HER POV
Dahil maagang umalis si Elysha para pumunta sa DPC ay ako na lang mag-isa ang naiwan sa bahay. Since I don't have anything to do, I've decided to buy some stocks in the kitchen. Sa minimart na lang ako pumunta para mamili. I bought fruits and vegatables dahil mahilig siya mag-gawa ng mga fruitshakes. Cartons of fresh milk for me, dahil nga hindi naman ako nag-ka-kape. Si Ely ang mahilig do'n, but may mga stocks siya na kape do'n sa pantry. I bought chips and other food na pwedeng makain sa tuwing mag mo-movie marathon kami.
Hindi na ako bumili ng pork, chicken and fish dahil may mga stock pa siya nu'n sa ref. Madalas din naman kami kumakain sa labas kaya hindi marami ang nababawas sa stock niya.
Aside from foods, I also bought some essential facial products for me. And lastly, I bought peeler. Puro kutsilyo kasi ang andoon kina Ely dahil mas sanay siya mag-balat ng kung ano-ano gamit ang kutsilyo. Then as for me, mas convenient sa'kin ang peeler.
Nang ma-check ko na lahat ng nasa notes ko at masigurado kong kumpleto na lahat ay dinala ko na 'yon lahat sa counter at binayaran na. Good thing I have extra savings on my account kaya 'yon ang ginamit ko.
"Ma'am, ikakahon po ba 'to?" Tanong ng cashier sa'kin. Naka-lagay sa tatlong plastic bags ang mga binili ko kaya siguro tinatanong niya 'kung ikakahon daw ba 'yon.
"Plastic bags na lang po." Sagot ko at tinanguan ako nung cashier. Mas okay na sa'kin mag-bitbit ng mga plastic bags kaysa kahon na yayakapin ko pa.
Meron pa siyang kung ano-anong in-offer sa'kin na card, hindi ko naman maintindihan kung ano'ng purpose no'n at para saan 'yon. Nakatuon lang ang tingin ko sa pigura ng isang lalaki na naka-tingin sa'kin mula sa malayo.
Puro itim ang suot niya at may suot pa siyang itim na cap. He's also wearing a shades pero nang makita niya 'kong nakatingin sa kaniya ay inalis niya 'yon at sinabit sa suot niya.
And that's when I saw his face and recognized him.
"Gabriel.." Munting nasabi ko na lang.
He smirked and raised his right hand then waved at me.
Dali-dali kong kinuha ang mga pinamili ko nang matapos ibigay sa'kin ang resibo ng mga pinamili ko. Halos lakad-patakbo ang gawin ko para lang hindi niya ako maabutan. I'm sure that he'll follow me.
Nang makalabas ako ng minimart ay halos mapalundag ako sa gulat nang makita ko siya sa harapan ko.
"Shortcut." Tipid na sabi nito na para bang nababasa ang nasa isip ko.
Binilisan ko na nga 'yung lakad ko e! Malay ko bang may shortcut pala rito.
No, don't mind him. He'll just ruin your day. Bulong ko pa sa sarili ko. Isang mahaba at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
I just shook my head and turned around, I was about to take another step when he grabbed my arm and made me face him.
"Bakit mo ba 'ko iniiwasan?"
"I'm not avoiding you." Matigas kong sabi at pilit na binabawi ang braso ko sa kaniya.
"Really? E, bakit ni ayaw mo 'kong tingnan?"
"Look.. I'm not avoiding you. I just don't wanna see you. Magkaiba 'yon, okay?"
He scoffed and let go of my arm. Akala ko aalis na siya sa harapan ko pero nag-salita pa siya. "Umuwi ka na sa mansyon."
Mapakla naman akong natawa dahil ro'n. "What the heck, man? Aso ba 'ko sa paningin mo na pwede mong pauwiin na lang kung kailan mo gusto?"
"No.. I didn't mean it that way.." He tsked and scratched his hair. Sorang-sora na siguro sa'kin. Pero wala naman akong paki-elam. Masora hanggang kamatayan niya.
BINABASA MO ANG
Fourth of July
General Fiction"If loving you is a crime, then I'll be your primary suspect." - Gabriel Keilev Coronado.