Hi, Gusto ko lang i-share yung naranasan namin ng ka live-in partner ko sa isang inuupahan namin, Bago palang kami nag sama nag decide kami mag bukod gawa nadin ng sa side ng fam ko "Family problem". Parehas kami nag wowork sa isang pabrika Kadalasan gabi na siya umuuwi at ako 8hours lang kasi pasok ko. Syempre normal pag nag uumpisa palang kailangan mong maging praktikal lalo na pag dating sa rental, Bale nakahanap kami ng 2800 na rental edi grinab nanamin yun dahil affordable naman own cr and sink pero kwarto lang, May katabi kaming kwarto sa left side ng inuupahan namin. Laging nag aaway and one time umalis kasi wala ng pambayad at nagkasakit yung asawa niyang babae sa di malaman ang dahilan. Then kinausap namin yung owner kung pwede kami ang lumipat don kasi mas malaki at may semi kwarto semi kusina at malaki ang banyo, Gawa din na nakakapundar na kami ng gamit hindi na kasya don sa inuupahan namin. Pumayag agad si owner then nag add nalang kami ng 400 pesos para sa rental kasi 3k yon and 2 months depo. Unang lipat namin is ok naman inaayos namin para mas maging kumportable kaming dalawa, Kami na nag pintura and nag ayos literal kasi bagra yung unang tenant eh , Unang gabi namin matulog don is normal lang. Kaso nung tumagal na parang may kakaiba. Lagi nalang mababaw tulog ko and always ako nagigising ng 1:00 am or 2am ng madaling araw. Lights off den pag natutulog kami kasi di ako makatulog ng bukas ilaw, Nagigising ako sa mga oras nayon dahil sa "sitsit" sa tenga ko parang may tumatawag galing don sa banyo. Hinayaan kolang yon at hindi ko sinabi kagad sa partner ko kasi hindi naman siya naniniwala sa mga ganon Iglesia din kasi siya. Pero nung lumipas yung mga buwan mas lalong tumindi Walang buwan na hindi ako nag kakasakit, Dumating pa sa point na puro sa medical nalang napupunta sahod ko. Pero hindi naman kami nag woworry ng ka live in partner ko kasi napakagaan ng bahay nayon sa pera as in. Nakaipon kami and nag karoon ng negosyo 5'6 tas kahit ang gastos namin lalo na sa pag kain nagugulat nalang kami may pera pa kaming nakikita . Kaso nga lang trabaho ko naman yung naapektuhan. Pinaka malalang nangyare sakin is nung July lang pag tapos ng birthday ko. Nag kasakit nalang ako ng sobrang lala then hindi na ako nakakapasok. Nag start na ako mag kwneto sa partner ko ng creepy moments ko pag mag isa lang ako don sa inuupahan namin at tuwing nagigising ako. Kaya nag paplano nadin kami lumipat muna sa side ng fam niya kasi mag reresign ako ng work para hindi rin siya mahirapan mag bayad rental monthly kung mag reresign ako. August namin balak lumipat kinausap nadin namin yung owner ng bahay at nag-aayos na ng gamit.Habang nag paplano at nag aasikaso na kami dun sila nag umpisang mambulabog ng literal . Una umuulan non at naisipan namin mag food trip kasi wala naman pasok kinabukasan around 1am iniwan ako ng partner ko sa bahay at pag kaalis niya bigla nalang bumuhos yung ulan sa kisame namin. Nagulat ako kasi pag labas ko ng pinto at pag akyat ko ng second floor wala naman katubig tubig edi tinawag koyung owner kasi nag baha na sa baba. Habang nasa taas kami ng owner may nakita akong pumasok sa loob ng bahay edi bumaba ako kala ko kasi partner kona. PERO WALA WALANG TAO SA BAHAY at bigla dumating partner ko. Sinabi koyung nakita ko pero as usual Sinabi niyang guni-guni kolang yon . PANGALAWA Habang natutulog kami bigla akong nagising ulit at narinig ko nanaman yung pag tawag nila, ginising kona yung partner ko kasi hindi na normal yung naririnig ko. Binuksan niya yung ilaw sa kwarto, Kusina, cr, at Labas ng bahay. At pilit niya akong pinapakalma. Pagkalipas ng ilang minuto bigla ko nalang nakita na yung kaluluwa ko hinihila pababa as in hinihila At kinakapos na ako ng hininga. Buti yung partner ko nagising kagad at bigla niya akong pinaupo at tinanong kung ayos lang ba. Nakikita niya sa mukha ko yung labis na takot Pag katapos non binigyan niya ako ng tubig. Pagkatpos ko uminom sinabi ko sa kanya umalis na kami don. Friday ng 2am nangyari yon at pagkalabas na pagkalabas namin sinabi ko lahat sa kanya totally lahat habang umiiyak at sabi niya wag na daw kami babalik doon maski daw sya may nararamdaman pero hindi niya lang sinasabi sakin kasi nga ako lang lagi mag isa sa bahay at matatakutin daw kasi ako. Kaya din pala syang pumayag na umalis doon ng araw nayon kasi nakita niya akong takot na takot at tumataas balahibo nya kahit wala pa akong sinasabi sa kanya kung ano nangyare. Pagkatapos ng pag uusap nayon. dumiretso kami sa bahay ng parents ko para doon matulog. Gulat na gulat sila nun at pinagsabihan panga partner ko na bat daw kasi hindi naniniwala . sinabi ng parents ko "mamaya pumunta kayo don sa may pajo para mag paalbolaryo" sinunod namin yon at naconfirm namin na totoo mga hinala ko may mga nakatira doon at hindi lang isa kundi marami sila. 3 weeks before bago kami makalipat hindi na kami nag tangka matulog ng gabi don hanggang sa makalipat kami. At ngayon lahat ng iniinda kong sakit bigla nalang nawala, Hindi narin ako nilalagnat tuwing hapon o gabi, Hindi narin mababaw tulog ko siguro dahil narin sa binigay sakin na pangontra. Ngayon maayos na ulit yung kalagayan ko. Nagsisimula ulit kami ng partner ko dito sa Valenzuela.
- Napag-alaman namin na yung dating nakatira don umalis dahil sa di malamang sakit ng babae, puro babae yung nag kakasakit sa bahay nayon.
-Hindi masamang maghanap ng bahay na mura o swak sa budget nyo lalo na kung nag-uumpisa palang kayo, pero sana alamin nyo muna yung history nung bahay nauulahan niyo.
Sender -@KM
BINABASA MO ANG
Haunted Houses 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from popular facebook page "Spookify" and other references. Thank you and enjoy reading!