Kyle's POV:
"Wonderful voice!" Narinig kong sigaw ni Rani kaya nagulat ako nung harapin ko sila.
"Ah- eh.." Nauutal kong sagot.
"Teh bakit hindi ka sumali sa glee club? May ganyan ka palang boses eh." Sabi ni Kiezel na hawak ang mga kamay ko.
"Alam mo kabog ang mga front faces ng glee club ng Eagleton sa boses mo. Lakas maka-Demi Lovatto. Hihihi." Sabat naman ni Yuri.
"Sali ka na! Supporters mo kami. Swear." Alok ni Rani. "Count me in." Si Kiezel at Yuri.
"Hay nako. Umuwi nalang kayo. Pagiisipan ko muna." Pag aya ko sa kanila sa labas. Nang maiba narin ang usapan.
Bumaba na kami at nagpaalam na sila kay Mama. Ang saya naman pala magkaron ng mga kaibigan kahit medyo oa lang sila hahahaha.
Isa pa si Ivan. Ang sarap din sa pakiramdam na magkaron ng tinatawag na boyfriend kahit hindi ko masyadong feel. Syempre first time kaya siguro ganito. Pero aminado ko masaya ko. Ganun naman diba, if youre happy, do it. Kung masaya ka naman eh :)))
-
Ivan calling...
"Ma excuse me. Sagutin ko lang." Kumakain kasi kami ng dinner. Tumango naman siya kaya lumakad ako ng mabilis sa may veranda sa labas para sagutin. "Hello?" Bungad ko.
"Im outside your house. Come here." Sabi nya. What? Anong ginagawa nya dito? Grabe naman to. Pabigla bigla. Di pa naman alam ng mama ko. :3
Hindi ko sana bubuksan yung gate pero pagkababa ko ng phone call nya, kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa kanya. Dahan dahan kong binukasan ang gate ng bahay namin dahil baka marinig ni mama.
Nakita ko syang nakasandal sa kotse nya. Naka tank top syang gray at black maong pants at Janoski shoes. Parang kakagaling lang nya sa practice nila. Napatitig lang ako sa hot na lalaking to. Napansin kong may umuusok sa bibig nya. Nakatalikod kasi sya sakin. I guess na naninigarilyo sya. Humarap sya sakin ng maramdaman nya siguro yung presence ko.
"Hey." Bati nya. Nginitian ko lang sya. Ang gwapo. Tinapon nya sa baba ang sigarilyo nya at inapakan yun. Sa lahat ng nakita kong naninigarilyo, sya yung pinaka hot. Even my dad kasi, hindi naninigarilyo. Lumapit sya sakin. Kitang kita sa mga braso nya yung mga biceps nya na bunga siguro ng pagsasayaw nya.
"Babe. How are you?" Tanong nya sakin ng makalapit sya. Amoy na amoy ko yung singaw ng sigarilyo mula sa bibig nya. If im not mistaken, ang lamig sa feeling. "O-okay lang." Tanging nasagot ko. Bakit ganito yung feeling ko? Nanghihina ako sa mga titig nya. Dahil siguro kami nga. Ang swerte ko.
Umismik lang sya ng tawa at sinabing ang cute ko. God? Is he really for me? Bakit sakin nyo sya ibibigay? Hindi ba unfair yun? Hindi naman ako babae. Bakit sa baklang tulad ko? Mas deserve sya ng iba. Pero bakit sakin? Ano bang kinaiba ko? Isa lang ang masasabi ko ngayon. Thank you Lord.
"Ah-hmm Ivan b-bakit ka nga pala nagpunta dito?" Lumayo sya ng konti sakin at hinawakan ako sa mga kamay ko. Tinitigan nya ko ng seryoso. Help me, maiihi ako. Hahahaha.
"Join me on Friday." Mga salitang lumabas sa bibig nya. Akala ko naman magpopropose na to. Kainis hahahaha.
"Ha? San?" Tanong ko. Ngumiti muna sya bago magsalita. "Party ng barkada ko. And I want you to be there." Sasama nya ko? With his friends? Nako nakakahiya naman yun. Hindi muna ko sumagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. Siguro oo gusto ko pero pano? Pano ko magpapaalam sa mama ko? Pano ko makikisama sa mga barkada niya? Nang maramdaman nyang nagaalanganin ako sa sagot, nagsalita ulit sya.
"I will take no for an answer." Binitiwan nya ang kaliwang kamay ko at nilagay yon sa balikat ko. Wala na! Wala na. Ano pang isasagot ko eh sya na sumagot para saken. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang sagot. Magkatitigan lang kami for a seconds nang biglang may pusang lumitaw sa likod ng kotse nya. Mainam naman diba? Hahaha timing! Natawa nalang kami pareho dahil sa nangyari. Binitawan na nya ko at nagpaalam na sya. Papalakad na sya pabalik sa pinto ng kotse nya ng lumingon sya sakin at tumakbo. He did what? Ano nga ba? Wait.
He kissed me in my cheeks. Wait, what?
-
Tuesay morning sa school ng mapadaan kami nila Rani sa School's bulletin board.
"Wait girls." Si Kiezel at huminto sa harap ng bulletin board. Sumunod naman kami sa kanya. Ako ang pinaka huli na sumunod. Ano na naman kaya yun?
"See this?" Siya sabay turo sa nakapaskil sa board.
Eagleton's Golden Voices Audition. 10 am at the theatre center.
Napaisip din ako sa nabasa ko. Pinapasali nga pala nila ko don dahil narinig nila akong kumanta. Pero pano? Eh sobrang baba nga ng confidence ko. Baka mapuna na naman ako ng mga tao. Natatakot lang ako. Baka mapagkaisahan na naman ako.
"Kyle? Sali ka na. Sayang ang opportunity." Si Yuri kaya napatingin ako sa kanya. "Eh." Tanging nasagot ko dahil anpo nga bang isasagot ko? Gusto ko pero parang hindi ko kaya. Natatakot ako.
"Anong eh? Kyle kung magiging member ka ng Glee Club, tyak ikaw ang may pinaka award na boses don." Si Rani. "Whats the problem? Afraid?" Tanong ni Kiezel ng makalapit sakin. Tumango ako sa kanya.
"Kyle if you kept yourself afraid to try new things, how will you overcome those fears?" Si Kiezel. Ramdam kong seryoso sya sa tono nya. Alam kong nagmamalasakit lang sya sakin. Tama sya. Pano ko nga ba haharapin ang takot ko kung hindi ko susubukan? Ganito nalang ba ko habang buhay? Dapat nga siguro matuto na ko. Kaya ko naman siguro eh, sa ngayon lang, takot siguro ang namamayani sa puso ko. Baka nga dahil sa takot na to kaya napuno ng 'what ifs' ang buhay ko.
"Learn from it Kyle. Sa bawat pagkakamali, may matututunan ka. And if you succeed, daig mo pa si Bill Gates." Sabat ni Rani. "Yes, we should overcome our fears para makasabay tayo sa reality ng buhay." From Yuri. "San mo naman nakuha yan, aber?" Maguumpusi na naman tong dalawang to. "Sa burol mo. Gaga!" Si Yuri. "9:45 na guys! We should go now!" Si Kiezel na nanguna sa pagtakbo papuntang theater center. Hinila naman ako ng dalawa.
"Wala na po bang auditionee?" Sabi ng member sa microphone pagpasok namin sa theater center. Halos lahat ng students nandon. Yung iba nagaudition, yung iba, supporters, yung iba naman watchers. Bigla na naman akong nahiya. Tutuloy ko pa ba?
"Wait. Meron pa!" Sigaw ni Rani ng makapunta kami sa audition place mismo. Tinulak naman ako ng tatlo papuntang stage. Brutal talaga. May tatlong nakaupo sa harapan na para ba kong nasa X Factor. Yung isa si Mrs. Andrea Guevarra, instructor ng Glee Club. Yung nasa gitna ay si Mr. Ernest Galang, siya ay isang officer sa mga clubs. At si Arnie Dela Torre, president ng Glee Club na to at pinsan ni Megan.
This is it. Eto na. Lumakad ako sa papunta sa gitna ng stage humarap sa audience at sa mga judges. Nakarinig ako ng mga buzz ng mga students. Mga naguusap siguro dahil sakin. May mga napa-oww pa dahil sa pagkakakita sakin sa gitnan ng stage. Nandon lahat ng classmates ko including Megan and her friends na nakatitig lang kung anong gagawin ko. Napatingin naman ako sa super three friends ko. Napaka supportive. Nakangiti lang sila. Mga ngiting nagpapalakas ng loob sakin.
"Goodmorning, whats your name?" Tanong ni Mrs. Guevarra. "Ahm. K-kyle po." Sagot ko. Napatingin ako kay Arnie na naka kunot noo lang. "Go now." Sabi ni Mrs. Guevarra na nakangiti, hudyat na para magsimula ako.
Dahil nga sa wala akong dalang minus one ay magaacapella nalang ako. Binigyan ako ng isang member ng microphone at nagsimula na.
I've always been the kind of boy
That hid my face
So afraid to tell the world