Part 33

368 27 20
                                    

After ng yakapan namin ni Irene ay pumasok ulit kami sa kwarto ni Bong..

Pag pasok ko pa lang ay agad na akong tiningnan ng masama ni Bong, na para bang nagtataka sya kung bakit ako nandito..

"Irene sino ba yang kasama mo? Friend mo ba sya?" bungad na tanong ni Bong

"Her name is Sara kuya she's your wife.." deritsang sagot ni Irene

Lumapit naman ako ky Bong at hinawakan ang kanyang kamay..

" love please wag ka namang mag biro ng ganito.. I'm Sara your wife im so sorry kung nasakatan kita ng sobra, pero di naman siguro sapat na dahilan yun para kalimutan mo kung anong meron tayo.." sabi ko sa kanya habang umaagos ang luha sa aking mga mata

Agad nyang tinggal ang pagkakahawak ko sa mga kamay nya..

" Don't call me love bcoz your not my wife, baka pag narinig ka nya magalit pa yun.. Selosa pa naman sya baka mag away pa kami dahil sayo.."

"Dawn is not your wife she's just your bestfriend Bong, please maniwala ka naman sakin mahal.."

"Hey! I told stop calling me mahal or love, magagalit ang asawa ko.. At isa lang ang babaeng mahal ko at si Dawn yun hindi ikaw.. Kaya umalis kana dito hindi kita kylangan at wag na wag ka ng babalik pa.." galit na sigaw ni Bong sakin

Nagulat ako sa ugaling pinakita nya his not the Bong I know, para syang ibang tao..

I wiped my tears and talk to him again..

" Sige aalis ako.. Pero sana mahanap mo ako dyan sa puso mo Bong, sana ipaalala sayo ng puso mo yung mga masasayang alala natin.. For now aalis ako para gumaling ka lang, I won't force you to remember me and when the time comes na ako na ulit ang laman ng puso at isip mo tandaan mo lang Bong maghihintay ako sayo..

Again Im sorry for hurting and sorry bcoz I didn't listen to your explanations, sorry for not trusting you..

Kaya kung magpaubaya ngayon para sayo kung yan ang gusto mo, basta lagi mo lang tatandaan may Sara na naghihintay sayo..

Mahal na mahal kita Bong.. "

After ng sinabi ko ay nagpaalam na ako ky Mama Meldy at Irene..

Bago pa man ako makalabas ng pinto ay nagsalita ulit si Bong..

" You don't have to wait for me.. Alam kung si Dawn lang ang mahal ko at wala ng iba.. "

Hindi ko na nilingon si Bong dahil baka mag breakdown lang ako sa harap nya..

Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad hangang sa makarating ako sa sasakyan ko, pag pasok ko sa kotse ay doon ko na binuhos ang lahat ng luha ko kanina pa walang tigil sa pag agos..

"Bakit naman ganito ka sakit.. Sobrang sakit na marinig mismo sa asawa mo na hindi ka nya maalala at higit sa lahat yung babaeng sumira ng relasyon nyo ay sya pala ang maalala ng asawa mo..

Is karma playing shit on me? Ito ba yung kapalit ng magandang resulta ng trabaho ko? Habang inaayos ko yung mga kriminal at terrorista na sumira sa bayan, ay di na mamalayan na yung relasyon pala naming mag asawa ang masisira.. "

Patuloy lang ako sa pag iyak habang nagmamaneho, kanina ko pa din iniisip kung paano sasabihin sa mga anak namin na nagising na ang daddy nila pero hindi man lang sila maalala nito..

Pagdating ko ng bahay ay sinilip ko muna ang mga bata sa kwarto nila, isa-isa ko silang hinalikan at tsaka lumabas sa kanilang kwarto..

Pagpasok ko sa kwarto namin ni Bong bigla kung naalala ang mga masasayang alala namin, yung mga lambingan namin, kulitan at higit sa lahat yung matutulog ako na sya ang nakikita ko at gigising ako na sya rin ang una kung makikita..

          

Nag tungo na lang ako sa sa banyo para mag shower, pero ganon din ang nangyari si Bong pa rin ang nakikita ko..

I always remember our intimate scene sa shower and all over our room..

Habang nasa shower ako ay patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko, napaupo naman ako at niyakap ko ang mga tuhod ko habang patuloy sa pag hahagulgol..

Halos isang oras akong nasa shower para lang mabawasan ang sakit pero wala talaga, ganon pa rin..

Pagkatapos kung mag shower ay natulog na rin ako..

-----

10am

Nagising ako dahil sa ingay ng telepono ko kaya agad ko itong kinuha habang naka pikit ang isang mata..

Win calling...

Hoy! Sara nasaan kana?

Nasa bahay bakit ba!!

Anong bakit ba? May cabinet meeting tayong ngayon 11am..

Zoom na lang ako..

Zoom zoomin ko yan mukha mo dyan! Bumangon ka na!! Hindi pwedeng wala ka dito dahil about sa National Security ang main topic natin ngayon!!

Masama pakiramdam ko Win please zoom na lang ako..

HINDI!! Pag di ka dumating bago mag 11am dito sa palasyo ipapa sundo kita ng tanke de gyera!

Baliw ka ba? Masama nga pakiramdam ko..

Sara I'm not commanding you as a friend.. I'm commanding you as The President and as your commander in Chief!!! Kaya bumangon kana dyan at hihintayin ka namin!!! Bye!!!

Win nam--

Call ended...

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang patayin ang tawag..


"bwesit!" sambit ko at nagtungo na sa banyo para maligo


Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba na ako, mabuti na lang at nasa school na ang mga bata para hindi na nila ako matanong tungkol sa daddy nila..

Nag tungo na ako sa palasyo para sa cabinet meeting namin ngayon, mapilit kasi si Win kahit ayaw ko wala akong magagawa..

Pagdating ko ay nag umpisa na rin ang meeting halos 5hrs kaming nasa meeting, after ng meeting ay umalis na rin ako agad para pumunta sa hospital..

Nagdala ako ng mga prutas para ky Bong..

Nang makarating ako sa hospital ay mabilis akong nag tungo sa kwarto ni Bong, pag bukas ko ng pinto magandang tanawin naman ang bumungad sakin..


Kumakain si Bong at sinusubuan sya ni Dawn.. Oh di ba perfect view..

Mabuti na lang at nandoon si Manang kaya hindi masyadong awkward..

"What are you doing here?" bungad na tanong ni Bong sa akin


"Dinalhan lang kita ng mga prutas at ilang damit mo.." sagot ko sabay pakita ng mga dala ko


Hindi naman sya sumagot at patuloy lang sa pagkain at nagtatawan pa sila ni Dawn habang sinusubuan sya nito..

"Sara okay ka lang ba?" mahinang tanong ni Manang tumango naman ako sa kanya

"Oo naman Manang ako pa... Kelan nga pala dumating yang si Dawn?" sagot ko sa kanya

" Kanina lang.. Pinilit kasi ako ni Bong na tawagam sya kahit ayaw ko, kasi alam kung masasaktan ka pag nakita mo sila.." tugon naman ni Manang

"aaminin ko Manang masakit, pero hindi ko pwedeng ipilit ang gusto ko dahil baka makasama pa ky Bong, kung yan ang gusto nya pagbibigyan ko sya..

Tatanggapin ko kahit gaano man kasakit Manang, kung makakatulong naman si Dawn para bumalik ang alala ni Bong kakayanin ko kahit sobrang sakit.. " paliwanag ko ky Manang at di ko naman napigilang maiyak


Pinagmamasadan ko lang silang dalawa habang masayang nag kukwentuhan, pagkatapos kumain ni Bong ay lumapit naman si Dawn sa akin..

" Sara can we talk outside? " tanong nya tumango lang ako at lumabas muna kami ng kwarto ni Bong

"so what you want?" tanong ko

"Sara ano bang nagyari? Hindi ko maintindihan.."

"Bong has selective amnesia, he forgot all our memories together.."

"ahh.. Kaya pala kanina nya pa sinasabi na ako dw asawa nya.."

" yeah sabi nya rin kahapon.. Tell me nag usap ba kayo bago sya maaksidente?"

"oo. Nag punta sya sa condo ko, we had a confrontation at inamin ko sa kanya ang tungkol sa nagawa ko.. After that umalis na rin sya.. Bakit?"

"sabi kasi ng doktor baka kaya ka naalala ni Bong kasi baka nag kita kayo bago nangyari yung car accident nya.."

" ahm yeah.. Im sorry Sara.. I know nangako ako na hindi ko na kayo guguluhin but Manang called me kaya nandito ako.."


"actually about that.. Gusto ko tulungan mo ko na maalala ako at ang mga anak namin ni Bong.. Hindi ko pa nasasabi sa mga bata ang sitwasyon ni Bong ngayon dahil alam kung masasaktan sila ng sobra.."


"sa totoo lang Sara kanina ko pa sinasabi sa kanya na hindi kami mag asawa, pero mapilit cya sabi naman ni Manang sakyan ko nalang dw.."

"Please Dawn help me na maalala kami ni Bonget, papayag ako na sayo muna sya titira pero sana payagan mo ko na bisitahin sya.."

"sigurado ka bang sakin mo sya gustong tumira? Paano nya kayo maalala kung sakin sya titira?"

"ito lang yung naisip kung paraan para hindi masaktan ang mga anak namin, bahala na kung ako ang masaktan wag lang ang mga anak ko..

Pero sana naman Dawn walang mangyari na hindi ko magugustuhan.."

"okay sige kung yan ang gusto mo.. I promise wala iiwasan ko kapag nagpumilit sya.. Nakapag move on na ako ky Bong sa totoo lang may boyfriend nako ngayon, ipapaliwanag ko nalang ky Anton ang sitwasyon ni Bong..

Im sure he will understand.. Wag kang mag alala Sara tutulungan kita na maalala ka ni Bong kayo ng mga anak nyo.."


" maraming salamat Dawn.. Masama man ang una nating tagpo pero sana ito yung simula ng pagkakaibigan natin.. "

" Walang ano man Sara gagawin ko 'to para sa mga anak nyo, naawa din ako sa mga bata I can't imagine how they feel pag nalaman nila' to.. So we're friends now?"


" Friends.. " maikli kung sagot at niyakap nya naman ako

" I have to go Dawn may Drug raid pa kami.. " paalam ko sa kanya at nag lakad papalayo

" Sana nga Dawn matulungan mo ako na maibalik ang alala ni Bong"

You &  I FOREVER (Book 2 of Im Yours) Where stories live. Discover now