Chapter 1

16 1 0
                                    

"Gia! Buksan mo ang pinto"
kantok ni Tine. Paniguradong mangiinis na naman sila at mangugulo sa bahay ko dahil alam nilang wala akong pasok ngayon.

Lumapit ako sa pinto at pinag-buksan silang apat na. Napakamot na lamang ako sa noo ng mag-unahan silang pumasok.

"Ano ba! Bakit ka nanunulak" sabi ni Adam Miller  na nakaturo pa kay Tine.

"Bobo ka? Ikaw nga tong nanunulak kaya natapon yung dala kong pagkain" sabi ni naman ni Celestine Lopez habang pinupulot ang mga junkfoods na nahulog.

"Ang ingay niyo!" sigaw ni Ivan Harris Rodriguez na masama ang tingin sa kanila.

"Chill lang kayo. Magluluto ako para mawala ang galit niyo." napatingin ako kay Jordan James Lim na naglalakad patungo sa kusina ko upang magluto. Sa aming lima siya ang pinaka masarap magluto. Nagtataka ng ako bakit di nalang siya ng Culinary kung masarap naman siya magluto at hilig niya to.

"Bakit ba nandito na naman kayong apat? gusto ko magpahinga." sabi ko sa kanila at na upo sa couch na pang isahan.

"Pahinga din namin ngayon Doc kaya pumunta kami dito." sabi ni Tine habang kumakain ng Lala na dala niya.

"Hay nako! Osya sige anong gagawin natin ngayon bukod sa tumunganga tayo dito?" asik ni Ivan habang nakapikit.

"Mag Bar tayo mamayang gabi!" aabay na sigaw ni Tine at Adam na nakataas pa ang dalawang kamay.

"Gusto ko yan mga pre!" Sigaw ni Jordan na galing sa kusina.

"Hindi ako sasama. Gusto ko magpahinga." sabi ko sa kanila habang hinihilot ang sintido ko.

"Ang KJ mo naman Doc. Minsan lang tayo magbar simula nung naging Doctor ka na." palungkot na sabi ni Adam.

Napalingon naman ako sa kanya habang tumatango-tango sila sa harapan ko na parang aso na nilalagay sa loob ng kotse.

"Mukha kayong aso" natatawa na sabi ko.

"Sama ng ugali mo!" sabay bato ng unan ni Ivan sakin.

"Hahahahahaha e mukha naman talaga kayong aso na tatango tango kanina" sabi ko sa kanila. Sinamaan nila ako ng tingin.

"Basta Doc sumama ka ah? Walang kj." pamimilit sakin ni Tine. Nabuntong-hininga nalamang ako at tumango sa kanila. Baka magtampo pa sila, mahirap pa naman silanh suyuin.

"Yes!" sigaw nilang tatlo na may pag aja pang nalalaman.

"Luto na ang pagkain guys! Tara na at kumain." sigaw ni Jordan.

Sabay sabay silang tatlo na tumayo at nag-uunahan na makapasok sa kusina. Napa-iling nalamang ako. Halos pitong taon na kaming magkakaibigan. Sila na ang tinuring kong pamilya. Hindi ko talaga akalain na magiging kaibiga ko sila dahil magkakaiba kami ng course at building noon.

Tumayo na ako at sumunod sa kanila dahil alam kong uubusin nila ang luto ni Jordan.

Nang matapos kami kumain, nagpresinta na si Ivan na maghugas.  Pumunta kami sa sala upang makapag pahinga.

"May dala ba kayong damit para mamaya?" tanong ko sa kanila.

"Meron kaming dala. Pinag-handaan talaga namin to Doc." sabi ni Jordan

Napatango nalang ako sa kanila habang nakatingin sa TV na binuksan ni Tine.

"Manuod tayo ng movie" ani ni Ivan.

"Sige. The Notebook panuorin natin" sabi ni Tine

Tumango kami sa napili niya. Mahilig din naman sa Romance tong malalaki kaya pumayag na sila. Pwesto sa si Adam at Ivan sa baba habang nakasandal sa sofa kung saan nakahiga si Tine na sinolo ang sofa. Si Jordan naman ay inurong ang mini table upang makahiga siya ng maayos habang ako ay nasa single sofa na nakaupo.

You'll also like

          

Na-alipungatan ako ng may marinig akong humihilik. Nakatulog pala ako, lumingon ako sa pwesto ng mga kasama ko. Natawa nalang ako sa kanilang mga pwesto. Si Tine na nasa sofa yung binti niya nasa leeg na ni Ivan habang si Adam naman yung paa niya nasa mukha ni Jordan. Natawa ako ng bumubulong bulong pa si Adam sa kamay ni Tine.

Bumangon ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako dalawang takip ng kaldero. Natatawa ako sa kalokohan na naisip ko. Nilagay ko ang phone ko sa may TV na makikita silang lahat at sinet ito sa record.

Kinuha ko ang takip at sabay na hinampas to sa isa't isa. Tawang tawa ako sa reaction nila.

"Sunog! Sunog!" sabay tayo at hila ni Adam sa kamay ni Tine.
"Aray! Punyeta!" daig ni Tine ng mahulog sa sofa.
"Si Annabelle nasa kama!" turo ni Jordan sa harap ng tv habang nanlalaki ang mata.
"Bebe kiss" sabi ni Ivan habang hinalik-halikan ang paa ni Tine.

Sinipa ni Tine si Ivan. Nanlaki ang mata niya habang hawak ang paa ni Tine.

"Yuck! Kadiri ano ba yang paa mo Tine. Akala ko si Taylor Swift na yon, paa mo lang pala" sabay tulak sa paa ni Tine na halos sumuka na siya.

"Gago ka pala! Sarap na sarap ka nga sa paa ko." asik ni Tine.

"Hahahahahahahaha! Laughtrip mga itsura niyo mga sir." tawang tawang sabi ko habang kinukuha ko ang phone upang i-istop ang record.

"Walanghiya ka Gia! Ang sarap sarap ng tulog ko!" sigaw sakin ni Adam.

"Sorry na guys! Hahahaha. Mag ayos na kayo 6pm na. Akala ko ba mag babar tayo?"
sabi ko sa kanila.

"Sige sige. Mag-aayos na kami." sabi ni Jordan na pupungas pungas pa.

Makalipas ang ilang oras ay nahanda na kami sa pagpunta sa bar. Lumabas kami ng bahay at inilock ko ang pinto. Sumakay kami sa kotse ni Jordan.

Nang-nakarating kami sa bar sabay sabay kaming bumaba. Pagpasok namin sa loob sinalubong kami ng usok at malilikot na ilaw sa loob. Umakyat kami sa taas dahil sabi kanina ni Ivan naka VIP kami. Nang-maka-akyat kami ay nagkanya kanya kaming upo. Umorder ng Tequila at JD si Adam para samin.

"Gi, nasan pala boyfriend mo?" tanong sakin ni Tine.

Oo, yes. May boyfriend ako, tatlong taon na kaming magka-relasyon. Naging kami nung grumaduate ako bilang Doctor habang siya bilang Engineer.

"Busy pa siya ngayon. May family gathering sila" sabi ko kay Tine habang ininom ang shot na inabot sakin ni Ivan.

"Baka naman nambababe na yan?" hirit ni Adam.

"Loko ka Adam! Pagiisipin mo pa si Doc!" sagot ni Jordan na nagtitimpla ng Jack Coke.

"Hindi yon. May tiwala naman ako sa kanya." sagot ko sa kanila na nakangiti.

Nagkibit balikat nalamang sila. Minsan hindi ko sila maintindihan. Minsan gusto nila ang boyfriend ko, minsan ayaw nila. Nag gulo talaga ng utak nila.

Nagkwentuhan lamang kami habang umiinom dito sa taas. Nagpapasalamat ako na di babaero ang mga kaibigan ko na lalaki. Motto nila "Di kami mananakit at manloloko ng babae dahil para na namin niloko ang nanay namin" na lagi nilang sinasabi.

Tiningnan ko si Tine sobrang ganda niya kaya bagay sa kanya ang pagiging Flight Attendant. Matangkad, matangos ang ilong, manipis na labi at curly na buhok. Mukha siyang model.

Si Ivan at Adam ay parehas Engineer. Di mo mapapansin sa kanila na matalino sila dahil loko loko silang dalawa. Sikat din silang Engineer sa kanila. Si Jordan naman ay Businessman dahil sa kanya na ipinasa ng kanyang magulang ang mga hotel at jewelry na pinamamahalaan ng magulang niya.

Samantalang ako simple lang. Hindi ko talaga maisip na magiging kaibiga ko sila, pero masaya ako na dumating sila sa buhay ko.

Hindi namin namalayan ang oras ala-una na pala. Napahaba ang catch up namin sa isa't isa. Sabagay halos isang buwan kaming di nagkita-kita.

"Guys! Cr lang ako tapos uwi na tayo." sabi ko sa kana sabay tayo. Tumango lamang sila.

Naglakad ako pababa at nakipag siksikan sa para makapasok ng cr. Pumasok ako sa comfort room, chineck ko ang isang pinto ng makita kong walang tao ay agad akong umihi. Nang matapos ako sa ay agad din ako naghugas ng kamay. Pagtapos sa cr ay lumabas ako. Patingin na lamang ako sa mga taong nagsasayawan at sa gitna.

Nangmakadaan ako sa mga nagsasayawan ay natanaw ko sila Tine na nasa baba na at hinihintay ako. Lumapit ako sa kanila tinginan ko silang nabubulungan.

"Nakita ko siya kanina, kasama niya yung babaeng yon." bulong na asik ni Jordan.

Napakunot ang noo ko. Hindi ata nila napansin na nandito ako sa likod nila.

"Sinong nakita niyo?" tanong ko sa kanila.

Lumingon sila sakin na para bang nahuli ko sila na may kinakain tapos di nila ako bibigyan.

"W-wala yon Gia. Yung crush ni Adam yon." sagot sakin ni Ivan while scratching his nape.

"Oh okay. Tara na antok na ako maaga pa ako bukas." sagot ko sa kanila.

Naglakad sila palabas, ngunit may nahigalap ako na lalaki, he's kissing the girl torridly, parang kilala ko yung lalaki ngunit binalewala ko lang baka isa sa mga ka-batch ko noon. Sumunod ako sa kanila at sumakay sa kotse ni Jordan para makauwi na kami.

Till My Heartaches EndWhere stories live. Discover now