#ryuzaki
#prettyboyAng taas nang ilong nya, singkit ang bughaw nyang mga mata, pinkish ang maninipis nyang labi, at napakaputi nyang lalaki. Para syang japanese kung titingnan. Pero anu nga ba ang pangalan nya napaka misteryoso kasi nang dating nya eh. Napukaw ako nang pasigaw na tanong nya.
"excuse me, are you listening? Aniya sabay taas ng kaliwang kilay.
"ah eh, sorry hah kung hindi ako na kikinig sa pinagsasabi mo." sorry kasi busy ako sakaka isip sayo. Hihi.
"so, ikaw pa ngayon ang galit?! Tinatanong kita kung okay ka lang ba? Eh natulala ka lang naman at naiinip ako sa kahihintay nang sagot mo. Jan kana nga!!" nagmartsa na sya patungo sa gate, no choice ako kaya hinabol ko sya.
"teka hintay pretty boy, please tulongan mo naman akong maka pasok. Please" pagkasabi ko non ay hinawakan ko sya sa braso nya at umiyak iyak.
Lets do acting.hehe
Nangunot ang kanyang nuo at muling nagsalita"ano ba!! Tumayo ka nga anu bang problema mo at nagmakaawa ka talaga."
"please kumbinsihin mo naman si manong guard papasokin ako, nakalimutan ko kasi sa bahay ang i.d ko" parang gusto kong sabihin na naiwan ko ang i.d ko dahil sa kakahabol sayo. patuloy ako sa pagsasalita.
"ngayon ko pa naman malalaman ang result nang exam namin sa chemistry" humugot ako nang malalim na hininga, laglag ang aking balikat nang makita kong tumalikod lang sya at nag marcha patungo sa gate ng eskwelahan ko ayy este eskwelahan namin.Naglakadlakad nalang ako at napasandal ulit sa pader payukong napaisip ako 'pihadong magagalit si mama pagnalaman nya to' "huminto na pala ang ulan" napatingin ako sa kalangitan at napagtanto kong wala na talagang ulan. Walang ano ano'y biglang sumulpot sa aking harapan ang misteryo pero gwapong lalaking iyon.
napasigaw ako ng "ay bakla!!"Nangunot na naman ang kanyang nuo "what??"
Hala lagot!! ang sama talaga nang bibig ko hahaha pero hindi ko na sya inintindi bagkus ay binalik ko isa isa ang mga tanong nya.
"anong ginagawa mo dito pretty boy? akala ko ba pumasok kana?.
Alanganing ngiti ang ginanti nya sa akin "akala ko ba kailangan mo nang tulong? o baka naman gugustuhin mo na lang magmukmok dyan sa isang tabi ms. clumsy.Nag init ang magkabilang tainga ko nang marinig ko na tinawag nya akong ms. clumsy "ako ms. Clumsy??
"ahmm. . excuse me hindi ako clumsy sadyang minamalas lang ako".kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong nang lalaking ito, uupakan ko na talaga sya sobrang suplado.Marami pang kapalpakan ang nangyari sa akin kagaya nang pag piyok nang aking mga paa, tumilapon ang aking sapatos sa kanal, namantsahan ang school uniform sa kakahabol lang sa lalaking yon sa kabila non narating ko naman nang buhay ang classroom namin.
"Ms. Sandejas bakit ngayon kalang?" may pag aalalang tanong nang chemistry teacher ko. Hinubad nya ang kanyang jacket at pinatong sa balikat ko, at nagpatuloy sa pagsasalita "para di ka manginig sa lamig kapag magpapaliwanag ka mamaya pagkatapos nang clasi na to"
Tumango na lamang ako at umupo katabi ni kejie, leche kasi yung lalaking yun tutulongan naman pala ako dami pang satsat yan tuloy special mention nanaman. Ilang sandali pa at nilapitan ako ni Mr. Hernandez at my kung anong nilapag sa desk ng upuan ko. Napatingin ako sa papel na my pangalan ko, O.m.g result to nang exam ko, di ko talaga kayang makita, panay haplos ko sa aking kamay at panay din panalangin ko, nang buklatin ko ang papel laki nang pasasalamat ko at nakapasa ako, ngingiti ngiti ako dahil magandang balita to para kay mama.
Hinablot ni kejie ang paper ko "bat nangalahati lang ang score mo? Sayo naman ang complete copy ng chemistry lesson natin ah? Pinagtawan na naman ako nang mga kaklasi ko minsan napaka careless ni kejie na pahiya tuloy ako, huhuhuNatapos na ang klasi namin at tapos na din akong makausap ni Mr. Hernandez, nasauli ko narin ang jacket nya soo on the way home na ako.
Masaya akong naglalakad pauwi bitbit ang result nang exam ko. Nagulat ako ng may biglang tumalsik na dumi sa papel na hawak hawak ko. biglang kumulo ang dugo ko nang mapagsino ko ang taong nakasakay sa brand new ford sa harapan ko. Huminto ang ford at niluwa nito ang misteryosong lalaking iyon.
"hoy lalaki, walanghiya ka tingnan mo kung anong ginawa mo dito sa result ng exam ko?" lumapit sya sa akin at hinablot ang testpaper ko
"hmm, kung makapag salita ka akala mo perfect ang exam mo, di naman pala at excuse lang Ms. Clumsy hindi hoy ang pangalan ko, Ryuzaki pala" nilahad nya ang kanyang kamay at sa di ko inaasahan hinila nya ako pasakay sa ford nya.
Tahimik lang ako hanggang sa marating namin ang bahay ko. Ah pero teka lang bkit alam nya ang address nang bahay namin?paano?
"bye Ms. Clumsy, pag aralan mo nang mabuti ang chemistry mo my pag asa kapa" at marahang tumawa.
"aba kung makapag salita ka parang ang talino mo hah? Sabay taas nang kaliwa kong kilay "Sige lang" saka kuna tinalikuran at pumasok sa loob nang bahay.
Agad kong hinanap si mama dahil gusto kung ipakita sa kanya na nakapasa ako sa aking exam. Napatalon ako sa gulat nang mag ring ang cp ko, unknown number kinilabutan ako dahil ito rin ang tumawag noong nakaraang araw nag aatubili ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero mas pinili ko na lang sagutin.
"hello?"
"hello? Anak si papa to"
"pa ikaw pala bakit ka napatawag" nagtataka ako di naman ugali ni papa ang tumawag lang nang basta basta alam ko may kailangan nanaman ito.
"anak yukii pwedi bang pumunta ka dito sa takizawa building? Importante ang pag uusapan natin"
"opo pa" pinindot ko na agad ang end button dahil ayokong marinig ang mga dahilan ni papa kaya dali dali nalang akong bumihis at hinanap si mama. Natagpuan ko si mama sa kwarto at himbing ang tulog kaya nilagay ko ang testpaper ko sa misa nya at pinatungan nang mabigat na bagay para di ma ihip nang hangin.Dali dali naman akong sumakay nang taxi "mama sa takizawa building lang po."
Ilang minuto lang at narating ko narin ang building. Tumunog ulit ang cp ko
"hello pa? Nandito na po ako,"
"pumasok ka lang at dumiritso sa room 315 ok?"
"ok po pa"
Ilang sandali lang at nasa harap na ako rm. 315 kaya kumatok ako at bumukas din naman ito lumabas mula doon si papa, nasisilip ko mula sa naka bukang pintuan na hindi lang si papa ang nasa loob merong isang matanda at lalaki na sa tancha ko ay 18 or 19 na gulang.
"pa ano bang pag uusapan natin? Akala ko tayo lang bakit my iba pa?" napa buntong hininga nalang ako nang walang pa sabi sabing inakay ako ni papa papasok sa loob.
"anak i would like you to meet Mr. Mitsurugi Takizawa, sya ang aking boss" nakayuko lang ako nahihiyang magsalita pero nang magsalita ulit si papa "yukii i would like you to meet your soon to be husband Mr. Ryuzaki Takizawa" parang na itulos ako sa aking kinatatayuan nang iangat ko ang aking ulo at napagtantong si Mr. Pretty boy ang son to be husband ko? Pero paano?
"wala ka bang sasabihin iha?" si Mr. Mitsurugi ang nasalita.
Nagkatinginan lang kami ni Ryuzaki at gulat na gulat din ito nang makita ako. Sigurado akong pambayad lang naman ako ni papa sa mga utang nya kay Mr. Takizawa. Paano naman kasing di lulubog sa utang si papa eh wala namang p
Ginawa yun kundi mag laro sa casino, sugal nang sugal kaya nga iniwan sya ni mama dahil palamunin lang sya at pabigat sa pamilya. Nagsimula lang naman yan nang makunan si mama na sana ay bunso kung kapatid. Di siguro maka move on. Bumalik lang ako sa tamang pag iisip nang marinig kong nasalita si Zak "so ikaw pala ang magandang dalaga ni Mr. Sandejas" tumalikod na sya sabay sabi nang "excuse us, magpapahangin lang ako sa labas".
BINABASA MO ANG
Ryuzaki Takizawa
Short Story˚˚Kung sa bawat pagkakamali ko, ay halik mo ang kaparusahan, handa akong maging makasalanan˚˚ 😘😘