“Speed up, Cree!” sabat ni Leon sa dalawang nag-uusap.
Mahigpit ang hawak niya sa gamot na nakabalot sa kanyang palad habang nakaupo sa backseat. Katabi niya si Vitus na wala ng ginawa kundi matulog.
He was holding the bag tightly, like his life depended on it.
Ang sayang nararamdaman ay natatabunan ng takot tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang kalagayan ng asawa niya.
Amirie. His wife. She's everything he has.
“Calm down, will you?” angil nito sa kanya na pinaharurot ang minamanehong sasakyan.
Bumuntong-hininga siya bago sumandal sa upuan. Dumapo ang tingin niya sa kalangitan.
Ang nagbabadyang pag-ulan, pangingitim ng ulap at paglutang nito sa tinuturong direksyon ng hangin. Minsan sa buhay niya'y nakakalimutan niyang magdasal at humingi ng patnubay sa Dios pero iba ngayon. Kahit ang pagluhod sa kung sinuman ay kaya niyang gawin.
Pumikit siya at tahimik na nanalangin. Kung magpapaulan man ang langit, sana kasabay ng pagsibol ng bagong umaga para sa kanila. Sa pamilyang bubuoin niya. Patungo sa hinaharap at sa susunod pang henerasyon, pangangalagaan niya ang pamilyang ito. Lalong-lalo na ang asawa niya.
Nangangalahati paman sila sa biyahe, bumagsak na ang malakas na buhos ng ulan. Ang pagbugso ng hanging nagpapahina sa kanilang takbo pabalik sa syudad.
“I will call my pilot! Magpapasundo ako sa kasunod na lungsod, Louis!” nababakasan ng matinding pag-aalala ang kanyang boses.
Out of frustration, he ran one hand through his slicked back hair, disheveling it.
Pang-ilang ulit na niya itong ginagawa. Hindi man lang humuhupa ang kabang lumulukob sa kanyang buong pagkatao. Mas lalong lumalala pa.
“That's impossible, Leon! Malakas ang ulan. Hindi kakayaning lumipad ng helicopter mo sa kung saan man. Delikado!” sumulyap si Louis mula sa shotgun seat.
Pumalatak siya. Kinakagat-kagat ang pang-ibabang labi, nakatuon pa rin ang kanyang paningin sa langit, sa paligid at mga sangang nagsasayawan dala ng malakas na hangin.
Sinipat niya ang suot na relong pambisig. It's 4 AM. Kinapa niya ang telepono mula sa kanyang bulsa at tinawagan si Manang Rosa upang kumustahin ang lagay ng asawa niya.
“Bullshit!!!” he hissed.
Kung hindi pa siya tinapik ni Vitus ay paniguradong basag na ang aparatung hawak. Hindi man lang tumutunog. Nawalan na siya ng pag-asang makontak ito nang makitang zero bar ang network signal niya.
“Tama na! Okay lang iyon. Matulog ka muna, ang bata ng asawa mo't heto ka mukhang tumanda ng ilang dekada!” He was throwing daggers at him. Gumuhit ang ngisi nito sa labi at humalukipkip.
Oblivious to his hawk-eyed friends, he rubbed his chin.
They're right.
His stubbles were bit grown, it was rough and prickly.
Tuluyan na siyang napabuga ng hangin.
“Ayan, nangangalumata ka na, pare! Mukhang lamang na lamang iyong iba!”
“Subukan lang niyang lumapit ulit sa asawa ko, pupulbusin ko iyon, V!” dumagundong kasabay ng kulog ang tawanan sa loob ng sasakyan.
Wala na siyang pakialam kung anong itsura niya. All those good looks of an Adonis boy was long gone. Ayaw na niyang balikan ang mga panahong iyon, ang yugto ng buhay niya ngayon ang pinapangarap niya. Nasa kanyang palad na ngunit pinakawalan niya pa.
BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomanceWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...