Cupid's Decision

27 1 0
                                    

Bakit kasi ang bitter ng mundo?

-----
Psyche's POV

"Ano na? Dali na Kupido... ang tagal..." Eh kasi naman kanina pa niya binabasa 'yung mga data eh gusto ko ng malaman kung anong gagawin niya sa mga nabiktima ng katangahan ko... Oh yeah... ganun na nga.

"Mainipin ka talaga eh nu? Tss. Oh ayan..." Inilapag niya sa lamesa ang mga papeles.

"Yung tatlo sa Pilipinas ang lokasyon, 'yung isa sa Korea tapos 'yung isa naman sa Los Angeles." Umupo siya sa tapat ko habang abala ako sa pagbabasa...

"Eh paano na yan? 'Diba sabi mo kailangan nilang magsama-sama? Ang layo ng dalawa oh..." Kinakabahan ako sa gagawin ni Kupido eh. Legal ba 'yun? Iibahin mo 'yung tadhana ng tao? Shocks!

"Leave that to me..." Tumayo siya at kinuha niya 'yung iPad. Wag na kayong magtaka. Marunong din naman kaming makisabay sa uso eh...

"Tignan mo 'to. It shows that 'yung mga magulang ng nasa L.A are pure Filipinos. In Korea, he's half Filipino. All I have to do is give them a reason to stay or go back in the Philippines." He said while scrolling down...

"Oh no... don't tell me..." Pinanlakihan ko siya ng mata...

"Hoy Kupido! Ano na naman bang masama ang iniisip mo ha?" Binatukan ko siya kaya napa-aray naman siya. He looked at me sharply pero pinanliksikan ko din siya.

"I'm just doing what's best..."

"Pero..."

"Psyche!" Nagulat ako 'nung sitahin niya ko. Arrrrhhh!!! Puso! Muntikan ka ng magulog...

"Ok... ok... I'm sorry... hindi ko naman kasi alam eh. Hindi ko naman kasi alam na ganun kalaki 'yung kasalanan ko." Naiiyak na ko... Kainis!

I heard him heaved a sigh... "Sorry kung napagtaasan kita ng boses mahal ko... pero kailangan eh. Hindi to madali pero wala ng ibang paraan. See this?" Pinakita niya sa'kin 'yung isang file na tungkol sa tamaan ng pana niya na nasa Korea.

"The only reason why this man is in Korea is because of his wife. I checked his records, pati na din 'yung asawa niya. No wedding unless hindi sila titira sa Korea... But the main business of the man e nasa Pilipinas. So I decided to just..." Hindi ko na pinatuloy kung ano pa man ang sasabihin niya. I hugged him. I know mahirap para sa kanya to... Naman kasi!

"Eh paano 'yung nasa L.A?"

"Both of them are Filipinos. Nasa Pilipinas din ang business ng mag-asawa. If their business is in trouble wala silang magagawa kundi ang bumalik sa Pilipinas. Looks like all of them ay manggagaling sa marangyang pamilya. Bad hit my love." Ginulo niya ang buhok ko then he chuckled... Naiinis ako at kinakabahan na't pero tong kasama ko parang wala lang... Well nagagalit siya tiaka feel ko din 'yung bigat ng nararamdaman niya pero chill... relax lang siya...

"So paano sila magsasama-sama?" I asked habang inaayos ang buhok kong ginulo niy kanina.

"Mag-aaral sila sa iisang eskwelahan in the age of 10."

"Speaking of age... gusto kong malaman kung sino ang una at huli sa mga nabiktima ng katangahan ko."

"Hmm... nabiktima ng katangahan?" Kumunot ang noo niya...

"Oh... I mean kalokohan?" I smiled na parang basta. Nakangiwi?

"Tss... 'yung una, he is already 2 months old. Born on January 3. 'Yung nasa L.A. which is this day, April 12. 'Yung pangatlo, he will be born on June 23. The fourth one which is in Korea, will be born on Oct. 5 at 'yung huli, maipapanganak siya sa ikadalawang araw ng disyembre." Nangyari lang kanina tapos heto, ang dami na niyang nakuhang impormasyon. Gods really?

"You know their names na ba?" Out of nowhere kong natanong. Tinignan niya ako na parang sinasabi niya na anong klaseng tanong yan? Eh sorry naman. Interesado ako sa kanila e.

"I mean... 'di ba 'pag ganun may naisip ng names ang mga parents nila?" Parang sira na naman akong ngumingiti. Alam niyo sa tagal na nagsasama kami, hindi pa din ako sanay sa kanya. Parang kasi he's there, yes. Yet he's like far away. Job duties, ano pa ba?

"Ano bang gusto mong mga pangalan nila?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Oh my!!

"Seryoso?" I even got up from my seat. He nodded with a smile in his face...

"Yieeeeee..." I ran up to him, seated in his lap and hugged him sabay sabing, "Thank you... thank you... thank you..." Narinig ko lang siyang tumawa ng mahina. That's what I love about My Kupido... The way he laugh.

"Okay... so ganito, 'yung una I want his name to be Ace." He curiously looked at me.

"Ano? Eh gusto ko unique." Hindi siya nagsalita so means ok lang sa kanya.

"Yung pangalawa naman, gusto ko Light... hep!" Pinigilan ko siya kasi alam kong itatanung na namn niya kung bakit.

"Patapusin mo muna ako... ok?" He nodded, again. Sanay na ako.

"Gusto ko Light kasi, this day una niyang nakita ang liwanag ng mundo. So Light." Tumingin na naman siya ng nagtataka.

"Basta ganun 'yun. Tapos 'yung pangatlo, since may Ace na sa grupo, gusto ko din may Zero."

"For a beautiful lady like you, ang weird mong magpangalan." He commented.

"Wow ah! Hindi weird. Unique ang tawag 'nun nu."

"Fine fine. Eh 'yung pang-apat?" He asked.

"Hmm... We'll call him Chase." I said at taas baba pa ang mga kilay ko while smiling.

"Chase? As in habol?" Ayan na naman siya.

"Oo."

"Ha?"

"Hello? He is a half Korean dude... maraming magkakandarapa sa kanya like my L... haayy..." I acted like I dreamt.

" Who's L?"

"Duh? He is a Korean Singer from a band called Infinite. Sobrang sikat kaya sila." I explained.

"You're watching mundane stuff?" He arched his eyebrow.

"Oo... gaganda kaya."

"Psh!"

"Tao din naman ako dati nu."

"Oo na... 'yung huli?"

"Sketch!" Bigla kong nasabi.

"Why Sketch?"

"Feel ko eh." I heard him heaved a sigh. Ano ba kasing problema sa mga pangalan na napili ko? Ang gaganda kaya.

"Sige na 'yun na." Yey! Niyakap ko na naman siya. He went to the cloud computer to type it. Iibahin na nga lang ang tadhana nila eh bakit hindi ko pa sagadin di ba? Hindi basta basta dumarating ang ganitong opportunity.

Suddenly, a mail that has wings appeared. His uncle's mail, Hermes. It landed at Kupido's palm. "Ano yan?" I asked.

"Zeus wants to talk to us." He seriously said.

"Did he?..." Shocks! Kinakabahan na naman ako.

"Yeah..." He shrugged. Aahhhhhhh... I'm dead... doom!

I Love You To Death (Continued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon