32

1.5K 71 0
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

Unedited...

[Preenz Pov]

"Hoy, Preenz. Kausapin mo ako," pakiusap ni Epok pero hindi ko siya pinansin. Kanina pa ito nangungulit sa akin dito sa kuwarto ko at hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya.

"Lumabas ka na, Epok!" pagtataboy ko.

"Lalabas lang ako kapag kausapin mo na ako!"
Pagmamatigas niya.

"I don't want to see you!"

"Pero ako, gusto kong makita ka. Bati na kasi tayo, Preenz. Please," nakalabing pakiusap nito at inagaw ang cellphone ko at isiniksik ang katawan para magkasya kami rito sa may kalakihang sofa.

"Kung may awa ka sa akin, lumabas ka na muna!"

"Hindi mo na ako mahal! Kung ayaw mo akong kausapin, si Sheena na lang ulit ang girlfriend mo!" nagtatampong sabi nito saka tumayo pero mabilis na nahawakan ko ang kanang kamay niya at hinila pabalik sa akin. Patalikod na napaupo siya sa kandungan ko.

"Galit ako sa 'yo," mahinang sabi ko saka niyakap siya sa bewang at isinubsob ang mukha ko sa likod niya. "Galit ako kasi sa kabila ng mga kaputahang ginagawa mo sa akin, mahal pa rin kita. You almost killed me, Epok."

Sa lahat ng babae, siya lang ang iniyakan ko nang ganito. Nasayang ang mga luha ko sa harapan niya dahil hindi ko na kaya ang kalokohan nito. Napagod na ako. Pagod na nga ako sa kakalakad sa Cebu, pag-prepare ng makakainan namin at higit sa lahat, pag-unawa sa mga disaster na nagawa niya.

Mas mabuti pang mag-alaga ako ng isang dosenang bata kaysa sa isang dalagang isip-bata.

"Mabait naman sila. Isa pa, you promised me na gusto mo ng pusa!" sabi nito at paisa-isang kinukurot ang mga daliri ko.

"Gusto ko ng pusa na pinakita mo sa akin pero hindi naman 'yong halimaw na tigre. Jusko naman, Epok! Sinama mo pa talaga ang leon!" sumbat ko. "Ang pusang inaasahan ko, mabait, cute, at higit sa lahat, hindi ako lalamunin nang buhay!"

"Eh, sa hindi pa raw puwede sabi ni Tito kasi baby pa sila," parang batang sabi nito.

"E di sana wala na lang," sabi ko.

"Hindi nga puwede. Alam mo bang alaga ko sila kaya mahalaga sila sa akin? Pasalamat ka nga dahil binibigay ko siya sa 'yo."

Napabuntonghininga ako. Ano pa ba ang sasabihin ko? Lahat na lang, may isasalungat siya sa akin.

"Haist! Saan ba ang bundok ninyo at nang masunog ko ang gubat na tinitirhan ng mga hayop ninyo!" galit na tanong ko kaya natawa siya.

"Hindi mo kaya dahil mga halimaw ang nagbabantay," aniya.

Napaisip ako.

"Epok? May ganiyan ba talagang hayop sa gubat?" Bigla akong kinabahan sa naisip ko.

"E-Epok? Ninakaw mo ba sila sa Manila zoo?" natatakot na tanong ko saka pinatayo siya at lumapit sa bintana.

Nandoon pa rin ang dalawang hayop sa hardin, nagpapahinga. Napaatras ako nang tumingala rito ang tigre ni Epok.

"Kung ninakaw ko sila, bakit nila ako kilala?

Mabait naman sila e. Sige na, alagaan mo na sila. Pinagbigyan na nga kitang pauwiin sina Froggy at snake sa gubat namin e. Baka sakaling maampon mo sina Zimba at Zumba?" pakiusap nito.

"No!"Agad na tanggi ko. "Papatayin ako nina Daddy! Epok naman, paalisin mo na sila.

Ipapadala ko ang chopper at ibalik--"
"No! Nakausap ko na si Tito James at okay lang daw sa kanila ni Tita Janine na nandito sila," tanggi nito.

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon