07

11 1 0
                                    

Habang hinihintay kong maluto ang pagkain namin ay tumunog bigla ang ponograpo. Pumasok ang lalaki sa kusina at walang pasabing hinawakan ang kamay ko saka ako inikot.

Humagikgik ako at sunod na inilapat ang kamay ko sa kaniyang didbib—malapit sa kaniyang puso, at saka ko hinawakan ang isang kamay niya. Ang isang kamay naman niya ay bahagyang yumakap sa akin. Dahan-dahan ang pag-indayog ng aming katawan kasabay ng malamyos na tugtugin. Isang kantang napaka-espesyal sa akin sapagkat iyon ang paborito namin ng aking ina. Million Miles Away by Joey Albert.

Tumunog na ang timer ng oven subalit ayaw pa rin akong bitiwan ng lalaki. Napahiwalay lang kami sa isa't isa nang marinig ang boses ni Manang Magda.

"Jusmiyo! Ikaw, bata ka! Nagdadala ka ng lalaki rito, hindi ka nagpapaalam," panenermon ng matanda. "Alam ba ng mga magulang mo na nakikipagnobyo ka na?!"

"Manang!" I shouted before holding her arm and calm her first. "Hindi ko po siya nobyo," mahinang ikako sa kaniya.

"Ano 'ka mo?" kunot-noong tanong niya kaya inulit ko ang sinabi ko. "Kung hindi, ano mo siya? Manliligaw?"

Kinagat ko ang labi ko at saka ako umiling. "Ano?! Hindi rin?!" bulalas pa ni Manang. "Hindi kayo magkaanu-ano pero kung makayapos kayo sa isa't isa—"

"Manang, siya ho si Pierre, kaibigan ko," pagsabat ko na.

Bumuntong hininga siya at lumapit kay Pierre saka niya siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa, animo'y kinikilatis niya itong maigi sapagkat inamoy pa niya ang braso, kamay, at buhok nito. Pagkatapos ay tinitigan niya pa ang mukha nito saka siya bumaling sa akin. Nahihiya na lang akong ngumiti sa lalaki.

"Ang bango at gandang lalaki. Saan mo napulot 'tong ombre mo?" kunwaring pabulong niyang tanong sa akin.

"Sa seaside po," simpleng tugon ko.

"Ano 'yang iniinit ninyo?" tanong na lang ni Manang. Lumapit siya sa countertop at tiningnan ang nasa loob ng oven.

"Pierre, si Manang Magda. Siya ang may-ari nitong apartment na nirerentahan ko," aniko sa lalaki na nginitian lang ako.

"Hay naku! Iyan lang ang ipapakain mo sa bisita mo? Hali kayo rito. Marami akong niluto," usal ni Manang sabay hawak sa palapulsuhan namin saka kami hinatak papunta sa bahay niya.

Wala na rin kaming nagawa nang ipinaupo niya kami sa tapat ng napakaraming pagkain. Napasinghap ako't napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa dingding. Kaarawan ni Manang at batid kong hindi na naman dumating ang mga anak niya. Ganoon din kasi noong bagong lipat ako rito.

We happily eat the foods and chitchat with Manang Magda so she will at least feel happy on her birthday.

"Para talaga kayong may something," komento bigla ni Manang Magda habang may ibinubulong si Pierre sa akin, dahilan para mag-init ang pisngi ko. "Bakit hindi na lang kayo? Kahit iyon na lang ang regalo ninyo sa akin."

"Ala! Si Manang, parang ewan," agarang tugon ko sabay inom ng tubig upang hindi nila mapansin ang pagngisi ko.

"Birthday n'yo ho? Happy birthday po!" sambit ni Pierre na kinakain na 'yong cake ni Manang.

"Salamat! Buti pa kayo!" Tumawa ang matanda. Tawa nang pinaghalong poot at saya dulot ng mga nangyayari ngayon.

Ngumiti ako nang sinsero. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang ipinagsalikop ni Pierre ang mga kamay namin sa ibabaw ng lamesa. He winked and smiled at me. Animo'y ipinapahiwatig nitong kahit magpanggap na lang kami para mapasaya si Manang Magda.

Ibinalik ko sa matanda ang tingin ko nang marinig ang palakpak niya. Napakalaki pa ng kaniyang ngiti. "Ayan! Bagay na bagay! Saan ka ba nakatira, hijo? Bakit 'di ka na lang lumipat dito?" usal pa ni Manang dahilan para sabay kaming mapabulalas ni Pierre.

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon