08

842 21 51
                                    

Her Point Of View.

Agad akong tumayo at nilapitan siya.

"Bakit nandito 'yan?" Masungit na tanong ni Fury.

"Nandito na pala ang poging manliligaw ni Nameis." Madi uttered.

Kumunot naman ang noo ni Fury. "Manliligaw?"

"Yes! He's courting Nameis!" It was Margaux.

"Huwag mo nang subukang umangal, sila Tita Melaine at Tito Carter nga, pumayag na." Zenna interjected.

Lalo namang kumunot ang noo ni Fury. "How come?"

"Pinapunta mo lang ata ako rito para pagselosin, eh." Falcon whispered to me.

My forehead creased. "What?" I whispered back.

"Dikit na dikit ka sa kaniya, may pa kapit pa sa braso at nakasandal pa 'yang ulo mo sa balikat niya." Hindi ko alam kung matutuwa, kikiligin o ano ako dahil nagseselos siya.

"Ganoon na talaga kami dati pa, parang Kuya ko na 'yan kaya huwag ka nang magselos diyan." Bulong ko.

I faked a cough. "Um, guys..." I started. "Si Falcon, manliligaw ko. Falcon, si Madi, Zenna, Margaux and Fury, mga kaibigan ko. Si Madi pinsan ko 'yan."

Ngumiti naman si Falcon at tumango. "Hello sa inyo, nice to meet you."

"Hi there, Falcon. Huwag mong sasaktan 'yang pinsan ko kung ayaw mong ma-meet si Lord ng maaga."

"Hi, Falcon! Love our Nameis and don't you dare hurt her if you don't want your junjun to be cut."

"Nice to meet you, Falcon. Good luck sa panliligaw mo." Si Zenna lang ata 'yong matino.

Napatawa naman si Falcon. "Huwag ka 'yong mag-alala, I won't hurt Nameis. Dahil sa oras na mangyari 'yon, ako mismo ang mananakit sa sarili ko." My face heated, habang napatili naman sila Madi and Margaux, kinikilig. Napatingin tuloy sa'min 'yong ibang costumers.

"Hoy, ano ba kayo! Nakakahiya!" Saway sa kanila ni Zenna.

Bigla namang tumayo si Fury. "Mag-usap tayo." Sabi niya at biglang umalis. Kay Falcon siya nakatigin kaya tinanguan at nginitian muna kami ni Falcon saka siya sumunod kay Fury. Susundan ko sana sila pero pinigilan ako ni Zenna.

"Boys talk, hayaan mo muna sila. Wala namang gagawing masama sa kaniya si Fury." Wika ni Zenna.

"True," Pagsang-ayon ni Margaux.

"Kinikilala lang ni Fury si Falcon." Wika ni Madi. Tumango na lang ako at umupo ulit.

Sa bagay, malabong 'di magustuhan ni Fury si Falcon, eh, halos magka-ugali naman sila.

Nilingon ko sila, umupo lang naman sila kung saan medyo malayo sa puwesto namin. Mukhang nag-uusap lang naman sila nang maayos.

Maya-maya pa ay nagtatawanan na sila habang nag-uusap. Napakurap-kurap pa 'ko, baka namamalikmata lang ako, pero hindi, nagtatawanan talaga sila. Close na agad sila?

"See, mukhang mag-tropa na agad 'yong dalawa, oh." Madi uttered.

"What if Fury is a gay? What if he likes Falcon? Omg! What if inaagawan ka ni Fury kay Falcon, Nameis?!" Parang baliw na sabi ni Margaux.

"Ano ba 'yan, Margaux? Panis na kape ba 'yang nainom mo?" Napatawa naman kami ni Madi sa sinabi ni Zenna.

Ilang saglit pa ay bumalik na sa puwesto namin sila Falcon and Fury. Iba na ang aura nila, parang akala mo matagal na silang magtropa kung mag-usap.

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now