When Do You Tell Me That You Love Me?

32 4 0
                                    

Chapter 3

          Nanatili pa ring nakatayo sa  may pintoan ng kanilang classroom sina Aliah at Tine habang hinihintay si Miss Madrigal.
        
         DISMISSED na ang klase ng grade ten section A. Nagsi-uwian na ang mga mag-aaral dito, pero naiwan ang mga sweepers para maglinis ng classroom.
          Naroon pa din ang lalakeng walang ginawa kundi ang panoorin at titigan si Tine mula pa kanina. Nakatayo ito sa may bintana at paharap sa kinaroroonan nila ni Aliah. He's still staring at him.
         Sa inis ay nakasimangot na nakipagtitigan siya (si Tine) dito.
        That boy is blushing, hindi ito mapakali, parang nababalisa. Naroong magbawi ito ng paningin, naroong gusto nitong salubungin ang kanyang paningin.
        Maya-maya'y may dalawang lalakeng mag-aaral din ang mula sa labas ng classroom na papalapit dito.
       "Wat, Hoy! Ano pang ginagawa mo rito?" Tanong ng Boy 1, habang papalapit rito.
        Kaagad naman itong napalingon sa may ari ng tanong na iyon.
        "Hindi ka pa ba uuwi?" Boy 2 asked.
       Kaagad namang niligpit nito ang kagamitan. May nahulog na isang bond paper sa sahig. Kaagad iyong dinmpot ni boy 1. "Ano 'to?"
         "Hoy! 'Wag mong pakialaman 'yan!" Inaagaw nito kay boy 1 ang Bond paper na iyon.
         "Teka, sandali!" Inangat ng kanang kamay ni Boy 1 ang bond paper habang pinipigilan ng kaliwang kamay, ang mga kamay nitong pilit inaabot iyon.
         Mula sa kanang kamay ni Boy 1,  hinablot iyon ni Boy 2.  Itinaas iyon at binuklat. Isang napakagandang drawing ang nasa bond paper na iyon. Parang isang portrait painting na nga iyon dahil sa ganda.
        "Wow! Sino yan?" Tanong ni Boy 1 na ang tinutukoy ayvang isang lalake na nasa drawing.
        "Ano ba?!" Akin na nga 'yan!" Pagpupumiglas ni Wat sa pagkakahawak ni Boy1, upang  agawin kay boy 2 ang drawing.
        "Napaka cute naman ng model!" Boy 2 said.
         "Oo nga! Sino 'yan?" Boy 1 asked.
         Wala sa loob na napalingon si Sarawat sa kinaroonan nina Tine. Napasunod naman dito ng tingin ang dalawang boy.
         "Owww!" Napatango-tangong sambit ng dalawa at nag tinginan.
          "Siya pala!" Nakangising sabi ni Boy 1.
          "Unfairness, kuhang-kuha!" Boy 2.
         Binaling naman kaagad ni Wat ang atensyon sa dalawang makukulit na kaibigan.
         "Akin na nga sabi 'yan!" Hinablot nito ang drawing ngunit kaagad namang nailayo iyon ni boy 2.  Kaya hindi nito naabot.
        "Bakit mo s'ya idrinowing? Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni boy1.
        "Paki-alam n'yo ba?!" Singhal nito sa dalawang kaibigan.
         "Hmmm I smell something's fishy!" Ngising-ngisi na panunudyo ni boy 1.
         Nakangisi rin si boy 2 at mabilis nagtungo sa unahang bahagi ng bintana, sa may bandang blackboard.
        "Ssssttt! Ssstt!" Sut-sot ni Boy 2 kina Tine at Aliah.
        Napalingon naman sila dito.
       Ipinakita ni Boy 2 ang hawak na drawing.
        "Hoy, tigilan mo yan!" Saway ni Sarawat kay boy 2 habang nagpupumiglas sa pagkakahawak dito ni boy 1.
        "Baby girl!" Tawag ni boy 2 kay Aliah.
         "Huh! Ako?" Takang tanong ni Aliah habang tinuturo ang sarili.
        "Oo! Halika, pakibigay nito d'yan sa kasama mo!" Boy 2.
        "Bakit ako pa? Bakit hindi mo na lang ibigay sa kanya ng diretso?" Sagot tanong ni Aliah.
        "Ano bang ginagawa mo?" Si Sarawat na nakawala sa pagkakahawak ni Boy 1, at kaagad nakalapit kay boy 2.
        "Baby girl, kunin mo na bilis!" Tawag muli ni Boy 2 kay Aliah na inilabas ang kamay sa bintana at iniabot ang hawak na drawing.
         "Tumigil ka nga! Akin na 'yan! " Pilit inaabot ni Sarawat ang drawing sa kamay ni Boy 2 na nasa labas ng bintana.
          Nakalapit na rin sa dalawa si boy 1, at nakipag-agawan din ito. "Akin na, akong hahawak," sabi nito kay boy 2.
          Nang ipinasa iyon ni boy 2 kay boy 1,  nabitawan nila ang drawing ng hindi sinasadya, nahulog ito sa labas ng bintana, at lumotang ito sa hangin at dahan-dahang tinangay patungong bakuran, sa pagitan ng kanikanilang classroom, at dahan dahang bumabagsak pababa patungong lubak ng sementadong bakuran. Bumagsak iyon sa lubak ng bakuran na puno ng tubig ulan, dahil sa malakas na ulan kaninang tanghali.
        "Mga gago, kayo!" Ginawaran ni Sarawat ng tig-iisang malakas na batok sa ulo ang dalawa at kaagad tumakbo papalabas ng pinto ng room.
         Habang  Kunot ang noo na pinagmasdan  ni Tine ang pinaggagawa ng tatlong lalakeng ito. Napailing na lang siya ng hindi na makita si Sarawat.
        "Aliah!" Tawag niya sa kaklase na mukhang natulala.
Hindi niya tiyak kung dahil sa mga nakitang pinaggagawa ng tatlong lalake sa tapat na room, o dahil nag iilusyon na naman ito sa teacher na iyon.
         "Huh?!" Pakurap kurap na sambit nito at tumingin sa kanya. "Yes?"
         "Sa palagay mo ba darating pa kaya si Ma'am Madrigal?"
         "Hmmm, ewan!" Kibit balikat na sagot nito.
         "Hindi na siguro darating 'yon," Tumalikod siya at humakbang papasok sa loob ng kanilang classroom. "Umuwi na tayo, kukunin ko lang gamit ko."
        Sinundan lang siya ng tingin ni Aliah.
        Pagkakuha niya ng kanyang gamit ay kaagad na siyang humakbang papalabas ng pinto kung saan naroon pa rin si Aliah nakatayo.
         Pagkalabas ng pinto, nakita niya ang tumatakbong si Sarawat, tumatakbo ito patungo sa kinaroroonan ng bond paper na may drawing. Napahinto s'ya, hindi n'ya alam kung bakit parang may nag ugyok sa kanyang pagmasdan ito.
         Pinulot nito ang drawing na nakalutang sa tubig ulan mula sa lubak ng bakuran. Hindi naman iyon napunit, dahil parang tumibay ang bond paper dahil sa mga crayons na ikinulay sa drawing nito.
         Tahimik naman ang dalawang boy na nasa bintana pa rin sa loob ng room. Natahimik ang mga ito habang pinagmasdan ang kaibigan na nanghihinayang sa drawing nito. Nagkatinginan ang dalawa na parang nakunsinsya sa nagawa.
        Lumapit sa bintana si Sarawat, sa kinaroroonan ng dalawa, habang bitbit nito ang basang obra.  "Kita n'yo ang ginawa n'yo? Pinaghirapan ko 'to!"  Makikita sa mukha nito ang lungkot.
          Hindi makaimik ang dalawa. Mukhang nalungkot din sa nangyari.
         "Mga walang kwentang kaibigan!" Usal nito na kinuyumos ang hawak na drawing. At inilagay sa basurahan.
          Malungkot ang mukhang tinapunan siya (si Tine) ng tingin. At sa pagkakataong ito, siya naman ang naratnan nitong nakatingin dito. Pero hindi naman siya nakaramdam ng pagkapahiya. Bagkos ito pa nga ang nagblush ng magtama na naman ang kanilang paningin.
          Nagbawi kaagad ito ng paningin, bumuntong hininga at malungkot na humakbang na pabalik sa classroom nito upang kunin ang gamit para umuwi.
         "Oh, Aliah!" Baling niya sa babae na mukhang tulala na naman. "Hindi ka pa ba uuwi?"
         "Ay! Uuwi na, sandali kukunin ko lang gamit ko.
         Hinintay n'ya ito. At sabay na silang naglakad patungong gate.
         Pagkakuha naman ni  Sarawat ng kanyang kagamitan, lumabas na rin siya ng classroom at naglakad na rin patungong gate, habang nakasunod dito ang dalawang kaibigan na walang imik.
         Natanaw pa ni Sarawat ang nag-lalakad na sina Tine at Aliah, nag tatawanan habang nag- uusap.
         "Kilala mo ba 'yong tatlo?" Tanong ni Tine kay Aliah.
          "Oo, bakit?"
          "Wala curious lang, mukhang mga baliw kasi."
          "Ah! Ganun lang talaga ang mga iyon. Si Manuel o mas kilala bilang si Man, 'yong  humawak sa may-ari ng drawing. Si Boss naman 'yong tumawag sa'kin na Baby girl. At Crush ko kaya 'yong isa doon, si Sarawat 'yong may ari no'ng drawing."
          "Crush na naman? Ang dami mo namang crush, hindi ka na mauubusan ng  mga crush."
          Natawa si Aliah. "Syempre may nangunguna naman sa kanila. May first, second, third, forth, fith..."
         "Puro ka talaga kalokohan."
          "Hehehe! Basta ganon 'yon. At syempre number one talaga si Sir!" Kinikilig na naman ang babae.
        "Sino naman 'yong pangalawa?"
         "Si Sarawat, hehehe! Actually siya yong first bago dumating si Sir." Tumawa na naman ito.
         "Ikaw talagang babae ka," napailing na lang siyang napatingin dito.
        
        
To be continue...

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon