Thu | 09:34 PM
Perfect Chacha:
Hey! San ka?Rare Silas Tanga:
sa editing pa
bakit cha?
may kailangan ka?Perfect Chacha:
Matagal ka pa diyan?
Kailangan mong magpahinga!
Maaga tayo bukas!Rare Silas Tanga:
patapos na rin to. mga 11 tapos na
may kailangan ka nga?Perfect Chacha:
Wala naman. Ire-remind lang kita sa call time mamaya.
3 AM tayo magkikita-kita sa office. Nandun ang service.Rare Silas Tanga:
ilang sasakyan bukas?Perfect Chacha:
Isang sasakyan kina Hulyo. Isa para satin at sa iba pang freelancers.
Tapos yung equipment van na rented kina Gloriosa.Rare Silas Tanga:
hindi na kayo kina Miko nagrenta?Perfect Chacha:
Hindi avail yung kanila. Saka mas maganda na yung kina Glory.
Nag-upgrade sila ng vans at equipments. Hindi pa kayo naka-rent dun?Rare Silas Tanga:
hindi pa. wala pa naman kaming sobrang laki project uli.Perfect Chacha:
Try nyo yung kina Glory next time. Ako nag-inspect ng upgraded nila saka ng van.Rare Silas Tanga:
sige sigePerfect Chacha:
Nag-dinner ka na?Rare Silas Tanga:
hindi pa
busog pa ko sa pinadala mong burger, boss mam hahaPerfect Chacha:
Kanina pa yun ah!Rare Silas Tanga:
eh ang laki ng burger eh. dami pang fries.Perfect Chacha:
Kumain ka bago umuwi.Rare Silas Tanga:
oo, cha. salamatsPerfect Chacha:
At habang naaalala ko pa, sabihan mo ko pag need mag-general cleaning sa bahay nyo.
Ang tagal na mula nung huli. Baka kulob na kulob na gamit ni Tita.Rare Silas Tanga:
ah sige. pero naglinis kami nina vernon at liam last month. hindi nga lang hanggang bodega.
sabihan kita pag nakausap ko na si tiya saka si nanay luz.Perfect Chacha:
Okay, sige ~Rare Silas Tanga:
tulog na cha. maaga pa bukas.
wag mo kong isipin dahil uuwi rin ako agad pagkatapos ko rito.Perfect Chacha:
Wag kang male-late! Ayokong makipag-away kay Hulyo nang sobrang aga sa umaga. Tapos aawayin din kita!Rare Silas Tanga:
hindi. pagdating mo sa office nyo, nandun na ko.
dala ka biskwit, cha. dadala ako kape.Perfect Chacha:
Sige, sige.Rare Silas Tanga:
tulog na, bossmam
good night, horatiaPerfect Chacha:
Good night!
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...