malalakas na pagkabog ng dibdib ko at panginginig ng kalamnan. He was just there, so close, yet so far. At ang babae sa likod ko, kahit malayo ang pwesto ay tiyak kong malapit sa kaniya.

His grin says it all.

Ano? Pinangangalandakan niya sa akin na may bago na siya? Na kaya niyang magmahal ng iba, hindi tulad ko na nakulong na sa pagmamahal sa kaniya.

How... how can he throw those years we've been together? Parang naiintindihan ko na si Maddie kung bakit ayaw niya kay Leandro ngayon.

Kahit alam niyang nandito ako, at nasa unahan pa ng 'fiancé' niya, nakukuha niya pang ngumiti ng ganyan. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko!

Nakakabastos!

Kinuyom ko ang kamao ko. No, hindi ako aalis. This place is so dear to me. At alam kong ganon din siya dahil hindi niya tatangapin ko ang offer na maging judge kung hindi.

We both came from this University. Hindi lang siya kaya ba't ako aalis.

I will just endure this fucking pain!

Nagtuloy-tuloy ang pageant. Nasa kalagitnaan na ng modeling nang mapansin ko ang pagbubulungan ng mga head at teachers ng SCPU habang napapasulyap sa akin. Ngumiti ang isang teacher sa akin ng masalubong ko ang tingin nito. I don't remember her before kaya tiyak kong bagong guro ito. She knows me?

Nang matapos at nagsimula ang paghahanda para sa swimsuit competetion ay inabala muna ng host ang mga viewers. Nagbibiro ito sa mga judges ng biglang mabanggit ang pangalan ko. Nanlaki ang mata ko ngunit inayos din ang sarili ng tumama sa akin ang camera. My face showed on the LED screen.

"... at sobra namang nakaka-touch na makitang bumisita ang isa at kilalang former SCPU students and Council President ngayon kahit gabing-gabi na! A FMGE passer and took medical residency in Gleneagles Hospital in Singapore, Ms. Elizabeth Bailey! Grabe, ibang level pala ang mga proffesion ng mga SCPU former student. Parang gusto ko na tuloy umuwi!" Tumawa ako bilang pakikisama, kahit gusto ko ng sumimangot dahil live na live ang mukha ko sa malaking screen.

Can't they take it off? Nako-conscious ako, lalo na't alam kong nakikita niya ako.

"Ako lang ba o sadyang mga mukhang artistahin ang mga SCPUnians? From their former students to current, noh? Kita naman sa ating mga contenstant! Uuwi na talaga ako!" The people laughed again.

Nakahinga ako ng maluwag ng alisin na ang mukha ko sa screen matapos ulit akong pasalamatan ng host. Sumandal ako at pasimpleng nilinga ang pwesto ni Leandro. He was looking at the contestant darkly, and I notice his clenching jaw and balled fist. He's mad. Para saan naman? Dahil napansin ako? O dahil ayaw niyang nandito ako?

Umirap ako at nanood na lang. Hindi kaniya itong school para umalis ako at paluguran ang kung ano mang kagustuhan niya.

Nagkaroon ulit ng break kaya nagpaalam muna ako kay Maddie para mag-comfort room. Nang tumayo ako ay dama kong mainit na tingin sa aking likuran. His fiancé is looking at me.

Magugustuhan mo rin ang

          

Kilala niya kaya ako bilang ex ng fiancé niya? Definitely not. Sinong matinong lalaki ang ipapakilala sa current girl niya ang ex niya di ba? Lalo na't alam niyang may unfinished business pa kaming dalawa.

Hindi agad ako sa comfort room dumiretso. Sa may SC council office ang daang tinahak ko sa halip na sa public comfort room ng university. It was dark. Dahil malayo ito sa gym kaya hindi naabot ng mga ilaw mula doon pero bukas naman ang ibang ilaw sa first floor, ngunit sa second floor kung saan ang council office ay madilim pero dahil sensor naman ang bawat ilaw, bawat daan ko ay nabubuksan iyon. The silence was scary but the urge of wanting to visit the office gives me courage. Bago man ang mga pintura at disenyo ng bintana at pintuan, hindi iyon nakabawas sa pagpapaalala sa akin ng mga naranasan ko sa lugar na ito.

This hallway witnessed my struggle when I was in a hurry because I was late for every council meetings. Tuwing stress ako sa dami ng gawain sabayan pa ng mga project, quizes, exams at activities. Damn. Ngayon ko lang na-realize na halos na-witnessed ng hallway na ito ang emotional depression ko sa mga school problems. I chuckled and shook my head unbelievably.

Palapit na ako sa council ng matigilan at mapakurap. Pakiramdam ko'y bumalik ako sa nakaraan o, talagang nandoon talaga ako... dahil tulad ng mga estudyante pa kami, nandoon siya sa madalas niyang pwesto. Leaning back on the council office wall, one feet on it while drinking his famous soft drink. Ilang beses pa akong napakurap kung namamalikmata ba ako o ano pero... nandoon talaga siya.

I halted when he moved. Lumikot ang mata ko at nagpanic kung tutuloy ba ako o babalik na lang sa gym. Shit. Anong ginagawa niya dito? Parang hindi ko naman siya nakitang umalis kanina sa upuan niya.

Tatalikod na sana ako pero huli na dahil humarap na siya sa direksyon ko. The lights above him made him look mysterious. Hindi gaanong naiilawan ang buong mukha niya kaya hindi ko mawari kung anong ekspresyon niya. Ang bukas na ilaw lang ay ang nasa banda niya at sa itaas ko kaya napapagitan non ang dilim sa gitna.

Tumikhim ako matapos tumayo ng tuwid at taas noong naglakad sa council office. Hindi ko pinansin ang lalaking lumipat sa corridor at doon sumandal. Bahala siya, hindi naman siya yung pinunta ko dito.

Damn! Wow, self. Parang noong isang araw lang gusto mong ipaglaban ang pagmamahal mo sa kaniya, ah. Ba't ngayon parang contradicting na ang naiisip mo?

Hinawakan ko ang door knob ng office, ngunit bago ko pa yon mapihit ang nagsalita na ang nasa likod ko.

"Don't waste your time. Alam mong sarado yan ng ganitong oras."

Lumunok ako nang marinig ulit ang boses niya. After so many years, ngayon ko na lang ulit narinig iyon. His voice change. Kung noon ay medyo paos, baritono na iyon ngayon at malalim ngunit nandon pa din ang paos. Bumagay sa katawan niyang hindi gaanong kalakihan ngunit hindi din payat. His muscles are on the right places.

Lumayo ako sa pintuan, pasimpleng tumango. "Nag... nagbabakasakali lang."

"Tss. Now you know it's not open. And you're not allowed to enter inside anymore. Your rights ended long time ago."

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niyang iyon. Bakit... parang may gusto siyang ipahiwatig? Or is it just me dahil guilty ako? Dahil alam kong tugma ang sinabi niyang iyon sa sitwasyon namin ngayon. This office... symbolizes his life... which I can't ever crossed again because I lost my rights when I left him.

May I remind him, alright. I didn't left him. Kung tutuusin ako nga dapat ang magalit kasi ako iyong iniwan niya sa ere. We planned to go in Singapore together, pero dahil wala siyang tiwala sa akin, he chose not to be with me. Ni hindi nga siya nagpakita sa akin noong paalis na ako!

"I know. Hindi naman masamang sumubok ulit." Matigas na sabi ko.

"Masama kung hindi na nararapat."

Doon na nagusot ng tuluyan ang mukha ko. Confirmed. He's implying something!

Imperfectly PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon