Simula

1 0 0
                                    

"Naka kuha ka na ba ng form mo?"

Tinatamad kong nilingon ang kaibigan dahil sa tanong niya. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya naman wala akong interes na nag angat ng tingin.

"Hindi pa. Para saan?" marahan kong tanong.

Bryan showed me a small piece of paper with written words on it. Kumunot ang noo ko, nagtataka pa rin.

"Para sa exam sa STE. Hindi ka sinabihan ni Ma'am Eligado?"

Nagpatuloy ako sa pagwawalis dahil yari na akong magdilig ng mga tanim na pamintang naka-assign sa akin mula nang magsimula ang ika-anim namin na naitang.

"Kailan ba ako sinabihan ng matandang 'yon? E 'di ba nga't may galit sa akin." Umirap ako.

Sumimangot si Bryan at nagbuntong hininga. Our homeroom teacher doesn't like me. And I am well aware of that. Why? Simply because my parents are not well off and are very strict.

Hindi ako pinapayagan na abutin ng gabi sa eskwela sa kahit na anong rason ang mayroon. Our teachers loves students who can stay with her even at night so she can make them do things that are beyond our school requirements.

"Bakit kasi hindi ka na naman sumama kagabi? Doon kami sa bahay nila Ma'am Eligado nagyari ng cross stitching." He answered.

"Alam mo naman na hindi ako pinapayagan sa ganyan. Isa pa, uutusan lang naman kayo ng uutusan doon kaya bakit pa ako pupunta."

Binaba ko ang walis at inilagay sa gilid. Lumapit din ako sa timba at tabo na ginamit ko sa pagdidilig kanina.

Consistent ako na honored student at hindi nawawala sa top five. Sa lahat ng honored student sa aming elementarya at ka-batch ko, ako lang talaga ang hindi nakakasama lagi sa kanila sa bahay ng aming guro. Kaya naman ganon na lang ang pagka disgusto sa akin ng aming guro.

Ano bang magagawa ko kung ayaw ng mga magulang ko. Isa pa, kahit naman nakakasama ko sila, hindi pa rin ako magugustuhan ng teacher namin dahil hindi ako mahilig magpa-blowout. Wala kaming pera para doon. At hindi naman problema sa akin iyon.

"Kinuhanan naman kita ng form kanina. Mag fill-out ka na rin at mag pa-xerox ng mga requirements para sabay sabay pa rin tayong makapag-exam."

I smiled a little. Bryan and I have known each other since first grade. We are very close with each other. I also have two girl best friend who happened to be liked by our teacher. Sabagay, lahat naman sila ay gusto at ako lang talaga ang natatangi na hindi.

"Pwede bang ikaw na rin ang mag pa-xerox ng akin? Kukunin ko na ang form para masagutan ko na mamayang pag uwi."

Hindi naman na rin siya tumanggi dahil wala rin talaga akong bike. Malayo ang may mga computer shop dito sa amin. Nasa loob pa ng CLSU, isang State University na malapit sa aming barangay.

Lahat ng mga kaibigan ko ay mayroong bike. Malayo kasi ng kaonti ang inuuwian nila. Kabilang barangay pa ang kanilang mga bahay pero dito sa barangay namin sila ng aaral. Mayroon naman akong bike pero nasira na iyon noong nakaraang taon.

Maaga akong naka uwi sa amin dahil 'di naman talaga ako inaabot ng matagal sa eskwela. Bahay at eskwela lang ako palagi.

"Mag e-exam po ako sa susunod na linggo sa National." Paalam ko sa aking mga magulang.

Ilang buwan na lang kasi at tutungtong na ako sa highschool.

"May exam ba para sa highschool? Public naman iyon kaya hindi ba't magpapasa lang ng card at ibang mga requirement?" Tanong ng Mama ko.

Tumango ako habang kumakain sa sahig. Maliit lang ang bahay namin. May taas itong bahagi pero kahoy iyon at dala na rin ng katagalan kaya hindi na nagagamit. Babagsak na iyon kung sisilidan pa namin. Wala kaming lamesa o dining table. Pagkayari ng sala ay makikita na agad ang aming kusina. Gawa naman sa tiles ang lababo pero wala kaming banyo dito sa loob.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Summer EscapeWhere stories live. Discover now