****TRIGGER WARNING****
This chapter contains violence and mental health issues. Read at your own risk.
If you are struggling or know someone who's struggling or is a victim of abuse, please ask for help. There's someone out there who's happy that you exist, please keep existing for them and for yourself.
If you are or know someone who's a victim of abuse, please seek help and speak up.
PS. This is a work of fiction. Everything you read here is from the author's imagination.
****************************
Walang tigil sa pag-ring ang cellphone ko. Ngunit katulad ng nagdaan na araw ay hindi ko ito ginagalaw. Ilang beses na akong nawalan ng malay, nagising at natulog.
Nagpatuloy ang ikot ng mundo, pero tila naiwan ako. Naiwan ang sakit. Hindi nadala ng lumipas na mga oras ang aking panaghoy.
Hindi na ako lumabas ng kwarto ko mula ng araw na iyon. Kahit inom ng tubig o kain ay wala. Lumipas ang buong maghapon, magdamag hanggang sa muling sumikat ang araw. Akala ko ay matatapos na ang buhay ko nang ganoon pero nagkamali ako. I'm still alive and I am not sure if that's something I have to be thankful for.
Lunes, may pasok ako dapat ngayon. I'm already an hour late for my class. Muling tumunog ang aking cellphone. This will be his 7th call. Kasunod nito ay ang sunod sunod na message. Matamlay kong ibinalik sa isang tabi ang cellphone ko at inipon ang lakas na tumayo at ayusin ang kwarto ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng magulong kwarto nang pumasok si Bien. He roamed his eyes inside my room. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pag-aayos ng kwarto ko. I felt him picked some of my stuff scattered on the floor and put it on top of the drawer.
I don't feel mad or anything towards him. Hindi naman niya kasalanan.
"Lagi ba nilang ginagawa iyon sa'yo?" he asked. Malumanay ang tono ng boses niya at tila ingat na ingat sa mga salitang bibitawan niya. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. What does he expect me to say? I am pathetic the way I am now, and I don't want to look even worse.
"Bakit di ka umalis? Bakit di mo na lang nilayasan? May pera ka na. Sana ginamit mo nang opportunity para makaalis." Seryoso ba siya? Ngayon na lamang ulit siya umuwi dito pero hindi ko inaakala ang ganoong klaseng payo. Others would probably say na magtiis ako or hihingi ng tawad in behalf of others, but it's so unusual for to hear what he just said.
"Dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo. Hinding hindi ko gagayahin ang nanay ko na sumuko na lang kasi mahirap. To your parents I am handful, but they still keep me. Ilang beses na nilang sinabi na umalis ako but they are all just empty words kasi kapag umuuwi ako, bukas pa din naman iyong pinto." I told him. Hindi ko inaalis ang pagkakatingin sa kanyang mga mata. Siya din naman ang unang umiwas ng tingin and gave me a smirk.
"You'll ended up getting yourself killed." Muli niyang komento. Matapos ayusin ang ilang gamit na nakakalat ay kumuha na ako ng damit para maligo. I'll skip the first class at iyong sunod na lang ang papasukan ko. Mas malaki ang chance na mamatay ako sa labas kaysa manatili dito sa loob.
"Hindi pa ba?" I asked him.
"Then leave. Don't turn them into a killer." Natigilan ako sa sinabi nya. Ako ba talaga ang problema? Gusto ko lang naman na mabilang sa isang pamilya. Ayaw kong maiwan.
Hindi na ako nakasagot pa at iniwan na lamang siya sa kwarto.
Hindi ako nagsuot ng uniform at sa halip ay nagsweatpants na lamang ako at malaking hoodie. Idadahilan ko na lamang na may sakit ako or kung kunin ang I.D ko ay ibibigay ko na lamang. Mas madali pang kunin iyon sa office of the discipline kaysa makipagtalo sa guard.
BINABASA MO ANG
Why and What if
Teen FictionHarper and Trevor. Timid and Outgoing. Conservative and Liberated If there's a common ground, it's both of them are just as broken and seeking. What will happen if their fate got tangled? Will they both find what they're looking for or will they br...