Twenty- Three

251 7 1
                                    

Chapter 23.

Birthday.


Yumuko ako saglit pagkababa ko ng sasakyan ni Magnus at pilit na ngumiti. "S-salamat sa paghatid..." nautal pa talaga ako! Gosh! They're making me tense for goodness sake!


Matapos ang usapan namin tungkol kay Maxi ay nagtaka ako nang biglang ibahin ni Magnus ang topic. I don't know but why do I feel that he knows something about Maxi? Sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin sa rearview mirror ay parang sinasabihan niya ako na may tinatago ako.


Tumango si Magnus at ngumiti pabalik. Nag-iba naman ang ekspresyon ni Carson na hindi na nakatingin sa 'kin. Mariin akong napalunok pagtalikod ko sa kanila.


I even heard how Magnus' car drove away from the building.


Napahawak ako sa pader ng elevator 'tsaka hinabol ang sariling paghinga. That was... unexpected!


"Mommy!" sinalubong ako ni Maxi pagpasok ko ng unit. Hinalikan niya ako sa pisngi pagluhod ko. "Kamusta trabaho?" she innocently asked and blinked twice.


Hindi ako nakasagot sa anak nang masulyapan ko si Shealtiel na kumakain ng pandesal habang nakatitig sa amin ni Maxi. "Hii Ate," kung makabati 'to, parang hindi masaya na makita ako.


"Talk muna kami ng Tito pogi mo, Maxi." masunuring tumango ang anak ko at pumasok sa kusina. I bet Dianne is cooking dinner.


Muli kong hinarap si Shealtiel na nakasimangot pa rin.


"So! How's my brother?" I asked politely and approached him. "Is college pressuring you?"


"Not that really..." mahinang sagot niya at umiwas ng tingin. Ginulo ko ang buhok niya. "Ate, stop that. You're ruining my hair." reklamo niya pa.


I chuckled. "Gwapo ka pa rin naman kahit magulo buhok mo," pambobola ko at umirap siya.


"That's why Maxi kept calling me 'Tito pogi'," tamad na aniya.


"Ayaw mo no'n? Tinatawag kang pogi ng pamangkin mo?" I almost burst out laughing when he rolled his eyes again. "Miss ka ni Ate, hindi mo bah ako na-miss?" paglalambing ko na may halong biro.


He heaved a sigh and hugged me. Pinikit ko ang mata ko. Noon ay siya pa ang sumasandal sa dibdib ko pero dahil siya na ang mas matangkad sa 'kin, ako na ang nakasandal sa dibdib niya. My brothers really becomes sweet whenever I tell them that I miss them.


"I'm sorry I did not pick you up in the airport when you came back," he whispered.


I slightly pushed him and smiled. "Ayos lang, I know you are busy."


"But..."


Kumunot ang noo ko. "What?"


"Nabanggit ni Ate Dianne na hindi tumupad sa usapan ang Mama mo na sundoin ka sa airport," pagkasabi niya noon ay saktong paglabas ni Dianne galing sa kusina.


Masama ko siyang tiningnan at nanlaki ang mata niya, nagtatanong kung ano na naman ang nagawa niya. I harshly sighed. "'Wag mo nang gawing big deal 'yon, she's also busy and I don't have the rights to complain..." medyo sumikip ang dibdib ko sa sariling sinabi.


Tinitigan ako ni Shealtiel. Nginitian ko pa siya para hindi na siya mag-alala pa. I once cried infront of him while talking about my mother. Kahit napakatahimik niya noon ay nakita kong umiyak rin siya.


'Di na nagsalita ang kapatid ko kaya nagpaalam akong magbibihis muna sa kwarto. Sumama si Maxi sa akin dahil gusto niya rin magbihis.


"How's Maxi in Manang Herlyn?" tanong ko sa anak.


I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon