Chapter 27: Bagong Yugto

3.3K 105 21
                                    

                "WOOHOOO!!!" malakas na sigawan sa kanyang tabi at halos mabingi na siya sa mga tinis na hiyawan kabilang na ang mga kaibigan nitong si Novie at Myreen, at si Michelle. 

Sa ilang araw na lagi nilang pagsasamahan, naramdaman ni Aliyah na nahanap na niya ang mga totoong kaibigan niya. 

"GO ITONG!" malakas na pumapalakpak na sigaw ni Novie sa lalakeng sinisinta nito. Panay naman ng pagpalo ng binata sa kalabaw para lang gumalaw at humakbang, ngunit sadyang mga tamad ang mga ito, parang mga nirayumang matanda na halos ayaw igalaw ang mga binti't katawan.

Panay ang tawa ni Aliyah at ang mga kaibigan niya.

Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya tunay na masaya, at nagsasaya kabilang ng mga kaibigan.

"GO BALONG!" cheer niya naman sa isa sa mga tagapag-alaga ni Zeus ng mga kabayo nito. Kahit papano, naging kaibigan nari niya ito.

Namula si Balong o nasunog lang ito dahil sobrang init ng araw, at pawisang ngumiti sa kanya na may konting hiya pa.

Natatawa sina Novie at Mayreen na tiningnan siya.

"Baka makalimutan ni Balong na sa karerahan siya, kilig na kilig sa pagpansin mo," tawa-tawang sabi ni Myreen at tumawa siya.

"Para may inspirasyon siya," natatawang sagot niya.

Hindi naman kalayuan ang distansya kung saan ginanap ang karerahan ng kalabaw. Dahil nga alam nilang tamad itong gumalaw, kayat isang kilometro lang ang layo. 

May sampung nagkakarerahan sa malaking espasyo ng tubuhon, at ang mga tao ay nakapaligid rito. 

Parang nasa festival lang sila. Nakita niya sa kabilang grupo sina Nanay Rita kasama ang yaya niya, nanonood ng palarong pambata, ang sack race. Kasama si Biloy sa mga naglalaro. 

"Myreen!" narinig nilang tawag sa kaibigan niya at nilingon nila ito.

Si Aling Ilay, ang asawa ni Mang Dolfo.

"Aling Ilay," nginitian nila ang asawa ng celebrant. Ang lapad naman ng ngiti ng ginang saka sila nagmano sa kanya.

Isa narin iyon sa mga natutunan ni Aliyah sa paglagi niya sa San Fabian. 

Dahil kina Novie at Myreen, natuto siyang magmano. Pati ang yaya Bebang niya gulat na gulat minsan na pag-uwi niya, nagmano siya rito.

"Salamat ho sa pag-imbita, Aling Ilay," sabi naman niya sa matanda at ngumiti ito lalo.

"Ako dapat ang magpasalamat, mga ineng. Kasi sumama kayo, lalo na ikaw, Aliyah. Nalaman lang ng mga kabinatahan na pupunta, aba'y di na magkandatuto sa pagtulong," natatawang sabi ng ginang.

At kanina pa nga siya medyo naiilang sa mga atensyong nakukuha niya sa mga kabinatahan lalo na't balita na sa buong San Fabian na wala na sila ni Thunder.

Bumalong na naman ang lungkot sa kanyang dibdib pagka-alala sa lalake. Hindi na ito nagparamdam simula ng gabing iyon. At iyon narin ang huling gabing umiyak siya.

Inalis niya sa isip ang lalake ng maramdaman niyang nag-uumpisa na namang manikip ang kanyang dibdib.

"Sadyang mababait lang ho ang mga binata rito at matulungin," nahihiya namang sagot niya saka ngumiti ng matamis sa ginang.

Ilang taon lang ang agwat nila ng asawa nito ngunit parang mas matanda ito sa edad niya. Ganun yata pag sa palayan ka nagtatrabaho.

"Anong maitutulong ho namin," tanong ni Myreen.

"Kulang kami ng manlalaro," sabi nito at nagkatinginan ang tatlo.

Gusto rin niyang sumali. "Sige ho, isali niyo ako," si Myreen ng hindi tinatanong kung anong palaro sila kasama.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon