Keith's POV
"Muntikan ka na dun ah. Ikaw kasi bakit ayaw mo pang sabihin. Yan tuloy pati ako nadadamay sa kalilihim mo." Napatingin ako sa nagsalita.
Kahit saan ako pumunta nahahanap at nahahanap nya ako.
Nakocurious ba kayo kung nasaan ako? Andito lang naman ako sa Rooftop ng dorm namin at nagpapahangin habang tinitingnan ang magandang tanawin dito lalo na ngayon at gabi kitang kita ang buong city.
Napatingin ako sa kanya at ngumisi sabay ngiti.
"Drew hindi pa ito ang tamang panahon." Sabi ko sabay inom ng beer na hawak ko.
Napailing iling lang sya habang nakangiti.
"Hay!... kailan kaya ang tamang panahon na yan?" Sabi nya
Hindi pa kasi ito ang panahon para ipaalala sa kanya ang lahat.
Ayokong masaktan sya....
Kinabukasan
Nakaupo lang kami ng mga kaibigan ko sa kanya kanya naming upuan.
Si Drew nakaheaset lang habang kinakalikot naman ang cellphone nya.
Yung tatlo bussy sa pagpaplano.
"Ano kaya kung..." sabi ni Jeff.
"Ano?" Tanong ni Rence
"Bigyan natin ng Green Diamond na card. Atleast di Red Diamond Card." Pagpapatuloy ni jeff.
"Galing mo pre! Di na tayo mahihirapan nyan! Mga studyante na ang magpapahirap sa kanya!" Sabi naman ni Fien
Talaga naman!....
Bigla namang dumating na sina Victoria,
Samantha, AJ, Roxanne at ang FIANCE ko na sadista, walang galang, bugnutin at saksakan pa sa taray, si NATHALIE.
Nathalie's POV
Naglalakad lang ngayon kami sa corredor papuntang classroom.
"Mika, pano mo sya aasarin. Sigurado naman na magsusuplado nanaman yun" sabi ni Roxanne.
"Hay!... ako na ang bahala dun. Basta ang goal ko lang masira ang araw nya." Sabi ko sabay ngiti. At tingin ng masama sa hawak kong juice. (Nasa bottle)
Nakarating na din kami dito sa classroom.
At kung siniswerte ka nga naman ang taong gusto kong sirain ang araw nandito.
"Uy andito na pala ang FIANCE mo keith!" Pangaasar ni Jeff. At ngumiti pa ng nakakaloko habang nakikipag apiran sa mga ugok ng kaibigan.
"SHUT UP!" Sabay na sigaw namin ni keith.
Nagkatinginan kami, pero agad ko naman syang inirapan.
Panigurado akong masisira nanaman ang araw ko.
Di pa alam ng buong campus ang tungkol dun at dahil nga dito kay Jeff naginit nanaman ang mga dugo ng mga babae at feeling babae dito sa campus.
"Hah?! Tama ba ang narinig ko fiance? Gosh! Fiance na sya ni keith. Pano na ako!?"Bulong ng isang bakla.
Ang feeling lang hah!
"Hay!.... patay sa akin yang nathalie na yan! Inagaw nya si keith."Sabi nung isa.
"Tama!"Pagsangayon naman nung isa.
Kahit kailan talaga, wala na silang ibang kayang gawin kundi maghabol sa prince nilang suplado.
Alam ko na ang plano. Hehe (evil tone)
Medyo lumapit ako kay keith. At ng makalapit na ako. Kunwari aksidente kong natapon ang juice na iniinom ko sa kanya.
Tingnan ko lang kung di pa masira ang araw nya.
"Opps! Sorry." Sabi ko ng nakakaloko.
Tumalikod na ako habang nakangiting tagumpay.
"What did you think your doing?!" Rinig kong sabi nya.
Lumingon ako at pumwesto na parang nagiisip.
"Hmmm....... Me? I just ruining your day." Then tumalikod na ako.
Bigla naman nya akong hinawakan sa braso. At ang mas lalo ko pang ikinagulat ay ang higitin nya ako.
"Keith! Let me go! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero di ko sya kinaya dahil sobrang lakas nya.
Isinandal nya ako sa pader katabi ng pinto.
At ikinulong nya ako sa mga braso nya.
"Kung inaakala mo na masisira mo ang araw ko dahil lang sa pagtapon ng juice sa uniform ko, nagkakamali ka." Sabi nya habang ang lapit ng mukha nya. Lintek lang! Bakit ba ganto tong lalakeng to?!
Lumayo sya ng bahagya, pero nasa harap ko pa din sya. Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Kung hindi mo ginawa yun sana mababa lang ang matatanggap mo. Jeff." Sabi nya at humarap kay jeffrey.
Ano kayang balak nito?
"Yung RED DIAMOND CARD." what?! Patay!
"S-sigurado ka ba pre?" Paniniguradong tanong ni jeffrey.
"MUKHA BA AKONG NAGBIBIRO?!" sigaw nya. Lagot mukhang ginalit ko ang dragon.
Agad namang kinuha ni jeff ang card at ibinigay kay keith.
Agad naman nitong idinikit sa noo ko.
Lagot!
"Sana naman magtanda kana SLAVE!" Sabi nya. Bigla naman nyang hinubad yung coat nya. At inihagis sa mukha ko.
"Labhan mo yan. Ikaw ang may gawa nyan kaya ikaw ang magayos." Sabi nya at palabas na ng classroom.
Anong akala nya sa akin utusan?
"HOY KEITH IVAN FLORENCE GONZALES!"humarap naman sya.
KUNG INAAKALA MO NA MADADALA MO AKO SA PARED RED CARD NA TO! PWES NAGKAKAMALI KA! WAG MO AKONG ITULAD SA IBA!" Sigaw ko at inihagis sa pagmumukha nya ang coat nya. At pinagpunit punit ko yung card na yun at itinapon ko sa pagmumukha nya.
"IKAW ANG MAGLABA NYAN KUNG GUSTO MO! PATAY KA NAMAN KAY TI- MA'AM KHATE PAGNALAMAN NYA TO!" Sabi ko at tumalikod na para umupo sa upuan ko.
Lumingon muna ako sa kanya. kita sa mukha nya ang sobrang pagkainis.
"GOOD MORNING CLASS!" bigla namang dumating na ang teacher namin.
nagsiupuan na ang mga kaklase namin, pero ang supladong yun lumabas.
"Mr. Gonzales, san ka pupunta magi-start na ang klase natin." tanong ni ma'am pero ang walang galang na lalakeng yun
di manlang pinansin si ma'am at patuloy lang sa paglalakad.
"hay.... kailan kaya sya magiging matino? Ok, class let's start." sabi ni ma'am. sa tingin ko hindi na sya magbabago.
Keith's POV
Nakakainis na babae yun. hindi nya ba kilala kung sino ako?
umalis ako dun sa pesteng classroom na yun at dumiretsyo sa laundry section dito sa school. Pagkababa ko nang
coat ko, pumunta muna ako sa dorm at naisipan ko munang matulog.
after 3 or 2 hour
kring!.... kring!....
nagring ang phone ko.HAIST!!!! sino naman kaya tong tumawag na to! ISTORBO! kinuha ko ang phone ko na nasa tabi
lang ng kama ko. di ko na tiningnan dahil kagigising ko lang.
"hello?" sabi ko habang inaantok pa
"Pre, nasaan ka? grabe pumunta ka dito sa gym! bilisan mo! ang ganda ng view!" sabi ni Jeff. Hah?! anong nangyayari!
Wait! bakit ang ingay! napabangon ako sa kinahihigaan ko.
"B-Bakit anong nangyayari?" sabi ko
"Si nathalie. Pfft! Pinagtutulungan ng grupo ni chealsy! Grabe Talaga tol! Bilisan mo na baka hindi mo maabutan to!"
"T-tama na! pls... "rinig kong sumigaw si nathalie at naiiyak na sya! Lagot!
Haist! kasalanan ko to eh! dali dali kong kinuha ang jacket na nasa tabi ko, alam nyo na for emergency na din.
Takbo lang ako nang takbo para makarating agad. peste naman oh! bakit ba ang layo ng gym dito?!
nangmalapit na ako wala na akong naririnig na nagsisigawan. mukhang tapos na nga. dumiretsyo pari ako para tingnan
ang kalagayan dun. Medyo kumalma ako nang malapit na . nagtago muna ako sa isang pader at saka ako sumilip. at
nakita ko si nathalie na umiiyak. Puno ng pasa sa katawan at gupit gupit ang kanyang mga damit. nakakaawa syang
tingnan. lalapit na sana ako kaya lang di ko kaya. tumayo lang ako dun sa may gilid at pinanuod lang syang ganun.
Wala akong magawa dahil alam kong lalo lang syang mapapahamak.
"hmm..... Lance.... I need you.." narinig kong sabi nya. si lance. di ko alam pero ang sakit pakinggan na tinatawag nya
si lance... bakit kasi- HAIST!...
Pagtingin ko kay nathalie... nawalan na sya ng malay agad akong tumakbo at ikinumot ko ang jacket ko sa kanya. Nathalie.
"sorry ella.... sorry"di ko namalayan na napapatulo na pala ang luha ko...
I'm... I'm sorry
__________________________________________________________________
Oh No! Who is Lance?
Hihihihi!!!!