Chapter 55 - Invitation

1.4K 51 10
                                    


Mikha's POV:

Today is Monday and it's our break, around 11am, at saktong magkakasabay ang break naming walo.

Kaya nakatambay kami ngayon sa SSC. Well, yung mga kaibigan lang ni Aiah yung nakatambay habang ang mga SSC officers at ako ay may inaasikasong papeles for the university trip. I decided na hindi lang ito basta trip but a fun activity para makahinga ang mga students sa mga studies nila.

Buti nalang at hindi na tumatambay dito ang ibang SSC officers dahil wala naman silang gagawin dito, tulad nalang ni Lloyd na mukhang manong. Ang mga position nila Gwen, Aiah, ate Colet, and Jho ang mas maraming kailangang gawin kaya sila ang madalas dito.

Ang 'L room' naman ay hindi ko pa naikkwento sa kanila except kay Aiah, 'di ko alam kung mababalikan ko pa 'yon since andito na sa SSC ang table ko.

Gwen: "Hindi pa rin ako makapaniwala kanina. Parang ibang tao yung nasa stage." Manghang usap nito.

Maloi: "Oo nga beh, napakastrict mo kanina haaa. Parang matatakot mga estudyante ng JUF pumasok dahil sa pagkaseryoso mo HAHAHA." Usap nito sa akin.

Stacey: "So true! Yung mga mukha ng mga bully kanina, kala mo natatae na ewan eh." Sambit nito na ikinatawa ng iba.

Sheena: "HAHAHAH beh ang dugyot, nakain tayo!" Sambit nito at hinampas ang isa.

Jhoanna: "Pero aminin! Ang papi kanina ni Mikhaela. Natulala pa nga yung isa dyan eh." Sambit nito habang taas-baba ang kilay habang sumang-ayon naman ang mga kasama nila.


Flashback (morning)

Dahil sa kumalat na video noong nakaraang huwebes, alam kong pag-uusapan na ito ng lahat lalo na sa university.

Gusto kong maklaro sa lahat at maihatid ang gusto kong intensyon para sa paaralan na iyon. Gusto kong maayos ang mga naging gulo ng university noong nawala ang aking ina sa kanyang puwesto.

Agad ko namang tinawagan ang Secretary ko na si Reign upang magpa-announce sa buong JUF community na magkakaroon ng biglaang assembly sa auditorium ng JUF ng alas otso ng umaga. Oras na para humarap sa lahat at maliwanagan sila.

I'm wearing a formal beige suit and my hair on a bun. Kung dati ay nakaface mask ako, ngayon hindi na. I need to be serious dahil marami akong dapat iaddress sa assembly na ito.

I'm here at the backstage waiting for the students to fill the auditorium. I also saw my friends sitting in the front row.

Mas nauna akong dumating dito kesa sa kanila dahil hindi rin nila alam kung para saan itong assembly na ito.

Reign: "Malapit na pong mapuno yung auditorium, pwede na po kayong magstart Head Master." Pormal na usap nito.

Tumango lang ako dito at dumeretso na agad sa podium. Tila natahimik naman ang lahat nang pagkalabas ko sa backstage at biglang nagsimula ang bulong-bulungan nila.

Nang makapwesto sa podium, biglang tumahimik ang lahat at naghihintay sa mga sasabihin ko.

"A pleasant morning to everyone. Siguro naman all of you already knows what my true identity is because of the video spreading on social media. Nagtataka rin kayo kung bakit isang Second year college student ang Head Master at CEO ng university na ito." I paused and look at my friends, ng mahagip nila ang tingin ko ay nagthumbs up lang ang mga ito, telling me that andito lang sila sa likod ko.

The President's DaughterWhere stories live. Discover now