STRAWBERRY

149 7 0
                                    

Yumi's POV

Sobrang sama ng pakiramdam ko pagkagising. Hindi ko alam na may mas malala pa pala sa sakit na natanggap ko kagabi. Pagkagising na pagkagising ko, ito ako, literal na may sakit.

Sa puntong ito, parang hindi ko ata kayang harapin ang kahit na sino, maging mga kaibigan ko. Kaya alam ko rin na kailangan ko munang lumiban sa araw na ito.

I checked my phone for messages but it was all from Zeb. He sent me a lot of it, asking me why I was ignoring him, asking me if I was angry at him because he did not tell me about him and Kleng-Kleng early.

Galit ba ako? I did not think so. I was just deeply hurt. Instead of replying to his messages, I proceeded to send a text to Ysa. Sinabi ko na lang sa kaniya na hindi ako makakapasok dahil may sakit ako. Nagawa niya pa akong asarin na baka may ibang sakit ako, sakit sa puso. Which was true, but aside from that, we talked about how I got sick. Dahil lang naman iyon nagpaulan ako kahapon dahil kay Zebedee.

Ikinuwento ko sa kaniya kung gaano kapangit ang naging araw ko kahapon. Kung paanong hindi ako sinipot ni Zeb dahil mas nawili siyang kasama si Kleng-Kleng. Mas lalo ko pa atang sinasaktan ang sarili ko kaaalala sa mga nangyari. This was no longer healthy.

Mukhang alam na rin ni Rap at Ysa kung ano ba talaga si Claire sa buhay ni Zeb pero hindi naman ako doon nasaktan. Ysa was curious about it and I honestly told her that the reason why I was so hurt was because Kleng-Kleng was already Zebedee's girlfriend.

Ysa: Masyado naman atang mabilis. Sure ka ba diyan?
Yumi: Oo nga. Hindi ko na nga inalam yung istorya. Too painful to handle.

Bakit ko pa aalamin kung alam ko namang masasaktan lang ako sa maririnig ko? I did not want to be too harsh on myself. I had been through a lot already because of this love.

Para kay Ysa, naging padalos-dalos si Zeb. But that was not the case for me. He was looking for Kleng-Kleng for years and perhaps, he already took the opportunity to have her when he had the chance.

Pero tama rin naman ang susunod na sinabi ni Ysa. Hindi ganoon gumalaw si Zeb. Although he always goofed around, he was a gentleman. Lagi siyang nanliligaw muna at naghihintay ng tamang panahon. Yet things were new this time. Alam ko kung paano siya naghintay ng mahabang panahon para lamang sa babae, kaya naiintindihan ko rin kung bakit hindi na nila pinatagal.

It seemed like Ysa was trying to sympathize with me, so I poured all my thoughts into our messages. Akala ko kasi, kaya ko agad tanggapin kapag nahanap niya na si Kleng o kung magkagirlfriend man siya, pero hindi. Hindi ko pala mabilis matatanggap kahit na alam kong talo ako, una pa lang.

Why did it hurt so badly? Alam ko namang mangyayari din ito. Pero bakit ang sakit sakit pa rin?

"May parte sa puso kong umaasa," I read that out loud. Ysa really had the harshest way to tell me the truth, but if that would help me, I would embrace it.

Siguro tama siyang unconsiously, umaasa pala ako. Na pinaghahawakan ko yung maliit na hope kahit in reality wala na naman talaga. Ilang ulit ko siyang tinanong, na hindi na dapat ako umasa, na hindi na dapat ako manatili roon. At doon ko natanggap ang masakit na katotohanan mula sa kaibigan ko.

Ysa: Oo, kasi nandiyan man o wala si Kleng-Kleng, never ka naman niyang minahal. Kung mahal ka talaga niya, hindi na niya panghahawakan ang pangako niya kay Kleng-Kleng. Simula pa lang, ikaw na ang pipiliin niya. Sorry kung masakit, pero kailangan mong kayanin ito. Hindi ka niya mahal.
Yumi: Sobrang sakit.

Hindi niya ako mahal. Ilang beses ko bang dapat basahin at marinig ang mga katagang iyon bago ako matauhan? Ang hirap-hirap at ang sakit-sakit sa sitwasyong ito. Para akong namanhid, na halos hindi na makakain dahil sa bigat ng nararamdaman.

Isla Haraya: Mayumi (Published under IMMAC Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon