009
ORDER DOWN"Since nandito ka na rin naman, I think mas mabuti siguro na ikaw na ang pumunta at kumausap kay Reynalyn." Utos ni Jo kay Michael.
Nang daanan ni Lester kanina si Michael sa bahay nito ay naka-ready na rin pala ito para magpunta sa HQ. Sinabihan na rin kasi siya ni Jo na may iuutos ito sa kaniya na may kinalaman sa kaso ni Miss Dominguez.
Nagtatakakang napa-angat ng ulo si Michael sa babae. "Ako? Bakit ako?" Tanong niya.
"Bakit hindi ikaw? And may I correct you, ikaw lang." Sabi naman ni Jo na diniinan ang huling salita.
Nasa loob sila ng office ni Jo sa headquarter. Nandoon sa mesa ang isa sa mga to-go na cups na dala ni Lester kanina. Marahil ito ang kapeng nakalaan para kay Michael.
May tasa naman sa mesa kung saan naroon ang personal swivel chair ni Jo. Jasmine tea ang laman noon, her favorite. Bukod kasi sa pinapanatili nitong maayos ang lagay ng kaniyang puso, maganda rin itong pampatalas ng memorya.
"Pero bakit nga ako? Kakabalik ko lang, Ate. Kailangan ko ng matinding pahinga dahil hindi nakakatuwa ang mga nangyari sa kulungan. At alam kong alam mo 'yon. "
Napainom ng tsaa si Jo. Sinabayan din iyon ni Michael ng paglagok sa tirang kape niya.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo. Madali lang naman akong kausap, Michael."
"Bigyan mo muna ako ng isang matinding rason kung bakit ako." Pagmamatigas pa rin ni Michael.
Michael is an investigator. Kaya ganoon na lang katigas ang ulo nito dahil na rin sa sinapit nang nagdaang isang linggo sa kulungan. Napagkamalan kasi siyang isang stalker ng taong minamanmanan niya habang nasa trabaho. Hindi na niya natapos ang utos mula sa nakatataas dahil sinampahan agad siya ng kaso ng binabantayang kilalang personalidad— isang babaeng media influencer na drug lord.
At alam iyon ni Jo dahil nakita niya iyon sa restricted files habang hinihintay ang oras ng meeting kahapon. Ayon kay Carlo, matagal na rin nilang hawak ang kasong iyon pero wala pa rin silang nakukuhang matibay na ebidensiya kaya itong si Michael ay kumuha ng permiso sa kaniyang higher-ups para gawing confidential ang kaso at gumalaw nang mag-isa. Malapit na sanang malutas ang kaso, kaya lang, may private investigator rin palang kasabwat ang suspect. Isang linggo rin siyang namalagi sa kulungan na dapat ay 24 hours lang. Hindi na lang nagreklamo si Michael sa sinapit sa loob dahil baka maungkat pa ang tungkol sa crusaders.
Sa unang araw ay naka-detain siya. Muntik pa siyang magbayad ng isang daang libong piso kung hindi lang dumating ang isa sa mga taong nagbigay-permiso sa kaniya na ituloy ang pag-iimbestiga.
Maingat siya pagdating sa trabaho sa labas. At kapag alam niyang madadawit ang pangalan ng team niya ay wala siyang ibang paraan kundi ang sumunod sa nasusulat sa batas maging ang mga wala sa nasusulat.
They settled the case to a week of community service doon mismo sa loob ng presinto kung saan naka-assign rin ang dalawang kaibigan niya.
Tawang-tawa ang mga miyembro nang nalaman nila iyon kay Ashley at kay Monic. Maliban kay Carmel na hindi pa ganoon kakilala ang imbestigador, dahil late na rin naging parte ng team ang freelance model.
And about that woman? Well, she's still enjoying her freedom. Dahil walang na-i-presentang ebidensiya si Michael, wala rin siyang kailangang patunayan.
"Simple lang naman ang rason. Dahil alam kong hindi ka rin naniniwala na dinukot at nawawala nga si Reynalyn, hindi ba? Ngayon, sa'yo ko mismo ibinibigay ang responsibilidad na puntahan siya at alamin ang katotohanan. " Sabi ni Jo.
BINABASA MO ANG
THE BORDER'S CRUSADERS [Part 1]
Mystery / ThrillerPowerful people must protect the powerless, some says. But what if powerless people can also depend on that one group of friends based only from a tattletale? And this group of friends, they called themselves as Team Bracelet when their masks are of...