The Deed

1 1 0
                                    

NED
"TULONG!"

Naalimpungatan ako sa sigaw na 'yon ng isang batang babae. Pabalikwas akong bumangon at mabilis na dinampot ang tubo na katabi ko sa pagtulog. Medyo madilim pa ang paligid pero sumisilip na ang liwanag mula sa tagpi-tagping karton na pinagtataguan ko.

Dahan-dahan akong sumilip mula sa siwang no'n.

Ito ang taong 2053, kung saan laganap ang zombies saan mang lupalop ng bansa. Ito ang panahon kung saan ako nabubuhay. Halos lahat ng mga kasama kong nakatira sa kalye na 'to ay naubos na yata.

Pero may narinig ba talaga akong sumigaw o guni-guni ko lang 'yon?

Pinilit kong sumilip pa para mas makita nang maayos ang kalsada. At 'yon nga, sa kabilang kalye ay may nakatayong batang babae na umiiyak at mukhang may hinahanap.

Sa tantya ko ay nasa anim na taon ito. Marumi ang damit nito at magulo ang buhok.

"Tumigil ka sa pag-iyak." Bulong ko sa sarili ko. Kung iiyak sya nang iiyak ay baka may makarinig sa kanyang zombie at puntahan sya.

Inalis ko ang tingin sa siwang at humigpit ang kapit ko sa tubong hawak. Hahayaan ko ba syang mamatay na lang? Hindi ko naman sya kaanu-ano. Walang mawawala sa akin.

Pero bigla din akong natauhan.

Tama. Walang mawawala sa akin. Kahit lumabas ako at mamatay ngayon mismo, walang mawawala. Patay na ang buong pamilya ko bago pa mangyari 'tong zombie apocalypse. Wala akong kayamanan na maiiwan at wala rin akong pag-iiwanan.

Sarili ko lang ang meron ako. At sa tingin ko ay sapat na ang sarili ko para tumulong sa paraan na kaya ko.

Hawak ang tubo na pinatulis ko ang dulo, lumabas ako sa maliit na karton na pinagtataguan ko at tumakbo papunta sa kabilang kalye.

CARTER
"KANINA pa 'yong bata na 'yon doon." Sabi ko habang nakatanaw sa batang babae na kanina pa umiiyak mula sa ikalawang palapag ng bahay namin.

"Let her be, Carter. Wala tayong magagawa." Sabi ni dad habang umiinom ng mainit na kape.

Nakatingin lang sa akin si mom na parang sinasabing tama si dad, habang may kausap sa kabilang linya ng telepono. Ibinalik ko ang tingin sa batang babae. Wala nga ba talaga kaming magagawa?

Our family owns a few apartments and restaurants around town. We can open a few doors to let these people in. I can't understand why my parents refuse to do something. Tons of zombies are out there and people are dying! While here we are, waiting for our helicopter to get us.

Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto ko. Pero hanggang doon ay tanaw ko pa din ang batang babae. I face the other wall.

Nakita ko doon ang mga certificates at medals ko mula sa iba't-ibang competitions at workshops na sinalihan noon— shooting, archery, parkour, dancing, taekwondo. I feel so blessed to be able to do the things that I want.

That's when it hit me.

I've been blessed all my life. And maybe... it's time for me to pay back.

Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at nandoon pa din ang batang babae. Pero this time, may isang lalaki na tumatakbo sa direksyon nya.

Biglang nanikip ang dibdib ko pero agad din nawala nang ma-realize ko na hindi zombie ang lalaki. He's got a weapon. Zombies don't carry weapons.

Nang makalapit sya sa bata ay mabilis nya itong binuhat at nagmamadaling tumakbo. Kasunod nila ay tatlong zombies. Nakaramdam ako ng panic sa loob ko. Now, I could yell for them to come over here but my parents would never let them in.

Mabilis kong dinampot ang backpack ko for school at tinaktak ang laman no'n. Tumakbo ako sa banyo at naglagay ng mga first aid kits, nilagay ko din ang gunting na nakita ko doon.

Lumabas ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo.

"Carter! What the hell are you doing?" Galit na sita ni mom. Pero mas lamang ang takot nya kaysa sa galit nang kunin ko mula sa isang tukador ang baril at mga bala na tinatago ni dad doon. "A-anak..."

I shove them in my pants.

"I'm sorry, mom." Usal ko at patakbong lumabas sa terrace namin.

I could hear dad yelling my full name but I didn't look back. I jump from the terrace and roll down our lawn.

It hurts like hell but I managed to stand and run. Nang nasa open ground na ako, kinuha ko ang baril at itinutok sa mga zombie na humahabol sa dalawa.

I know I'm losing it all but to hell with that.

Love CollectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon